Chapter 9

696 20 15
                                    

Ayumi's POV

"Ang kapal mo naman ah!"-sigaw ko at sinampal sya ng napaka lakas.





Aayytssss....



Hindi ko kaya!

"FYI Dylan,Hindi ko dinadamay ang aso mo at lalong wala akong balak sayo!"-inis na sabi ko kaya napangisi sya.

"Ow,so kaya pala nasayo ang aso ko? Baka naman mahawa sayo yan ah!"-pag papatawa pa nito kaya napatawa rin naman ang mga kaibigan nya. Napansin ko naman na wala nanaman si Kuya pero si Michael ay nandito pero wow ah! Bago toh! Hindi sya tumawa sa sinabi ni Demon hindi katulad dati na pag may sinabi si Dylan na about sakin matatawa na agad yan.

"Buti nga hindi nahawa sayo yung aso mo,kung hindi kasing sama mo na rin sya ngayon"-pang iinis ko rin naman sakanya na hindi nya ikinatuwa. Napatigil na rin sa pag tawa ang mga kaibigan nya ng marinig ang sinabi ko.

"Ano? Naiinis ka na ba?"- pangiinis ko pa. Whooo! Kaya ko pa kaya toh? Sasabog na ako!

(Ps. Paano yun Ayumi?)

(Tsk! Ano be naman Author!)

(Pss. Nag tatanong lang para magawa ko, pagod na pagod na ako eh)

(Wag kasing ipagsiksikan ang sarili sa taong hindi ka naman mahal at lalo ng wag ka na sumingit dito bago pa maging story natin ang mangyari)

"HAHAH Seryoso!? Ako maiinis? Sayo? Ibalik mo na yung aso ko bago ko pa maikalat na sakin ka talaga may balak"-sabi nya... Actually yung sinabi nyang bago pa ikalat chuchu ay binulong na lang nya sakin kaya agad ko naman syang itinulak.

"Talagang ang kapal rin ng mukha mo eh nuh? Ikaw to'ng pabaya kaya miske aso mo napapabayaan mo na"-galit na sabi ko na at tinapakan sya sa paa kaya ayun... Napa sigaw na lang sya.

"How dare you!"-napatingin na lang ako sa sumigaw at nakita si Isobelle. Damn! Ang akala ko walang balak makinig ang mga students na nag dadaanan dito but ngayon? Napapaligiran na kami at kung hindi pa sumigaw si Isobelle ay hindi ko marerealize na may nanunuod na pala.

"Sino ka para gawin yun kay Dylan?!"-galit na sigaw pa ni Isobelle at lumapit kay Dylan na ngayon ay nakaupo na sa sahig pero ang masama dito is si Dylan mismo ang tumanggi na tulungan sya ni Isobelle.

"You don't know the story Isobelle so wag ka ng sumali sa away nila"-sabi naman ng kadadating lang na si Maccy. Naikwento ko na rin kasi kay Maccy lahat kaya alam na nya.

Tumayo naman si Dylan at ikinabigla ko naman ang sunod nyang ginawa...

"Hindi pa ako tapos sayo Ayumi"- sabi nito at umalis na.

Shit! Nakakatindig balahibo ang boses nya! Bwisit talaga ya'ng lalakeng yan!

***

"Ok ka lang ba Ayumi? Balita ko nag away daw kayo ni Dylan kanina"-sabi ni Ron saakin. Ay grabe! Ang bilis namang kumalat ng balita!

"Oo naman,ok lang ako"-sagot ko naman at nag iwas ng tingin. Naisip ko naman si Princess... Paano ko kaya maiibigay si Princess kay Dylan? At mapapahamak ba ako ng dahil sa asong yun?

Nasa Cafeteria kami ngayon dahil wala naman kaming klase. Lumipat na rin kasi sila Ron at Chris sa Section namin kaya madalas na uli kaming mag kakasama.

"You know what Ayumi I smell something fishy about you and Dylan"-biglang sabi ni Maccy na ikinagulat ko naman.

"Ano naman yun?"-walang ganang tanong ko naman.

"Hindi kaya bumalik ang feeling nyo sa isa't isa?!"-gulat na medyo masayang sagot ni Maccy na lalo ko namang ikinagulat.

"Seriously!"-natatawang sabi ni Chris.

"Tss"-sabi ko naman.

"Correcrion Maccy,Si Ayumi lang ang nagka gusto kay Dylan"-natatawang sabi naman ni Maicah na ikinairap ko.

"Tama na nga yan! Past is past!"-sabi naman ni Ron at nauna ng lumabas ng Cafet.

***

Habang nag lalakad kami papunta sa Room ay naka salubong namin yung babae na kaklase ko. Yung tinutukoy ko na laging tahimik sa room.

"Ay sorry Miss"-napabalikwas na lang ako para tulungan ang babae ng mabunggo sya ni Chris.

"Ok ka lang ba?"-tanong ko sa babae at tinulungan namin sya ni Chris na tumayo.

"Sorry Miss hindi kita napansin eh"-pag hingi naman ng paumanhin ni Chris.

" O-ok lang"-sagot nito. Shit! Her Angelic Voice! Napaka hinhin nya at ni miske sinong lalake ay mabibighani sakanya pag narinig ito.

Agad naman syang umalis,napansin ko naman ang habol tingin na si Chris kaya binatukan ko ito.

"Sarado mo bibig mo baka may pumasok na peste"-sabi ko at sumabay na sa pag lalakad.

"Grabe ka naman! Ang ganda kasi nung babae!"-sagot naman nito kaya napatawa na lang ako. Miske pala itong si Chris ay nabighani rin sa kagandahan nung babae. Pero sino sya?

" Kilala nyo ba yung babaeng yun?"-tanong ko sakanila pero ang sagot lang nila ay hindi pero nanatiling tahimik si Maicah.

"Ikaw Maicah? Kilala mo?"-tanong ko naman kaya napatingin sya sakin.

" Hah? Hah? Yun? Hindi!"-nauutal na sagot naman nito. Sana makilala ko sya,baka kasi magka sundo kami eh,kakaiba rin kasi sya sa iba ko pa'ng nakikilala kaya gusto ko syang maka close.

***

Pumasok na kami ng sabay-sabay sa classroom, lumipat na rin kasi sila Ron dito sa Section namin kaya mdalas na kaming magkakasama sama.

Ilang minuto pa ang hinintay namin ay dumating na rin si Mrs. Valdez, ang adviser namin.

"Ow,Ron and Chris? Lumipat na pala kayo sa section na ito"-sabi ni Mrs. Valdez ng makita ang dalawa.

" Opo"-sagot naman ni Ron.

"Ow By the way, mag kakaroon tayo ng program dahil may darating na bagong Teachers at Ilang students galing sa ibang bansa so We need to welcome them..."-paliwanag ni Mrs. kaya napa sigh naman silang lahat. Nangyari na rin kasi ito dati pero wala rin,umalis din agad ang mga Teachers at Students dahil sa pang bubully nila.

"Ayumi? Alam mo naman ang gagawin mo diba? And later at 5 pm pumunta ka sa Office ko"-sabi pa nito kaya napatango na lang ako.

After sabihin ni Mrs. Valdez lahat yun ay umalis na rin agad sya kaya muli namang umingay ang room.

"Hayst, dapat kasi hindi na lang ikaw ang President eh"-naiinis na sabi ni Chris saakin.

"Bakit naman?"-tamad na sabi rin naman ni Maicah.

"Syempre kailangan natin syang tulungan! Lagi na lang!"-parang batang sabi pa nito kaya binatukan naman sya ni Maccy.

"Hindi ka na nasanay! At saka sino pa ba mag eeffort na gawin ang best nya para sa ikabubuti ng lahat diba?"-sabi ni Maccy at nag bukas na lang ng phone.

"Yeah,tama si Maccy. Sino pa ba aasahan natin? Diba wala na? At saka kung hindi si Ayumi ang naging President natin edi matagal ng lubog ang section natin?! Kesa naman yung puro pa fame lang ang alam ang ielect natin"-sabi naman ni Maicah na para ba'ng nag paparinig at sakto namang nasa likod nya sila Isobelle. Actually naka bilog kasi yung mga upuan namin at saka nasa likod naman kami kaya hindi halata.







🎉 Tapos mo nang basahin ang The Nerdy Girl,The Bullies,The Badboys and The Gangster 🎉
The Nerdy Girl,The Bullies,The Badboys and The GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon