"Nice shot!Next post,very nice!Ok tapos na tayo next week ulit ha!" masiglang sabi ng photographer.
"Sissy ang ganda mo talaga!Nakita ko yung mga post mo,pak na pak!"sabi ni Agatha na parang kinikilig na hindi maintindihan ang ekspresyon.
"Tumigil ka nga Agatha!Tara na pupuntahan ko pa si Jhon."
"Ayan ka naman Bess!Bakit ba ayaw mo pang tigilan 'yang si Jhon?Lagi ka na lang nag---"hindi ko pinatapos ang sasabihin nya dahil alam ko na ito at agad ko namang sinagot.
"Alam mo na ang dahilan Sissy!"sabi ko na parang balisa.
Agad na kaming umalis ni Agatha at sumakay na kami sa aking kotse.Binilisan ko na pagpapatakbo para agad na kaming makapunta sa bahay ni Jhon.
Nang makarating kami ay agad akong bumaba at pumasok ng bahay.Naiwan si Agatha sa labas para intayin ako.
Pagpasok ko sa bahay ay agad akong binati ng mga katulong. Hindi na ito bago sa akin dahil madalas akong pumupunta sa bahay na ito.
"Ahh Manang Lita,nasaan po sa Jhon?"tanong ko sa isang katulong.
"Nandoon sa tabihan ng pool, nagpapahangin."ngising sabi sa akin ni Manang Lita.
"Salamat po"
Agad na akong nagpunta sa tabihan ng pool.
Nakita ko si Jhon na nakaupo sa gilid ng pool at nakalubog ang mga binti sa tubig.
"Jhon.."marahang pagtawag ko sa kanya.
Lumapit ako sa kanya at tinabihan ko sya.
"Anong ginagawa mo dito Ace?" tanong nya sa akin na parang pinagtatabuyan ako.
"Ayaw mo ba na nandito ako?" patatakang tanong ko sa kanya.
"Oo,ayoko na nandito ka!"sabi nya ng pasigaw.
Bigla na lang nabalot ng katah-imikan ang lugar at nag-init ang sulok ng aking mga mata.
"Umalit ka na Ace.Hindi kita kail-angan!"nagtuluan na lang ang aking mga luha dahil sa sinabi nya.
"Talaga bang ganyan na lang ang tingin mo sakin Jhon?"sabi ko habang lumuluha.
"Please Ace.Umalis ka na lang. Wag mo na pahabain pa baka hindi mo na matanggap kung ano ang dahilan ko."
"Pero Jh---"hindi ko naituloy ang sasabihin ko.
"Just go Ace!Ayoko na!"halos madurog ang puso ko ng bigla nya akong sinigawan.
"Tandaan mo Jhon,kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan nandito lang ako para sayo.Mahal na mahal kita"
Umalis na lang ako ng basta dahil baka lalo pa nya akong sigawan.
Lumabas ako ng lumuluha at agad akong nagtungo sa labas.
Nakita ko si Agatha at dali-dali akong pumunta sa kanya.
"Bakit ka umiiyak Sissy?"niyakap ako ni Sissy ng mahigpit.
"Walangyang Jhon!Nasan yo--" agad kong hinawakan ang braso niya ng akmang susugudin nya si Jhon.
"Sissy just calm down.Im okay." Sabi ko habang pinapahid ko ang aking mga luha.
"Tara na.Umalis na tayo."mahin-ahon kong sabi.
***
Nang makarating kami sa condo ko ay agad akong humiga sa kama ko at niyakap ang aking unan habang si Sissy ay dumi-retso sa veranda.
"Anong klaseng lalaki yang napili mo Ace?!Pinaglalaruan ka lang nun e!"galit na sabi ni Agatha.
"Tama na Agatha,wag mo na lang intindihin yon"hindi ko na kayang pigilin pa ang unti-unting pabuhos ng luha ko sa sinabi ni Agatha.
BINABASA MO ANG
Now You See Me
Teen FictionItong istoryang ito ay mayroong mga aral at leksyon na inyong matutunan. Huwag maging mapagmataas dahil ito ang magiging dahilan kung bakit ka/kayo magiging mababa.Sa lahat ng ginagawa nyong masama,may kapalit din itong karma sa inyo. So,i hope th...