Letter: M

32 2 4
                                    

𝙷𝚎𝚢 𝙱𝚎𝚊!

𝙽𝚊𝚐-𝚒𝚒𝚜𝚒𝚙 𝚔𝚊 𝚗𝚊 𝚋𝚊 𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚜𝚒𝚗𝚘 𝚊𝚔𝚘? 𝙼𝚊𝚝𝚊𝚝𝚊𝚐𝚊𝚕-𝚝𝚊𝚐𝚊𝚕 𝚖𝚘 𝚙𝚊 𝚢𝚊𝚗 𝚖𝚊𝚕𝚊𝚕𝚊𝚖𝚊𝚗. 𝙴𝚗𝚘𝚞𝚐𝚑 𝚊𝚋𝚘𝚞𝚝 𝚖𝚎. 𝚂𝚞𝚙𝚎𝚛 𝚖𝚊𝚜𝚒𝚐𝚕𝚊 𝚖𝚘 𝚔𝚊𝚑𝚊𝚙𝚘𝚗 𝚊𝚑! 𝚂𝚊𝚗𝚊 𝚐𝚊𝚗𝚢𝚊𝚗 𝚔𝚊 𝚕𝚊𝚐𝚒. 𝙼𝚊𝚐𝚊𝚗𝚍𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚗𝚐𝚒𝚝𝚒. 𝙷𝚘𝚙𝚎 𝚢𝚘𝚞'𝚕𝚕 𝚑𝚊𝚟𝚎 𝚊 𝚐𝚘𝚘𝚍 𝚍𝚊𝚢!

𝙳-𝟻

❀❀❀

Katabi nung sulat ay isang bottle ng banana milk. 

Uy grabe, effort na nga siya gumawa ng letters, gumagastos pa siya para sa pagkain na regalo. Tataba naman ako dito. May note din pala sa milk.

'Hope to energize your morning! :) D-5'

Pumasok si Hyemi at Jihoon sa classroom na magkahawak kamay. Che! Landi. Joke, di naman ako bitter. Alam kaya nila kung sino ito? 

"Uy Jihoon" tawag ko.

"Yes?" 

"Since halos lahat ng guys sa school friend mo. Pwede ba magtanong?"

"Yeah, sure" sabi niya at ngumiti.

"Kilala mo ba kung sino yung nag-iiwan ng letters sa akin in the morning?" kumunot ang noo niya. Di niya ata alam eh? Inabot ko yung letter for today at binasa niya ito.

"Sa way ng pananalita sa letter mukhang kilala ko."

"Sino?"

"Secret na lang, Bea. You'll find out anyway." Ngumiti siya at tumabi kay Hyemi na nakaupo na.

Kelan ko kaya malalaman? 

Letters┇↜Bae Jinyoung↝Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon