Pagkatapos na pagka-tapos sabihin ng last teacher namin na uwian na, kumaripas agad ako ng takbo palabas ng classroom. Una sa lahat, Nahihiya talaga ako kay Kenzo kung sakaling narinig niya 'yun. Pangalawa, ayaw kong sumabay kay Pierre Peculiar!
Palabas na sana ako ng building ng may narinig akong tumawag sa akin.
"Hoy Bianca'ng Bansot! Saan ka pupunta? Iiwan mo nanaman ako?." Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko si Pierre Peculiar—Na ang ibig sabihin ay Abnormal—Na nakasandal sa gilid ng hagdanan at naka-pamulsa.
"H-ha? Hindi ah! Hinahanap nga kita, hehehe." Awkward kong sagot. Eto na nga ba ang sinasabi ko!
Dali-dali siyang tumakbo palapit sa akin at agad akong inakbayan na naka-pukaw ng atensyon mula sa ibang mga estudyante. PDA Alert.
"How sweet." Sweet mo mukha mo! Agad kong tinanggal ang pagkaka-akbay niya mula sa akin.
"Akala ko kasi tatakas ka nanaman eh. Wag mo ng uulitin ah? Yari nanaman ako kay Tito Pogi." Sabi niya sa akin. Napa-irap nalang ako sa hangin!
Nung isang araw kasi, tinakasan ko siya! Na babading nanaman kasi!
Kaya sumakay ako mag-isa sa Taxi tapos traffic eh yung metro umaandar, ng naka-rating na ako sa bahay, pagdukot ko sa wallet ko mumunting mukha ni Sergio Osmeña ang nakita ko!
Aba, hindi kasya! Sakto namang lumabas ng mansyon nila si Pierre at agad na binayaran yung Taxi at sinumbong ako kay Papa! Boom Galit!
Hindi ko naman kasalanan na, kapit-bahay ko ang sumbungerong abnormal na bakla na 'to!
Bff pa pala, ang mommies namin. Ipinagkakanulo pa kami sa isa't isa ng sa ganon daw ay magaganda't gwapo ang mga apo nila. Kadiri lang!
Wala pa sa utak ko 'yun! Minus the fact na si Pierre ang lalaki na tinutukoy nila, Yuck!
Sumunod nalang ako kay Pierre papunta sa pinagpa-parkingan ng pang 'Rich Kid' niyang car ng may kumalabit sa akin. Agad kong nilingon yung babae at napansin kong hindi siya tiga-rito. Iba uniform eh. Naliligaw siguro.
"Miss, senior ka?." Tanong niya sa akin habang tinitignan ang Lace ng I.D ko, tumango lang ako.
Kapag kasi Freshman, Blue kapag Sophomore, Violet kapag Junior Gray at kaming mga Senior naman White.
"Kilala mo po ba si Ken?." Napa-liit ang mata ko. "Ken?." Pag-uulit ko, tumango lang siya. Nabasa ko ang name niya sa I.D na suot niya, Roxanne Herrera. 4th Year - Our Lady of Lourdes.
"Kenneth Lorenzo po." Gusto ko sanang sabunutan ang babaeng nasa harap ko, kaso baka pinsan niya at masira pa ang image ko!
"Ah oo, nasa Student Council room yata. May meeting."
Representative si Kenzo ng 4th Year. Naka-laban ko nga eh, kaso talo ako. Iba talaga pag pogi! Tss. Sexism! Lagi nalang lalaki!
"Pag nakasalubong niyo po uli, paki-sabi si Rox Herrera hinihintay siya." Napa-kunot naman ang noo ko, nangangati na ang dila kong mag-tanong!
"Ano ka po ba niya?." Tanong ko sakanya. Ngumiti muna aiya bago sumagot. "Girl friend po."
Napatigil ako. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa! Hindi ito maari!
Siya na ba? Siya ba yung pinagtsitsismisan ng mga babae na girl friend ni Kenzo sa dati nilang school?!
Parang nung isang araw lang Pinag-uusapan lang siya sa loob ng cubicle tapos ngayon, nasa-harap ko na?!
Hindi ako prepared!
Awkward akong ngumiti at nag-paalam na sakanya at naglakad na patungo sa sasakyan at pumasok na sa loob.
"Ah, miss?." Lumingon ako sa kaliwa ko at nakita kong hindi si Pierre ang naka-upo sa driver's seat! Sino 'to?! Car napper!
"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko sakanya. Napa-kamot naman siya sa batok niya. "Ikaw nga po dapat ang tinatanong ko niyan."
Napa-nga nga ako at napansing hindi nga ito ang sasakyan ni Pierre! What the fudge?! Asan ang kotse ni Pierre?!
"Sorry." Sabi ko sabay lingon sakanya at napansin hindi din siya tiga-rito! Bakit ba ang daming mga outsiders rito?!
Lumabas na ako ng sasakyan niya at isasara na sana ang pintuan ng nagpakilala siya sa akin.
"Russel Herrera. And you are?." Tanong niya sa akin. "Bianca. Bianca Tan." Sabi ko at agad ng tumalikod ng biglang may humablot sa akin.
"Goodness, B! Saan ka ba nagsususuot?!" Tanong ni Pierre sa akin. "Ah, doon." Inosente kong turo sakanya sa sasakyang pinasukan ko kanina!
"Anong ginawa mo doon?." Tanong niya sa akin. "Pumasok. Akala ko kasi kotse mo."
Umiling nalang siya at agad na akong pinapasok sa loob ng kotse niya.
"Hindi 'yun ang kotse ko." Sabi niya sa akin ng maka-pasok na kami sa kotse. Naka-hawak lang siya sa manibela.
"Magka-pareho kasi kayo ng kotse. Magka-kulay pa." Sabi ko sakanya. "Magkaiba naman kami ng plate number sana naman tinignan mo." Sabi niya sa akin. Napa-yuko nalang ako.
Hindi ko naman kasi alam plate number niya!
"Sorry." Sabi ko nalang. Hindi na ulit umimik si Pierre at sinimulan niya ng paandarin ang kotse ng maingat.
Ano nga ulit pangalan nung lalaki? Russel Herrera?
Herrera?
Ka-ano ano niya si Roxanne? Kapatid?! Unti-unti ko na bang nakilala ang pamilya ng karibal ko?! Oh My Gahd! Anong gagawin ko?
BINABASA MO ANG
Hundred Days with Mr. Arrogant
Teen FictionI'd like to spend the last days of my life with Mr. Arrogant.