kabanata 1

29 1 0
                                    

"Zenaiah, gumising ka na anak. First day mo pa naman sa school."

Buti nalang hindi ako nag-alarm kasi doble-doble pala ang ingay na sasalubong sa kin pag nagkataon. Kahit na tinatamad, agad parin akong bumangon para sa unang araw ko, syempre ng pangit naman kung first day na first day eh late ako.

Sumaglit muna akong yumuko at nagpasalamat sa Panginoon at pagkatapos, dahan-dahang bumunot ng isa sa mga makukulay na papel sa garapon ko.

Jeremiah 29:11, For I know the plans I have for you, declares the Lord, plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future. Nakasanayan ko na tong gawin sa araw-araw dahil isa ito sa mga bagay na nakakapagpasaya sa akin. Isa rin sa mga bagay na nakakapagpa-alala sa akin na mahal tayo ng Panginoon kahit na makasalanan tayo atsaka pag malungkot ako at iniisip kung bakit ako iniwan ng mga tunay kong magulang, isa ito sa mga bagay na nagbibigay sakin ng mapagpatawad na puso at pang-unawa sa mga rason ng tao kasi hindi naman tayo gagawa ng walang dahilan, ng walang purpose kaya balang araw kung babalik man ang mga magulang ko, iintindihin ko sila hanggat kaya ko.

Ginawa ko na ang mga morning rituals ko bago pumanhik sa baba at kumain na ng breakfast.

Nakalimutan kong sabihin na, napakaswerte ko nga pala sa mga umampon sakin five years ago, kundi dahil sa kanila, siguro hindi ako makakapag-aral sa isang magandang school at mararanasan ang mga magagandang bagay. Mayaman kasi ang pamilyang Cortez at gusto nilang magka-anak ng babae pero hindi sila biniyayaan kaya ang kinalabasan, itinuring at inalagaan talaga nila ako bilang isang anak kahit na hindi ako tunay na kadugo.

Pero kahit kailan, hindi ako nagyabang sa mga bagay na meron ako, I accepted all the judgement coming from them, lalo na sa mga classmates ko nung elementary ako. Palagi pa rin akong nabubully. Nung wala pa akong magulang na matatawag kong mama at papa, binubully na ako, pero ngayong nagkaroon naman, binubully pa rin ako and I really don't understand what kind of mindsent they have. I just prayed for them na sana makita nilang okay naman ako, na normal pa rin ako at hindi dapat pandirihan.

Pagpanhik ko sa baba, naramdaman ko agad ang maiinit na pares ng mga mata ang nakatingin sa akin. Hindi ko na kailangang tignan pa kung sino iyon, walang iba kung hindi ang kuya ko. Kung kapatid ko nga bang matuturing kasi siya hindi ako matanggap-tanggap sa pamilyang to. He always make me feel na hindi ako belong, at hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Pero umaasa nalang ako sa pagmamahal nina mommy at daddy dahil sila lang ang may kayang tumanggap sakin.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa mesa para maka-upo na ng bigla syang nagdabog at binitawan ang kanyang mga kubyertos.

" Make it quick or else iiwan kita dito at hahayaang maglakad papuntang school." saad nya ng may nanlilisik na mata at tumalikod na ng tuluyan.

"Hayaan mo na ang kuya mo dahil kulang lang siguro sa tulog yon." Pang-aalo naman ni mommy sa akin. Kaya dinalian ko na talagang kumain at kinuha ang bag ko para makahabol na kay kuya.

"Just be yourself and goodluck to your first day anak." Sabay halik ni mommy sa noo ko at humabol pa si daddy ng yakap sa akin.

I'm really blessed despite of everything that happened. Maswerte pa rin ako sa kalagayan ko kung ikukumpara sa iba na halos wala ng makain at hindi na nakakapag-aral at ako itong nabigyan ng chance kaya sino ako para sayangin ito.

"Bye mom and dad." Tuluyan na kong naglakad papunta sa kotse ni kuya while waving my goodbye. Agad na sumalubong ang iritadong mukha nya sa akin.

Hindi ko mapigilang kabahan at pagpawisan ang mga kamay. Sa tingin niya palang mapapanginig ka na talaga dahil sa malalalim na mata at mahahabang pilik-mata niya, napakaintinse, hindi na nakakapagtaka kung bakit maraming siyang regalo na natatanggap at maraming babae ang kumakausap sa akin para lang  mailakad ko kay kuya.

"Ano tititig ka na lang ba?." nagising naman ako sa boses nya at natauhan kaya agad akong pumasok sa loob ng kanyang kotse.

This is it, finally high school na ko at mararanasan ko na yung sinasabi nilang happiest point of my life na kung saan, kung papalarin man, eh makakahanap ako ng mga kaibigan at makakaexperience ng mga bagay-bagay, exciting adventures ika nga.


Napahinto naman ako ng bigla nalang iprinero ni kuya ang sasakyan at itinabi sa kanang bahagi ng daan.

Agad niya akong hinarap at nagulat naman ako sa dilim ng kanyang mga mata at nag-iigting na naman niyang mga panga.

Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang mali sa akin at hindi niya ako magawang itrato kahit man lang kaswal.

"Hindi ba sinabi ko sayo na hindi ka aalis sa girl school na pinasukan mo nung elementary?, at plinano mo pa talagang sa school ko ikaw mag-high school, ano!, gusto mo nang magpapansin sa mga lalaki doon dahil nagsasawa ka na sa dati mong school huh!?" sigaw niya sa akin na siya namang nakapagpagulat sa sistema ko. Unti-unting nanubig ang sulok ng aking mga mata at dahan-dahang nagbaba ng tingin. Hindi ko kasi makayanan ang init ng titig at galit niya.

"H-hindi naman po sa ganun kuya, gusto ko lang po talagang magkaroon ng bagong environment, yung maranasang hindi nakakulong at makahanap ng mga totoong kaibigan, mahirap po bang unawain yon?"

Hindi ko na napigilang humikbi habang sinasabi ko yon. Hindi ko talaga maintindihan kung saan nanggagaling ang galit niya sa akin gayong wala naman akong ginagawa.

"Fuck, damn it", narinig kong mura niya kahit na pabulong niya itong sinabi. Nakita kong humigpit ang hawak niya sa steering gear at inistart na ulit ang pagmamaneho ng sobrang bilis, halos humiwalay na ang kaluluwa ko sa sobrang bilis atgigil niyang magmaneho.

Hindi kalaunan ay natatanaw ko na ang gate ng school, heto na ba yun? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? At pinagpapawisan ako ng malamig?



Hello Craveysssssss, so sorry ngayon nalang na naman ulit nakapag-update...but I'll try my best po para magtuloy-tuloy na...lovelots

-JCV

Do I Belong?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon