Chapter 5

109 4 2
                                    

Chapter 5

Maaga akong nakarating ng room namin, tahimik pa ang mga ka klase ko. Siguro dahil wala pa yung iba nilang mga kaibigan o kaya inaantok pa sila.

Dumaan ang ilang minuto at nagsipasukan na ang mga ka kalase ko. Dumating na rin si Mich at Nicole, bumeso muna sila sakin bago umupo sa kanilang mga upuan.

Napansin ko naman na wala pa ang magaling kong katabi, samantala nandito na sila Josh at Alex. Himala ata na late siya?

"Good morning class!" bati samin ni Ms. M na first teacher namin ngayong araw.

Napatingin naman ako sa katabi kong upuan at wala talagang dumating na Jace. bat mo ba hinahanap Janella? Iiling iling ako at nag focus na sa harapan, bat nga ba ako papa apekto kung wala yung masungit kong katabi diba?

"Class, I'll give you your upcoming activity that will be done by partners. So your seatmate will be your partner." discuss ni Ms. M, pano yon wala yung seatmate ko?

"Don't worry the activity will be pass the week after next week, dahil next week start na ng inter university tournament ng basketball." Pahabol ni Ms. M. Ahh so lalaban na pala sila? Pero bakit nandito pa sila Josh at Alex? Diba dapat nag ttraining na din sila?

Lunch time na kaya, eto nanaman kami  sa caf ang bagsak, hindi pa kasi na pproduce yung gate pass daw ng mga estudyante. Inuuna kasi muna nila yung upcoming events ng school, lalo na yung basketball tournament.

"Baby, hindi na kami makakasabay mag lunch sa inyo. Sorry nandyan na daw sila Jace eh. Wag kayo mag skip ng lunch ha? Una na kami sa inyo, i love you!" Paalam ni Josh kay Mich sabay halik sa noo. Mapapa sana all ka nalang talaga sa dalwang to.

Nakatingin lang kami ni Nicole kay Mich, matapos ng ginawa ni Josh sa kanya hahaha kawawang mga single.

"Kakabalik lang daw ni Jace kasama si Coach at Sandro from meeting. Nagpatawag na siguro si coach ng training. Tara na kain na tayo!"

Pa gabi na ng natapos ang last class namin, lab class sa physics ang huling class namin. 4hrs lab class ba naman tapos large class pa kasama namin ibang section. Madami rami rin pala ang varsity ng basketball sa batch namin, kasi kanina ang daming wala a sabi ng teacher namin varsity ng basketball kaya wala.

"Girls, samahan niyo naman ako sa gym. May ibibigay lang ako kay Josh." yakag ni Mich samin at ipinakita yung gatorade at water na hawak niya.

Hindi naman kami makatanggi kaya sinamahan na namin si Mich papunta sa gym. May ilan din na patungo sa gym, hindi ba strict ang coach staffs ng school pag dating sa training? Kasi kung pwede ka manood eh.

"Pwede manood ng training, basta hindi mo maiistorbo yung players. Pero minsan pag need na ng matinding training, strict na ang staffs. Ang pwede lang makapasok sa loob ay student managers o kaya related sa player." mind reader ba mga tao dito at alam nila takbo ng isip ko?

Tinawanan ako ni Nicole sa reaction ko. "Halata kasi sa itsura mo na nagtataka ka, kaya inexplain ko sa'yo."

Malapit na kami sa gym pero bigla akong kinabahan hindi ko alam bakit? Dahil siguro first time ko makaka kita ng mga basketball players na nag ttraining?

Napatingin samin yung lalaki na nasa may gilid ng court habang nag ttraining ang players, eto siguro ang head coach nila.

"Water break muna!" sigaw niya at nag huddle naman sa gitna ang mga players na pinangunahan ni Jace.

"Blue Warriors!!"

Yun pala tawag sa kanila. Westfield University, yan ang pangalan ng University na pinapasukan namin.

Between Two Hearts | [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon