kabanata 2

20 1 0
                                    

Pagkapasok palang namin sa gate, ramdam mo na agad ang tinginan ng mga estudyante. May mga sa tingin ko ay kasing edad ko lang at mga mga mukhang seniors na.

Their stares are contagious that I can't help but to bow my head and shyly walk to reach the hallway. Nang makarating na kami sa mismong gym ay sikreto akong sumulyap kay kuya na siya namang nakapagpasinghap sa akin.

He's also staring at me with brooding and dark eyes. Nakakunot ang kanyang noo at tila ba may gustong sabihin dahil sa kanyang iritadong ekspresyon.

Ganun naman talaga si kuya, kung hindi iritado, ay malamig lang ang pinapakita saking emosyon. No more, no less.

"Just make it sure na hindi ka gagawa ng anumang gulo dito and keep a low profile, I'll be watching you." sabi niya at agad akong iniwang mag-isa sa napakalawak na gym.

Napayuko nalang ako. Hindi ko tapaga maiwasang masaktan pa rin sa mga sinasabi niya kahit na paulit-ulit nalang. Hindi ko magawang masanay at maging manhid.

Napalingon ako sa mga nagdadagsaan nang mga estudyante, paingay na rin ng paingay sa loob dahil dito. Kung may kaibigan kaya akong ganyan kadami, magiging maingay din kaya ako?.

Biglang napatigil ang lahat nang may marinig kaming nagsalita galing sa speaker sa loob ng gym. Napalingon kami sa harap ng stage and I guess isang teacher ang nasa harap namin para iwelcome lahat ng students sa school na to.

"Good morning students, We're so glad to see you again and face this new chapter and school year of your lives, so in 10 minutes we ask all of the students to settle down and we're about to start the program. Thank you" Pag-iinform nung teacher and lahat naman ay nagsimula ng umupo kaya naglakad na ako at naghanap ng pwede kong upuan.

Nahihiya akong tumingin sa mga lalaking sa tingin ko ay ahead ng ilang year sa akin. Wala na talaga kasing space dahil occupied na sa bandang taas at sa right side ng gymnasium na ito. Nagdadalawang isip ako kung makikiupo ba ako o kung mag i standing ovation nalang but it might be awkward kung ako lang nakatayo kasi lahat na ng estudyante ay nakaupo na.

"Miss! Dito ka nalang oh, baka maunahan ka pa ng iba." Sigaw ng isa sa mga lalaking nakaupo sa gusto ko sanang pwestuhan. Wala naman sigurong masama kasi siya na mismo ang nag alok nito.

I slowly walk and excused myself to those students na dadaanan ko. Ng malapit na ko sa kinaroroonan nung lalaki, bigla siyang bumaba kaya nagtataka akong pinanood siya.

Dahan-dahang humawi ang mga estudyante para bigyan siya ng dadaanan at bigla na lamang inabot ang kamay ko para igiya ako sa inuupuan niya kanina. Medyo malaki pa anamn ang space kaya, siguro kasya pa naman kaming dalawa.

Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante especially girls na alam kong dahil sa lalaking may hawak ng kamay ko. Unti-unti akong yumuko para maitago ang mukha ko sa hiya. Kung isa man siya sa kilalang tao sa school na to, siguro pagkatapos nito, hindi ko na dapat siya makasalamuha. Mahirap na, kauna-unahang bilin sakin yun ni kuya.

Nang makalapit na kami sa pwesto ay agad akong umupo at nagpasalamat sa kanya. Pero di parin matanggal ang titig niya sakin.

"Oh, Van sino yang chicks na kasama mo?" sabi ng tumatawang lalaki na katabi niya kanina bago bumaba at igiya ako dito.

"uh-huh, shut up, nantitirador ka na naman ng mga bata, daming freshman ano?, kaya di ka na naman mapakali." ganting aagot naman ni Van. Napapangiti ako habang binibigkas ang pangalan niya sa isip ko.

Hindi niya na pinagtuunan ng pansin ang kaibigan niya at muling humarap sa akin. I can't contain myself not to appreciate this being in front of me. Kaya pala ganun nalang siya titigan ng mga babae kanina. Normal ba ang mukhang ganito sa school? Araw-araw naman akong nakakakita ng gwapo kasi araw-araw kong nakikita si kuya pero iba ang dating ni Van sa akin. Expressive eyes, aristocratic nose, perfect shape and color of lips and a very masculine body.

"Hey, by the way I'm Van Gasthoff Santillan." I immediately snapped out and bring my total awareness. Nagpapakilala siya sa akin at hindi ko siya magawang tignan pabalik. " Can I know your name?, by the way hindi ako tumatanggap ng thank you."

"I-I'm Zenaiah Cortez, kung g-ganon, anong gusto mo kapalit ng pagpapa-upo mo sa akin?" kinakabahang sabi ko.

" Magkita nalang tayo sa cafeteria mamayang lunch." Agad naman akong tumango at nakinig na hanggang matapos ang program.

Agad naman kaming pinayagang umalis para mahanap ang mga respective rooms namin. Sinundan ko na lamang ang mga kumpol ng estudyante and I think they're heading on the bulletin board, baka dun nakapost kung anong room and building kami.

Dito sa Santa Catalina Academy, hanggang senior high-school ang program na meron sila kaya napakalawak sa loob at mukhang maliligaw ka kung walang mag a-assist sayo lalo na sa katulad kong freshman.

Nang mabawasan na ang kumpol ng mga estudyante ay agad ako lumapit para hanapin ang room and building na papasukan ko. Anastacia, Arcellena, Avgus, Bautista, Cortez. Agad kong nahanap ang pangalan ko dahil hindi naman mahirap hanapin ang C sa listahan nila.

Triny kong hanapin kung saan building si kuya and it turned iut na magkatabi pala ang building ng freshman sa mga grade 11. Ang kinagulat ko pa, dumako ang mata ko para hanapin ang letter S sa listahan and surprisingly, magkaklase sila ng kuya ko. Van is also on the 11th grade of senior high school.

Tumakbo na ko ng makitang 9:30 pala ang schedule ko ngayong Monday, nawala sa isip ko na nabigyan na nga pala kami nito bago pa pumasok.

Nang makarating ako sa room namin, agad akong humanap ng upuan sa bandang gitna para hindi masyadong malapit o malayo. Sakto lang.

Nagulat ako ng may tumabi saking babae at tsaka biglang tinignan ang nakasulat sa I.D. ko.

"Hi Zenaiah, I'm Nicole and pwede ba kitang maging seatmate?" tanong niya ng napakaenergetic. "Uhm okay lang naman, nice to meet you Nicole." Hinihintay nalang namin ang teacher na pumasok para sa aming orientation. Yun kasi ang nakalagay sa sched. namin.

Hello craveysssss. Another update po ulit ngayon. Hahaha I'm open for your comments and suggestions po. Thanks for supporting my story. Lovelots

-JCV



Do I Belong?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon