Countdown

22 5 0
                                    

KIM BEA'S POV

Tumunog na ang kampana na naghuhudyat na uwian na. Habang inaayos ko gamit ko ay pinuntahan ako ni Maesi at Hyemi sa lugar ko.

"Oh bes, ready ka na ba?" tanong ni Hyemi at umiling naman ako.

"Don't worry. Andun naman kami pero nakatago lang" sabi ni Maesi at ngumiti.

I wish it could be that easy.

Naglakad kami papuntang canteen at tumigil sila sa may pinto.

"Kaya mo yan!" sabi ni Maesi sabay thumbs up.

"Dito lang kami, manunuod. Bea, fighting!" sabi naman ni Hyemi at ngumiti.

Huminga ako ng malalim at pumasok sa canteen.

Aba, walang tao eh.

"Bea" tawag sa akin. Voice seems familiar? Lumingon ako. Ito na si A H S, ang lalaking naka-mask.

Lumapit ako ng dahan-dahan at ngumiti ako ng konti.

May hawak siyang papel 'Is it okay if I reveal myself to you today?' tumango ako.

'Do a countdown from 3'

"3..." kinakabahan ako.

"2..." humawak na siya sa mask.

"1..." dahan-dahan niya itong tinanggal.

And the mask reveals... Ahn Hyeongseob?

"Hi Bea! Nice to finally be known to you" ngiti niya at medyo natatawa.

"Uy Hyeongseob! Ikaw pala! Grabe, sobrang thank you! Ano magagawa ko para mabalik ko ito sa'yo? Nakakahiya naman sa'yo eh."

"Bea... hindi mo na kailangan magbalik ng kahit ano. Magpakasaya ka lang sapat na" tumawa siya.

"Seryoso ka ba dyan? Ang dami mong nagastos, nakakahiya" insist ko.

"Syempre okay lang yun, Bea. Pero I have something important to tell you..."

Letters┇↜Bae Jinyoung↝Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon