kabanata 4

16 1 0
                                    

Hey craveyss, as I've promised, heto na ang update mahal ko kayo eh, sabi ko naman sa inyo pagkatapos ng exam ko.

-----------------------------------------------------------
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa cafeteria para mag-lunch dahil nagbell naman na kaya dumeretso na ko dito. Hindi ko alam kung minamalas ba talaga ako o sadyang nagkakataon lang dahil nakasalubong ko si Van na papunta rin sa cafeteria.

Agad na sumilay ang ngisi sa mga labi niya at mabilis naman akong nilapitan.

"Siguro naman di mo pa ako nakakalimutan?" sabi niya habang sinasabayan na ako papasok ng cafeteria.

Heto na naman yung mga studyante at pinagtitinginan siya. Dapat talaga last na to at hinding-hindi na ako lalapit pa sa kanya paranaman makaiwas sa gulo.

"H-hindi naman, sige ano bang gusto mo para maorder ko na?" humarap ako sa kanya at nagulat ako ng sobrang lapit ko na pala sa kanya masyado, nakalimutan kong nasa likod ko lang pala siya.

Lalayo na sana ako ng bigla siyang mas dumukwang palapit sa gilid ng mukha ko at hinawakan ang braso ko.

"Sagot kita, wag kang mag-alala" dama ko pa sa tenga ko yung init ng hininga niya at kinilabutan naman ako dahil dun. Sobrang kinakabahan ako dahil sa sobrang lapit niya.

Nagising naman ang sistema ko at agad na humiwalay sa kanya para maghanap na ng mauupuan.

Nagpaikot-ikot ang paningin ko para humanap pa ng libreng pwesto ng mahagip ng paningin ko ang masasama at nanunusok na tingin ni kuya.

Dobleng kaba ang naramdaman ko at tila ba galit-galit siya habang tinitignan ako. Agad naman sinundan ni kuya ng paningin si Van na ngayon ay nakapila na para umorded ng kakainin namin.

I'm so dead right now. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot gayong wala naman akong ginagawa.

Bumalik ang paningin sakin ni kuya at agad siya tumayo at naglakad papunta sa likod ng cafeteria. Hindi ko alam kung bakit ko siya sinundan pero heto ako at naglalakad papunta sa kanya.

May natanaw akong bench sa likod ng cafeteria na kung saan walang tao dahil sa palagay ko ay nasa loob mismo ng cafeteria at mga nagsisipagmeryenda.

"K-kuya sandali lang" hablot ko sa mga braso niya para iharap siya sa akin at hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko oara gawin yun.

Mabilis siyang humarap sa akin at isinandal ako sa likod ng pader ng cafeteria, sana walang makakita samin at sa posisyon namin ngayon dahil hindi ko alam kung ano ang iisipin ng ibang tao pag nakita kami.

Naririnig ko ang mabilis niyang paghinga na para bang kanina niya pa gustong sumigaw base sa pagpipigil na nararamdaman ko sa higpit ng hawak niya.

"Hindi bat sinabi ko sayo na lumayo ka sa gulo?" gigil niyang sambit sa harapan ko at halos malanghap ko na ang mabangong hininga niya. " Pero ano tong nakita ko sa cafeteria ha?!!"
Hindi ko alam pero natutulala nalanag ako at gusto ko nalang na hayaan siyang ilabas lahat ng galit niya.

Hindi ko maintindihan ang ingay na ginagawa ng puso ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang gusto kong matuwa dahil nagagalit siya.

Nababaliw na yata talaga ako. Natutuwa na ko sa simpleng pagpansin sa akin ni kuya dahil madalas parang wala lang ako sa harap niya.

"N-nagulat lang din naman ako sa ginawa ni Van kuya, hindi ko naman yun ginusto" kandautal-utal kong paliwanag at unti-unti nang yumuko dahil tinutubuan na ako ng pagkailang.

"Ganun ba? Kaya ba first name basis na rin kayo? Ang bilis ah." tila nagtitimpi niyang sabi sa akin.

"Subukan mo pa Zenaiah, punuin mo pa ako, sa susunod na mangyari pa yun di ko lang alam kung mapipigilan ko pa."

Nagimbal naman ako sa sinabi niya at di na makagalaw sa pagkakatayo ko. Tumalikod na siya at naglakad palayo para makapunta na sa building nila.

Wala ako sa sariling bumalik sa loob ng cafeteria at natanaw ko si Van na parang may hinahanap.

"Akala ko tinakasan mo na ako eh" tila ba nabunutan siya ng tinik ng makita ako. At sabay na kaming pumunta sa pinakadulo kung saan wala naman ng masyadong nakaupo.


Siya ang nagbuhat ng lahat ng pagkain papunta sa mesa namin at hindi niya ako pinagbayad sa mga inorder niya para sakin kahit na ako naman dapat talaga ang manlibre dahil sa utang na loob.

"Salamat nga pala sa mga ito, pero babayadan kita kasi ako naman dapat talaga ang manlibre." pagpupumilit ko sa kanya dahilan para mapatitig na siya sa akin.

"Sige, kung gusto mo magkita nalang tayo ulit bukas para malibre mo ko." Sabay tawa niya ng makalaglag panga dahil sa bagay niya palang tumawa at hindi puro ngisi lang.

Mapipilitan na naman tuloy akong makipagkita sa kanya at baka tuluyan ng mabwisit sakin si kuya.

Nagpasalamat na kami sa isa't- isa at sinundan niya ako hanggang sa makarating ako sa classroom kahit na sobrang layo ng senior building sa aming mga freshman.


-----------------------------------
Yun lang po para sa chapter na to. Hope you enjoy it. Thank you craveysss

-JCV



















Do I Belong?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon