Chapter 7

362 13 0
                                    

Ayumi's POV

Habang nag lalakad ako papunta sa Parking lot ay may nakita akong babae na may hinahanap sa lane na kasamahan ng kotse ko.

Sobra ang pag aalala nya at bakat  na bakat na  ito sa kanyang napaka gandang mukha.

"Ahm Ayumi Hello"-bati nya saakin. Napa ngiwi na lang ako ng kausapin nya ako kasi I don't even know  her,baka ako kilala nya pero sya? Hindi talaga eh.

"I'm Jessica,kaibigan ako ng Kuya mo"-sabi pa nito kaya napatigil ako. Ah! Kilala ko pala sya! Sya yung laging napunta saamin nung nasa Semester pa lang sila ni Kuya.

"Remember me?"-tanong pa nito at tumigil sa paghahanap.

"Ah! Ikaw po pala yun Ate,ano po ba'ng kailangan mo?"-tanong ko naman at binuksan ang kotse ko.

"May aso at pusa kasi dito kaninang umaga, yung pusa walang my ari sakanya pero yung aso yung kailangan ko"-sagot naman nito at muling nag hanap.

"Ano po ba ang kulay nung Dog?"-tanong ko,wondering na baka yung aso na napulot ko kanina yung hinahanap nya.

"Sa kaibigan kasi yun ng Kuya mo eh, Hindi saakin kaya hindi ko rin alam kung anong kulay or itsura nun"-sagot naman nya,kaya napa isip ako... Ano kaya kung ako mismo ang mag tanong sa kaibigan ni Kuya kung sakanya ba yun?.... Ay hindi! What if si Mark ang may ari nun! Ang kapal ko naman kung kakausapin ko ang miske isa sa mga kaibigan ni Kuya.

"Sino po ba ang may ari nun?"-tanong ko naman na medyo kinikilig na dahil sa namumuong imahinasyon sa aking ulo.

"Si Dylan"-sagot nito na nagpa bigla saakin. Shit! Bakit ko kinuha ang aso na yun! WAAHH! Kaya ba ganun na lang ang naging reaksyon ni Maicah ng makita nya yung asong yun!!! Damn! Pero... Utang na loob na nya sakin yun dahil itinago ko ang aso nya... Pero... WAAHHH paano ko toh ibabalik?

"You ok?"-tanong ni Ate Jessica ng makita  ang mukha ko'ng takot na takot.

"Ahm Ate I think ako ang naka kita ng Aso na yun pero hindi ko po kasi alam kung si Dylan talaga ang may ari nun so paano ko yun maiibigay sa may ari?"-balisang tanong ko.

"Ganito na lang,iuwi mo na lang muna sainyo ang asong yun then ako na bahala mag tanong kay Dylan kung anong itsura nun"-sabi naman nito at umalis na. Agad naman akong pumasok sa loob ng kotse ko at kinuha si Princess, tinitigan ko ito deretso sa mata.

"Bakit hindi mo naman sinabi na si Dylan pala ang nag mamayari sayo! Mapapahamak tuloy ako! What if magalit pa yun saakin!  Bakit kasi ang cute cute mo eh!!!"-inis na sabi ko kay Princess.

***

Pag dating ko sa bahay ay inilagay ko agad si Princess (Dog) at si Doraemon (Cat) sa kwarto ko, baka kasi biglang dumating si Kuya at makita na nasaakin pala ang alaga ng Dylan na yun!

"Ok ka lang ba Baby Girl?"-tanong saakin ni Yaya ng makita ang malungkot ko'ng mukha.

"Yaya...."-banggit ko.

"May problema ba?"-tanong naman nya at umupo sa tabi ko.

"Mapapahamak pa ata ako Yaya..."-nakatulalang sabi ko kaya napa balikwas sya.

"Ano? Bakit? Napaaway ka ba? Bakit? Anyare? Asan ang nang away sayo! Sino umaway sa Baby Girl namin! Asan!!! Asan!!!"-O.A na sigaw ni Yaya kaya napatingin na lang ako sakanya ng nakangiwi kaya napatigil naman sya.

"Hindi ako napaaway,walang nangyari saakin at wala rin nangaaway saakin"-seryosong sagot ko lang kaya sya naman ang napa ngiwi.

"So ano nga nangyari sayo?"-muli naman nyang tanong.

"Pwede wag mo'ng sasabihin toh kahit kanino?"-balisang tanong ko kay Yaya kaya napa tango naman sya.

"Buntis ka?!"-sigaw nanaman nya kahit wala pa akong sinasabi kaya napa ngiwi nanaman ako dahil sa sobrang O.A nya.

"Yaya naman eh! Hindi ako buntis!"-inis na sabi ko nanaman kaya napatawa na lang sya.

"Ito naman! Hindi ka naman mabiro"-natawang sabi ni Yaya kaya napa seryoso na lang uli ako.

"Naaalala nyo pa po ba si Dylan?"-tanong ko kay Yaya kaya napaisip naman sya.

"Dylan? Ahmm... Ahh oo! Yung crush mo dati"- sigaw ni Yaya kaya tinakluban ko agad ang bibig nya.

"Shss Yaya naman!"-inis na sabi ko nanaman.

"Bakit? Anong meron kay Dylan?"- napabalikwas naman ako ng biglang sumulpot si Maccy. Naka hinga naman ako ng maayos ng maalala na alam nga pala nya na crush ko dati si Dylan.

Flashback...

"Ayumi Gusto kita"- tumigil ang pag tibok ng puso ko ng marinig ko yun galing kay Dylan. Eh? Seryoso ba ito?! Ang isang bad boy ay magkaka gusto sa isang Ayuming Nerd?

"Gu-gusto rin kita Dylan"-nahihiyang  sabi ko ay inayos  ang buhok.

"Ok! Done!"-sigaw naman ng naka tago palang kaibigan nya na sila Jacob.

Umalis silang lahat na natawa habang ako ay naiwang umiiyak. Ang tanga tanga ko,bakit ba kasi ako umamin?  Bakit nya ako niloko? Bakit ako napasali sa Bet nila? So Bet lang ang lahat?

Napakasama nila! Hinding hindi ko sila mapapatawad lalo na si Dylan! Napakasama talaga nila!

End of Flashback

Oo tama,umamin ako kay Dylan na gusto ko sya nung  High School pa lang kami at yun ang pinaka nakakainis na ginawa ko at sinabi ko sa buong buhay ko!

Pero yun ay nung kaibigan pa lang nya ang isa din sa mga sikat na Bad boys sa School,sila Jacob. Si Dylan din kasi ang leader ng group nila dati kaso niloko lang nila Jacob si Dylan kaya ngayon... Si Jacob na ang leader ng grupong iyon.

Minsan nga iniisip ko kung sino ba talaga ang masama,si Dylan ba or Jacob. Pero hindi ko talaga mapapatawad ang Dylan na yun dahil sa ginawa nya! Ang shonga shonga naman kasi eh!

"Nasa akin kasi yung aso ni Dylan eh! Hindi ko naman alam na sakanya pala yung asong yun!"- naiiyak na sabi ko na ikinabigla naman nila.

"What?! OMG You're in a big trouble Ayumi!"- nabiglang sigaw ni Maccy at lumapit saakin.

"I know"-sagot ko naman. Iba na rin kasi yung Dylan dati at Dylan ngayon. Balita ko kasi ngayon Short tempered na sya mula nung nawala ang Mommy nya. Ang ikinakatakot ko kasi is baka mapagbintangan ako na mag nanakaw at baka mag assume nanaman yun na pati yung aso nya pinasasamantalahan ko!





The Nerdy Girl,The Bullies,The Badboys and The GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon