"Guess who?."
Agad kong hinawakan ang mga kamay na naka-takip sa dalawa kong magagandang mata.
Kasalukuyan akong nasa loob ng library at taimtim na nag-aaral hanggang sa may dumating na asungot na nagtakip sa dalawa kong mata!
Hindi ba nagsasawa ang taong 'to sa pinaggagawa niya? Araw-araw niya na 'tong ginagawa pero hindi parin siya nagsasawa? Kasama na ba 'to sa Daily routine niya?
As if namang hindi ko siya kilala, eh bawat hininga't utot yata nito alam ko na!
"Kenzo." I said. Agad niyang tinanggal ang pagkakatakip ng mga kamay niya sa mata ko at agad na umupo sa harapan ko.
"Who the eff is Kenzo?." He asked me. I shrugged. Inirapan nalang niya ako. Kung hindi ko lang 'to kilala baka napagkamalan ko pa 'tong bading.
"Sino nga?." Pangungulit niya sa akin. Agad kong sinarado ang librong binabasa ko dahil sa totoo lang hindi na ako makapag-focus dahil sa walang-hiyang nasa harapan ko.
"Yung crush ko." Sabi ko sakanya sabay tayo at kuha na sa shoulder bag ko. "Saan ka pupunta?." Tanong niya sa akin pero hindi ko siya pinansin at inimik, imbes ay dire-diretso lang akong naglakad palabas ng library.
Hirap na 'no! Baka di ako makapag-timpi sa lalaking 'to at masigawan ko, edi napa-travel pa ako sa DO ng maaga!
"Where are you going, B?." Tanong niya sa akin habang patuloy na sumusunod sa likuran ko. Saan nga ba ako pupunta?
"To the place where I can't see your face." Sabi ko sakanya. Agad akong pumasok sa canteen at agad na umupo sa upuan, hoping na tatantanan na ako ng asungot na 'to!
Pero nyemas naman! Umupo pa ang abnoy sa harapan ko!
"Sino nga si Kenzo?." Tanong niya ulit sa akin. "Yung crush ko nga." Sabi ko ulit sakanya.
"Akala ko ba ako lang crush mo?." Naka-nguso niyang tanong. Yuck! Akala niya bagay sakanya? Eww lang.
Agad namang lumaki ang mata ko ng na-realize kung ano ang sinabi niya!
"H-hoy! Ang kapal mo!" Sabi ko sakanya at agad siyang hinampas ng Notebook ko!
Agad siyang tumawa ng mahina. Arrgghh!!
"Manahimik ka't mali! Bwisit na 'to! Ang ambisyoso!" Sabi ko sakanya. Hindi parin siya tumitigil sa pag-tawa nakaka-asar! Tatayo na sana ako pero agad niya akong hinila paupo ulit.
"Okay, okay. Oo na. Titigil na. Hindi na kita aasarin, wag mo lang akong iwan. Pfft—HAHAHA– De eto na talaga seryoso na."
Tinaasan ko lang siya ng kilay at sinimangutan. Bakit ba kasi hindi niya makalimutan 'yun?
"Oh ano na? Akala ko ba ako lang?." Tanong niya sa akin. Inirapan ko lang siya. "That was a long time ago." Sabi ko sakanya.
"Long time ago? B, that was just last year!" Pagtatama niya sa akin. Bwisit! Bwisit! Bwisit!
"Eh dati na 'yun Hindi na ngayon! Just Forget about it!" Pagtatama ko naman sakanya. Nagkibit-balikat nalang siya.
"Why would I? Besides, nakakatawa talagang alalahanin. Remember, you cried? Kasi di kita pinapansin?."
Naramdaman kong umiinit na ang pisngi ko, Damn this guy. Screw him to the inner core and back. Bwisit! Bwisit!
"Tsss." Was all I could say. Agad na akong tumayo at agad na nag-walk out palabas ng room pero ang abnormal, nakasunod parin.
"Are you a stalker?." The moment I faced him, yan agad ang pambungad ko sakanya.
Umiling lang siya. "Correction, B. It's admirer." May pagkakaiba ba 'yun?. Duh.
"Whatever." I said then started to walk again papunta na sa building.
"Admirer kasi pogi ako, Stalker pag panget." Sabi niya at agad na hinablot sa akin ang mga dala kong libro at agad na tumakbo papasok sa classroom.
Pagka-pasok na pagka-pasok ko sa classroom ko, nahagip agad ng paningin ko si Abnoy na pinagkakaguluhan ng mga 'flirts' I mean 'Girls'.
May saltik yata sa utak 'tong mga nagkakandarapa sakanya.
Excuse me, I'm no longer kasali dun. Ngayon ko lang na-realize na wala pala talagang ka gusto gusto sa abnormal na 'yun! Nakakahiya, umiyak pa ako sakanya dati, ewwww!
Agad na akong umupo sa upuan ko at inilapag naman agad ni Abnoy ang mga libro ko sa arm desk ko.
Iniangat ko ang ulo ko at nakita ko siyang naka-ngisi.
"What?." I asked him. "Wala man lang bang thankyou kiss diyan?." Tanong niya sa akin. Agad ko siyang nginitan at tumayo. Inilapit ko na ang labi ko malapit sa pisngi niya at biglang inapakan ang kaliwa niyang paa. Pervert.
"Ouch!" Singhal niya. Agad na akong bumalik sa pagkaka-upo. Good thing, may kanya-kanyang mundo ang mga tao dito at walang pakialamanan.
Buti nga sakanya. Manyak kasi.
"Tumigil ka na nga, Pierre. Nakakainis ka na." Sabi ko sakanya. Agad naman siyang nagalakad palapit sa akin at yumuko para tapatan ang tenga ko at agad niyang inilapit ang labi niya sa tenga ko. "Mahal mo naman." Bulong niya at naka-ngising tumakbo palabas ng classroom! Grrrr!
Dadamputin ko pa sana ang notebook na nasa tabi ko at ihahagis sakanya kaso, ang bilis niyang nawala ng parang bula! Daig pa ang kisapmata!
Pasalamat siya't hindi ko siya kaklase bwisit!
Agad na bumukas ang pintuan namin sa harap at iniluwa nito ang mukha ni Kenneth Lorenzo! Short for Kenzo. Well, Ken talaga ang tawag sakanya, Yung Kenzo? Gawa gawa ko lang. Kaya nga hindi kilala ni Abnoy Pierre.
Cool lang siyang pumasok sa class room at naglakad na palapit sa akin.
Wag kayong ano diyan! Seatmate ko kasi siya. Pero never pa kaming nag-usap. Lagi kasing may pasak ang tenga niyan simula noong nag-umpisa ang pasukan!
Instant sikat agad, bukod kasi sa Trasferee, he has the looks, the talent. Attitude? Uh, too early to tell. Kidding.
Pagka-upo niya sa upuan niya agad niya ng isinuot ang head seat niya na ang tatak ay 'Beats'
Wew, yaman.
Tinitigan ko lang siya habang naka-pikit na nakikinig sa tugtog niya sa head seat.
"Kenzo." Bulong ko sakanya, pero hindi parin siya lumilingon.
"Kenneth." Bulong ko pa uli. Still, no response. Agad akong lumapit pa sakanya at bumulong. "Psst, bakit ba ang pogi mo?." No comment.
"Suplado mo. Crush pa naman kita." Bulong ko uli, yung bulong na tipong pag wala kang pasak sa tenga maririnig mo, No comment parin. Hay.
Hashtag, No Comment Zone.
Muling bumukas ang pintuan at pumasok na si Mrs. Dimagiba
"Good morning, class." She stated. Agad na dumilat si Kenzo at agad na tinanggal ang headseat na kanyang suot.
Narinig niya?
Agad na lumaki ang dalawa kong mata. Lumingon siya sa direksyon ko ng may suot na poker face.
At agad na bumalik kay Mrs. Dimagiba ang atensyon niya.
Shoot! Shoot! Shoot! Sheet!
Narinig niya ba ang mga pinagsasabi ko?
Nakakahiya.
BINABASA MO ANG
Hundred Days with Mr. Arrogant
Ficțiune adolescențiI'd like to spend the last days of my life with Mr. Arrogant.