Chapter 4

97 4 0
                                    

Chapter 4

Habang naglalakad ako sa hallway, puro bulungan ang naririnig ko. Ako ba ang pinag uusapan nila or assuming ka lang talaga Janella? Kasi naman natingin tingin pa sila sakin.

"Sis, narinig ko talaga kahapon sa usapan nila type ni Sandro yung new student!"

"Huhu akin lang si Sandro babes eh."

"Omg! siya yung bagong student!

"Okay lang, maganda naman pala siya! Basta si Papa Jace akin!"

Tama nga ako, ako ang pinag uusapan nila. Pero teka anong type ni Sandro? Ako type ni Sandro? Napaka labo naman ata mangyari non. Hindi ko abot ang standards ng babae na nababagay sa kanya, he's too good for me. Feel ko lang naman kasi, sabi nila sobrang seryoso niya sa lahat. Baka mamaya ako pa maging dahilan or mamaya makalatan ko pa image niya dito sa school.

"Janella!" Tawag ng hindi pamilyar na boses. Huh, may nakaka kilala na sakin dito bukod sa mga ka klase ko?

"Hey, Janella!" Nagulat ako nung nakita ko na sa harapan ko si Sandro. t-teka si Sandro????

Gulat ko siyang tinignan, kasi shet hindi ko alam sasabihin at gagawin ko! Nasa harap ko si Sandro Velez, anong gagawin ko?

"H-hello, hehehe" nahihiyang bati ko. Nginitian at tinitigan niya lang ako!

"Hi, sorry nagulat ata kita. Nakita kasi kita naglalakad mag isa. So I approach you hehehe, bago ka dito right?" Oh lupa pakilamon nalang ako pls hindi ko alam gagawin. Shocks ang gwapo niya nga.

"Ahh hehehe yes, dito narin ako magtapos eh."

"Ohh, I see. So hanggang college ka pala dito. Btw, I'm Sandro." pakilala niya sabay lahad ng kamay para makipag shake hands.

Inabot ko yung kamay niya, at nakipag shakehands sa kanya. Shet ang lambot ng kamay niya walang ka kalyo kalyo ata!

"Sorry, talaga kung parang ang feeling close ko. Pinakilala ka ni Jace kahapon eh sa caf." Ahh yun pala pinag uusapan nila kahapon.

"Hindi naman, ayos lang yon! Hahahaha" lakas loob kong sabi kahit hiyang hiya na ako kanina pa.

"Okay lang ba sabayan na kita papunta sa room mo? Hahahaha same direction lang naman tayo. Sa section B lang ako." sabi ni Sandro. Hmmm mukhang okay naman siya kausap. Medyo nagiging kumportable na ako sa kanya.

"Sure walang problema, hahaha! Co-captain ka pala ng basketball dito?" pag bukas ko ng topic para hindi naman awkward habang naglalakad kami pa punta sa room.

"Ahh yep, hahaha actually I was the captain of our football team kaso nagka issue eh. Kaya ayon nag basketball ako, though I play basketball too. " napaka sporty naman pala nito ni Sandro. Gwapo na sporty pa.

"Ikaw ba? Do you play any sport? " Tanong ni Sandro while looking at me. Bakit ba ganito to makatitig para akong na hhypnotize

"Ahh I play table tennis before. Pero ngayon hindi na ako naglalaro. " Yeah. I play table tennis before nung elementary palang ako.

Hindi ko namalayan tumigil na pala maglakad si Sandro tapos ako dire diretso lang. Shet naman Janella nakakahiya ka.

Pag harap ko sa kanya nakangiti lang siya sakin, ano ba naman tong lalaking toh masyadong pa fall. Hindi ko kinakaya, masyado akong marupok. Ano ba naman toh.

"Hehehe sorry lumampas, di ko namalayan. " Palusot ko pero sa totoo lang nadala na ako sa usapan namin.

"HAHAHAHA ang cute mo talaga, so ano pasok kana sa room niyo? " Tangna ang cute ko daw. Watdapak lang talaga

Between Two Hearts | [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon