Chapter 4

8 0 0
                                    

Pagkatapos namin magusap ay naligo na sya at pagkatapos nya ay naligo na din ako.

Pagkaligo ko ay papasok na kami sa school

"Lexzeus,pahatid muna sa bahay dadaanan ko lang yung gamit ko."

"Sure.Let's go baka malate pa tayo"

Lumabas na kami ng kwarto at sumakay na sa kotse nya. Nagtungo kami sa aking condo para kuhanin ang gamit ko.

"Ahm hintayin mo ako dito or else..."mataray kong sabi.

"Oo na bilisan mo na baka magbago pa ang isip ko"kunot noo nyang sabi.

Bumaba na ako ng sasakyan at umakyat papunta ng room ko.

Kinuha ko na ang gamit ko pang school at dali dali ng bumaba.

Pagbaba ko ay nakita ko si Zeus na nakasandal sa kanyang kotse.

"Oh let's go."agad nyang kinuha ang bag ko at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.

Pumasok ako sa loob at nakita kong may nakasakay na sa back seat ng kotse."Hi ate Ace!"bati sa akin ng kapatid ni Zeus.

"Alexa,nasaan yung kotse mo?"ranong ko sa kanya.

"Naflat yung gulong eh dinala ko sa talyer then I call kuya Zeus para sumabay ako sa kanya."

"Alexa shut up your so--"sabat ni Zeus.

"Tinanong ko sya.Wag ka nga?!" kunot noo kong sabi.

Natahimik kaming tatlo hanggang sa makarating kami sa University.Naka park na ang sasakyan ni Zeus at bumaba na kami sa kotse.

Pagbaba namin ay madaming estudyante ang sumalubong sa amin ni Zeus.

Tumakbo papalayo si Alexa para makaiwas sa kaguluhan.

*Ace!Papicture!*

*Oh my god!Ang gwapo ni Zeus!*

Naghawak kami ni Zeus ng kamay pero nagkabitaw kami dahil sa sobrang dami ng tao.

Natagalan ako bago makarating sa room.Halos tumakbo na ako para lamang makatakas sa mga taong gustong makapagpa-picture.

Habang tumatakbo ako ay mayroon akong nakabangga.

"Hey!Watch your step naman!" sigaw nito.

"J-jhon?.."Mahina kong sabi habang nangangatal ang boses ko.

"Ace?!"bigla syang lumakad.

Natumba sya dahil nabangga sya ng maraming tao.Tumakbo ako papalapit sa kanya at tinulungan syang makatayo.

"Are you okay?"tanong ko sa kanya.

Hinablot nya ang walking stick nya sa akin."Tulungan na kita papuntang room"

Same room lang naman kami kaya hindi na ako nahirapang makapunta dito.

Pagpasok ko sa room ay nakita ko si Zeus at agad nya akong pinuntahan para tulungang akong alalayan si Jhon.

Iniupo namin ito sa upuan sa pinaka-unahan.

Uupo na sana ako sa tabi ni Jhon ng biglang hinawakan ni Zeus ang kamay ko at hinila papuntang likuran."Dito ka na umupo"

"A-ahh kasi...."napahinga ako ng malalim ng iupo ako ni Zeus sa upuan katabi ng sa kanya.

Hindi ko na magawang lumipat dahil dumating na ang aming teacher.

"Good morning class!" maawtoridad na sabi ng teacher.

"Good morning Teacher Jane" bati namin sa kanya.

Now You See MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon