Things ➳ D-3

24 3 0
                                    

KIM BEA'S POV

Buti na lang at wala na masyadong tao sa canteen. Actually mga tindera na lang ata ang nandito ngayon. Patuloy ako sa aking paglalakad hanggang sa napansin ako ng isang tindera.

"Sarado na kami, hija" sabi niya.

"May hinihintay lang po ako" dahilan ko.

"Ah... yun bang lalaking yun?" tanong niya sabay turo sa bandang likuran ng canteen ngunit di ko makita yung mukha dahil nakatalikod siya.

"Baka siya nga po" sabi ko na lang "salamat po."

"Ay, hija! Galing ito sa kanya" sabi niya at inabot ang isang maliit na papel.

'I'm the guy wearing a mask :) hindi mo ako makaka-usap tho'

Kung hindi siya makikipag-usap edi... ano gagawin namin?

 Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya at ngumiti. Pinatigil niya ako sa harap niya at naglabas ng isang sketchpad.

"Hello Bea" I read out loud mula dun sa sketchpad "um.. hi haha" sabi ko awkwardly at pinalit niya yung pahina ng pad.

'I wanted to see you personally' ang nakalagay.

"Why?" pagtataka ko. Nagsignal siya ng wait at pinalit yung page ulit. "Sorry haha" sabi ko ng medyo mahina tas nagthumbs up lang siya.

'Actually, I just wanted to see you. No particular reason. Sana hindi siya nagcause ng problema?'

"Don't worry you didn't cause any problems" ngiti ko sa kanya. "May I know who you are? Other than being Mr. A H S"

Kumuha siya ng marker at nagsulat sa susunod na pahina.

'You'll know at the right time :)'

"When will that be?" nagsulat ulit siya.

'Soon :)' 

"Grabe, nahihiya na ako sa'yo. Gumagastos ka pa ng sobra sa akin, dapat kasi baon mo yan or ipon eh A H S." nagsulat muli siya.

'It's not a problem with me! Okay lang! Wag ka na mahiya, Bea. May I ask something?'

"Sure."

'May chance ba ako sa'yo, Bea?'

"Sarili ko mismo di ko rin alam eh A H S. I'm sorry di ko pa talaga alam yung sagot ko sa'yo pero I'm not turning you down, okay?" 

Nagthumbs up siya at nagsulat muli.

'No pressure sa sagot mo. I respect. Uwi ka na rin, Bea. Baka hinahanap ka na at have this for merienda pauwi :)' at nag-abot siya ng sandwich sa akin.

"Thank you sa lahat ng efforts mo ah. Super ko siya naaappriciate" at ngumiti ako muli. Nagthumbs siya at nagheart sign pa sa akin. Tumawa ako at nagpaalam na aalis na ako.

I don't really know, A H S, I don't really know.

《》《》《》《》
yung naka-italicize yun yung mga nakalagay sa sketchpad ni A H S :))

Letters┇↜Bae Jinyoung↝Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon