Simula

26 1 0
                                    

Ayoko na sa lugar na to dahil maraming bata ang nang-aasar sakin na kesyo wala na daw magtatangkang umampon sakin kasi pangit daw ako.

Nakakainggit kasi si azrell eh, iniwan niya ko ditong mag-isa yun tuloy wala na akong kakampi sa loob ng ampunang ito. Wala na din akong nakakausap dahil bukod sa kanya wala na akong kaibigan dito. Siya din ang palaging nagtatanggol sa akin sa tropang potchi na binubuo nila jane, shantel, at shemaiah. Maaarte sila tsaka bully porket mas malaki sila sakin ng bagya.

Tumakbo nalang ako at hindi na sila pinakinggan, wala din naman akong mapapala. Sa walong taon ko sa ampunang ito natutunan ko na ang kalakaran. Bata man ako pero mulat na ko sa reyalidad at ito ay ang hindi mo makukuha lahat ng gusto mo, magiging masaya ka man ngunit panandalian lamang. Sabi nila sister Rosa at Emma natagpuan lang daw nila ako sa labas ng ampunan na nakabalot sa puting tela na may pangalang Zenaiah kaya yun nalang din ang ipinangalan nila sakin. Pero gusto ko naman yung pangalan ko wala nga lang akong apelyido hanggang ngayon. Sana yung aampon sakin maganda apelyido para naman bawi ako kahit sa pangalan lang.

Tinawag na kami nila sister sa unang palapag upang kumain. Tanghali na rin kasi at tapos na rin kami sa pag-aayos at paglilinis para mamaya dahil may darating daw na bisita. Sana naman sila na magibg sagot sa pamilyang hinahangad ko tapos pag inampon na nila ako hahanapin ko si Azrell busit kasi siya eh, iiyak iyak kunwari at may pa pinky pinky swear pa kami, iiwan lang rin pala ako.

Umupo na ko sa bandang dulo para iwas atensiyon sa tropang potchi, mamaya ako na naman paginitan, di ko pa maayos ang pagkain ko.

Tama nga ako dahil may pinupuntirya na naman sila, naku naku naku....di na nahiya sa mga pag-uugali, kala mo kung sinong angat eh pare-parehas lang naman kaming palamunin sa ampunan na ito...pag ako talaga naampon ng mayaman gagantihan ko sila...joke lang. Kawawa naman yung batang babae mukhang iiyak na. Ng di na ako makatiis ay nilapitan ko na sila para awatin.

"Shemaiah, tama na, di mo ba nakikitang nasa harap tayo ng hapag kainan at binabastos mo ang pagkain?"

Dumako naman sa akin ang paningin nila at halos manginig ako sa tatlong na pares ng mga matang nakatitig ng masama sa akin.

"aba aba, galing sumagot ni Zenaiah ah, gusto mo ikaw ang pumalit ha?" sabay tayo ni shantel at lumakad palapit sa kinatatayuan ko. Isa-isa naman akong humakbang paatras dahil sa takot sa kanilang tatlo. Kaya ko naman sana sila eh kung isa-isa, pero kasi tatlo sila kaya ano na namang gagawin ko niyan.

Ngumisi ng pagkalaki-laki si jane ng pagkalaki-laki na akala mo aabot hanggang batok niya, kita pa sa gilagid niya ang mga kinain niya. Akala mo kung sinong siga, di naman marunong magtoothbrush, kawawa mga nilalapitan at kinakausap nito panigurado.

" oh bat umaatras ka na zenzen bantuten? Eh ang tapang-tapang mo kanina, inistorbo mo pa kami sa paglalaro namin" sabi ni shemaiah sabay tingin sa binubully nilang batang babae kanina.

Ano to salitan sila ng dialogue? Nakakainis na talaga sila.

" Bakit niyo ba kasi siya kinakawawa, kumakain lang naman siya ng tahimik sa pwesto niya" singhal ko sa kanila.

" Panong ginugulo? Ganito ba? Ha? Ganito ba?" sabi ni shantel habang binabato ako ng ulam sa damit at bigla nalang niyang ibinuhos sa akin ang sabaw ng ulam niya kanina.

Sumusobra na talaga sila. Tinulak ko din si shantel dahilan para sabunutan ako ni jane at hawakan naman ni shemaiah ang kamay ko. Aray ko masakit yun ah.

Akma ko pa lang sisipain si jane ng biglang marinig namin si sister rosa at emma na papalapit.

"Ano na namang kaguluhan ito Zenaiah? Lapitin ka talaga ng away na bata ka, at kayo naman jane, shantel at shemaiah hindi bat sinabi kong huli niyo na itong gagawin sa kapwa niyo mga bata? Ngayon pumunta kayong tatlo sa ikatlong palapag at kakausapin ko kayo maya-maya" saad ni sister rosa.

Agad namang pumanhik pataas ang tatlo at tumingin muna sa akin ng masama bago sila tuluyang umakyat.

"Hala sige na Zenaiah, linisin mo na ang katawan mo at naghihintay na sila Mr. at Mrs. Cortez para kupkupin ka" nakangiti at masasalamin ang labis na kagalakan sa mukha ni sister Emma.

Napatigagal naman ako sa narinig at hindi ko inaasahang may maiinit na palang likido ang nagbabagsakan sa mga mata ko. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko.

"Sister Emma, di po ba ako nananaginip sa narinig ko mula sa inyo? Sister patapik naman po ng pisngi ko sa pwet" saad ko dahil ayokong magkamali ng pagkakarinig.

"hindi na kailangan iha, totoong may pamilya ng kukupkop sayo, magpakabait ka roon at wag na wag mo kaming kakalimutan" sabay yakap sa akin nila sister at pinapanhik na ko sa aming silid upang maglinis ng katawan. Salamat po Panginoon, dahil dininig niyo po ang hiling ko.













Hahaha bagong story po ulit, pasensya na po di ko matapos tapos yung dalawa tapos ito na naman at may bago ...pero tatapusin ko po talaga yung dalawa kong naunang stories pero abangan niyo rin po ito. Lovelots...enjoy reading. Muah

-JCV




Do I Belong?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon