kabanata 3

20 1 0
                                    

Hello guys, I just want to express my deepest gratitude sa mga patuloy na sumusuporta sa story na ito, and sorry kung ngayon ko lang naayos yung cover ng book. Anyways, enjoy reading guys, love to read all your thoughts and suggestions, just comment down below, labyah craveyyss.

-----------------------------------------------------------
Habang naghihintay kami sa magiging teacher namin ngayong orientation, hindi nagpaawat sa kakakwento si Nicole sa tabi ko, pero hindi naman yung tipong madaldal na kakabwisitan mo, kaya di ko na rin mapigilang makinig sa mga kwento niya.

"Uyy, ikaw ah. Magshare ka naman tungkol dun sa nangyari sa gym kanina." at dun na nga niya naagaw ng tuluyan ang atensyon ko. "Anong nangyari kanina?" pagpapatay-malisya ko, dahil alam ko naman na kung sino ang tinutukoy niya. Yun nga lang di ko maintindihan bakit pinagpapawisan na ko ng malamig.

"Anong anong nangyari? Pinaupo ka lang naman ni Van sa bench kanina!" gigil niyang impit sa akin. Napabaling nalang ang mata ko sa armchair para hindi niya makita na nag-iinit na ang pisngi ko. Nakakainis, ano bang nangyayari sakin?

Tila nakahinga ako ng maluwag nang sa wakas ay dumating na ang teacher namin para sa orientation. Ayoko man sa paki-pakilala na ganito atleast naligtas naman ako sa pagtatanong ni Nicole sakin.

" So Good morning class! I am Teacher Selena Asuncion but you can call me Cher Sel, as for your orientation, alam kong usual nalang ang paki-pakilala pero lalagyan naman natin ng twist ngayon." naging attentive naman ang lahat sa amin at naghintay pa ng ilang mga sasabihin ni Cher Sel. Sinet-up niya ang flatscreen tv at kinonect ang cord sa kanyang laptop na dala. May nagflash namang things to do sa tv kaya binasa ko nalang.

Things to do:
5 Hugs
4 cheek-to-cheek
3 high fives
2 "can we be friends?"
1 " let me treat you a meal"

"As you can see, yang mga nasa things to do ay gagawin niyo mismo sa mga classmates niyo and dapat niyong ilista ang mga pangalan ng classmates niyo nagawan niyo na ng mga nasa things to do list para makita kung may mga nakilala nga ba talaga kayo? And take note, bawal ng maulit ang names ng mga kaklase niyo so required na iba't-ibang names ang makikita ko sa listahan niyo, any question?" saad ni cher Sel.

Sabay-sabay naman kaming nagsitayuan na para magawa ang pinapagawa ng teacher. Although napaka challenging nito kasi as in physical contact agad sa mga classmates mo ang gagawin first day na first day.

Nagulat naman ako ng may bigla nalang  yumakap sakin galing likuran kaya napaharap ako.

"Hi, Joshua Nacino" pagpapakilala niya sa akin kaya kahit na medyo gulat parin ay napangiti nalang ako ng di oras.

"Uhmmm Hello, Zenaiah Cortez" abot ko ng kamay at inilista narin ang pangalan niya sa papel ko as my first hug, so may apat pa.

Ganito pala yung feeling nang may makasalamuha kang ibang tao na alam mong hindi ka kilala at hindi ka mahuhusgahan. Ito yung gustong-gusto kong mangyari at sana magtuloy-tuloy na ito para maging normal man lang akong estudyante.

Madami na ding nakipagbeso-beso sa akin, yakap at high five kaya yung number 2 at 1 nalang ang gagawin ko. It felt so fulfilling, ang saya-saya ko sa simpleng bagay.

Pero hindi ko na pwedeng gawin kay Nicole ang "can we be friends? O kaya let me treat you a meal" kasi bawal nga daw maulit ang pangalan ng mga kaklase mo sa listahan. Kung bakit ba kasi niyakap niya rin ako, nahihirapan tuloy akong maghanap.

May mga babae naman sa likod kaya maigi nang mapuntahan ko agad para matapos na itong list ko. Ayoko mang magfeeling close pero dun naman mapupunta lalo na at sila ang magiging kaklase ko for the rest of this year. Pero di ko parin mapigilan na matakot makipagkaibigan dahil sa mga nangyari nung elementary at nung nasa ampunan pa lamang ako.

