Pumunta ako sa bahay ni Jhon ngunit parang walang tao dito. Tumawag ako ng tumawag ngunit wala talagang sumasagot hanggang sa may matandang lumapit sa akin.
Isang matandang babae na parang sosyalin ang dating ang nagtanong sa akin."Hija,sino ba ang hinahanap mo?"mahinahong tanong ng matanda sa akin.
"Ahh pasensya na po Mrs.Emma hinahanap ko lang po si Jhon.Nakita nyo po ba sya?"
"Kalalabas pa lang nya but i think pabalik na yon."nakangiti nyang sabi.
"Ahm thank you po."pumasok na sa loob ang matanda at napagisipan ko namang maglakad-lakad.
Sa paglalakad ko ay nakarating ako sa tapat ng isang coffee shop.Pumasok ako at naupo sa table sa pinaka sulok nito.
Iniub-ob ko ang aking ulo sa lamesa."Ah Ms.,anong order mo?"napatunghay ako ng may magsalita sa harap ko.
"Ahm isang mocha frappe lang at potato chips."nakangiti kong sabi.
"Just a few minute"nakangiti nyang sabi sabay kindat sa akin.
Tumingin ako sa labas at napansin kong umuulan.
"Shit!Wala akong payong."sabi ko sa aking sarili.
"Ahm here's your order Ma'am!"pagharap ko ay ipinatong nya ang order ko sa table.
Kinuha ko ang aking wallet at ibinigay ang bayad.Agad syang umalis para ipagpatuloy ang kanyang ginagawa.
Naisipan kong youtube habang umiinom ng mocha frappe.
Pagkatapos kong makapanood ng ilang videos ay pinatay ko na ang phone ko dahil malapit na itong malowbat.
Iniub-ob ko ulit ang aking mukha sa lamesa hanggang makaramdam ako ng antok hanggang sa laminin na ng dilim ang akin paningin.
THIRD PERSON
Habang nakatulog si Ace sa coffee shop ay lumapit sa kanya ang lalaking nagserve ng order nya.
Umupo sya sa tabi nito at inilagay ang ulo ni Ace sa kanyang balikat.Hindi kalaunan ay nakatulog ang lalaki katabi ni Ace.
Ilang oras din silang nakatulog nang biglang nagising ang lalaki.Ginising nya si Ace at hindi din nagtagal ay nagising na rin ito.
Ace
Nagising ako sa balikat ng isang lalaki.Nagulat ako ng makita ko ang lalaking nagserve sa akin kanina.
"Ahm sorry Ms.Ace hindi ko po sinasadyang makatulog kayo sa balikat ko."nakatungong sabi ng lalaki.
"No it's okay.Ahm wala na palang tao dito so,pano alis na ko."
"Sige po Ma'am.It's a big pleasure to meet you Ms.Harington"nakangiting sabi nya."By the way,I'm Riggle,Riggle Falestino."
"Nice meeting you too Riggle,bye!" sigaw ko sa kanya at habang palabas ako sa coffee shop ay tumingin ako sa aking wrist watch."Oh my God!It's already 11:09 na pala"napahimas ako sa aking noo.
Paglabas ko ng coffee shop ay hindi ko namalayan ang pagbuhos ng malakas ng ulan.
Tumakbo ako papuntang malaking puno para mag-abang ng taxi.
Basang basa ako ng ulan.Kinuha ko ang aking cellphone para magpabook ng taxi pero lowbat na ito as in empty na."Letse!Ang malas ko naman ngayon.Pano ako uuwi?"nagaalalang tanong ko sa aking sarili.
"Edi ihahatid kita!"napalingon ako sa aking tabihan at nakita ko si Riggle.
"Kawawa ka naman basang basa ka na"nakangiti nyang sabi.
BINABASA MO ANG
Now You See Me
Teen FictionItong istoryang ito ay mayroong mga aral at leksyon na inyong matutunan. Huwag maging mapagmataas dahil ito ang magiging dahilan kung bakit ka/kayo magiging mababa.Sa lahat ng ginagawa nyong masama,may kapalit din itong karma sa inyo. So,i hope th...