C'mon, makikipagkaibigan ka lang naman at hindi mo naman sila kukulitin kung ayaw nila. Pagkausap ko sa sarili ko. Nang malapit na ko sa kanila, may naramdaman na naman akong humawak ng mahigpit sa braso ko.

Nakakairita, pangalawang beses na to sa unang araw ko palang ang ayoko pa naman sa lahat ay yung binibigla ako.

Hinarap ko na kung sino man ang humigit ng braso ko para sana bawiin na ito.

Hindi ako makapagsalita, hindi ko ito akalain at lalong hindi ko ito inaasahan. Dahan-dahang ngumiti ang nasa harapan ko at nagalok ng kamay sakin.

"Hello, I'm Azrell Jan Santiago, "let me treat you a meal" sabi niya habang nakalahad pa rin ang kamay sa harapan ko at malapad na ang ngiti. Masasalamin mo sa mga mata niya na sobrang masaya siya sa nangyayari ngayon.

Napatitig nalang ako sa kamay niya. Unti-unti nang nagtubig ang mga mata ko at hindi ko na kakayanin kung magtatagal pa ko rito kaya't tinalikuran ko na siya at naglakad patungo palabas ng classroom, bahala na kung saan ako mapadpad, atleast makakalayo ako kay Azrell.

Ang laki ng pinagbago niya simula ng magkahiwalay kami sa bahay ampunan. Hindi mo na maaalala na isang siyang batang patpatin dahil sa itsura niya ngayon.

Napakatangkad na niya, ang laki rin ng ipinuti niya at ikinaganda ng katawan. Hindi mo rin maitatanggi na gwapo ang kababata kong iyon lalo na ngayon, halatang alagang-alaga siya ng mga umampon sa kanya noon na hindi na niya ako nagawang dalawin at kamustahin.

Ang sakit lang sa loob kasi ang tagal niyang nawala pero bakit ganoon nalang kung itrato niya ako ngayon. Parang walang nangyari at hindi kami nagkawalay ng ilang taon, sabagay hindi naman siya ang naiwan kundi ako, ako yung nawalan ng kakampi at kasa-kasama.

Hindi ko na alam kung saan at papano ko siya maliligaw kasi alam kong sinusundan niya ako. Hindi parin talaga nagbabago ang lalaking ito.

"H-hey, zenzen can you please slow down?!" tila pa naiirita niyang sabi sa akin. Wow ang lakas lang ng loob ng apug na ito.

Eh sa ayaw ko nga siyang makita, ano bang di niya maintindihan dun?

"Zen, I'm sorry okay? Alam kong galit ka sa akin dahil hindi kita binalikan sa ampunan but that was years ago and heto na ko, nagkita ulit tayo kaya please don't push me away, please zen." hinihingal niyang paliwanag. Hindi ako marupok para mapatawad siya agad dahil hindi naman ganun kasimple ang pinagdaanan ko nung nawala siya.

Hinarap ko siya ng nakayuko dahil ayokong makita niya ang mukha ko, ayokong may makakita na mahina na naman ako.

"It's not that simple Azrell, buti sana kung nanghihingi ka lang ng piso o kaya humihiram ng ballpen pero kapatawaran ko ang hinihingi mo at alam mong mahirap sakin ang gawin yon dahil mahalaga ka sakin, sobra sobra, pero noon yun at ilang taon na ang lumipas pero bakit ngayon lang?!!!"  singhal ko sa kanya at hindi na maiwasan ang mga luhang nagaksakan mula sa mga mata ko.

Unti-unti niyang hinawakan ang baba ko na tila ba nananantya. Tila ba ingat na ingat siya na masaktan ako tulad ng ginagawa niya nuong mga bata pa kami.

Pinunasan niya ang mga luha ko at hinigit para sa mahigpit na yakap.

"shhhh, I know, I know baby, I'm so sorry, fuck this...shhhhh" pagpapatahan niya sakin at mumunting pagmumura niya sa kanyang sarili.



So hanggang dyan lang po muna hahaha, let me know your opinions about this chapter po. Asahan niyo po na makakapag-update ako next week kasi exam po namin this friday to saturday kaya review time po muna, Thanks craveysss lovelots.

-JCV

Do I Belong?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon