01

60.9K 491 81
                                    

"Hoy, kuya guard, wait lang!" nagkakanda kumahog ako sa pagtakbo nang unti-unti nang nagsarado ang main gate ng unibersidad.

"Atat na atat lang? Ba't may pa-close gate? Feeling high school, ah!" hinihingal na sita ko. Tinaliman pa ng tingin ang naka-unipormeng guard na nakatalikod sa akin. Humawak ako sa gate at sinubukang buksang 'yon.

Napaawang ang labi ko, hindi maka-paniwala. Lumingon pa ako sa likuran nagbabaka sakaling may kasamahan sa pagreklamo. Aba't talagang sinaraduhan siya ng gate! "Seryoso ba? Na-late lang ako ng," reklamo ko sa sarili, "almost three hours."

Tirik na tirik ang araw. Walang patawad naman ang hinayupak na guard na 'to! "Kuya, buksan mo kaya 'to, late na late na ako, oh. Lagot ako sa instructor ko!"

"Eh, miss, sa back gate ka nalang dumaan. May V.I.P. kasing bibisita mamaya. Magra-rounds sa campus. Utos ni Dean kasi ayaw raw ng mga nakahambalang na students pagpasok niya."

"Ay, sosyal. Prime minister? Prinsipe? Presidente?"

Napairap ako nang nagkibit balikat ito bilang tugon at tumalikod na. Nice talking, ha! May kwenta kang kausap, kuya.

"Kuya, baka naman pwedeng sumulot lang. Ako lang naman, eh! Ang layo nang iikutan ko!" subok ko, baka makalusot. Nakakatamad kaya. Sasakay pa ng jeep bago makarating sa back gate. Kung lalakarin ko naman baka lumawit pa ang dila ko.

"Hindi nga pwede, miss." tanggi nito.

Maingay na bumuga ako sa hangin sa inis. Walang'ya naman, oh! Sino ba 'yung Pa-VIP visitor na 'yan. Daig pa presidente ng Pilipinas kung makaasta.

Pairap akong tumalikod at sumilong sa maliit na tindahan na nadaanan ko. Namamawis na ako sa unipormeng suot ko. Hindi pa naman kami wash day ngayon. Tagaktak ang pawis ko sa sobrang alinsangan ng paligid. Wala pa naman akong dalang payong. Malamang hati na naman ang kulay ko nito.

"Ate, isang bottle water nga saka yosi."

Inip na pinatunog ko sa simento ang barya at muling nilinga ang tingin sa paligid. Ako lang ba hindi informed? Wala talagang studyante na nagsusubok pumasok sa main gate.

"Biente sais, 'neng."

"Padagdag ng san mig."

"Naka-uniporme ka. Hindi pwede." tanggi ng tindera. Ngumiwi ako at inis na sinubo ang dulo ng stick bago lagyan ng sindi. "Sige, next time nalang."

Inis na hinawi ko ang buhok ko na umabot hanggang balakang. Ang init! Kahit nakasilong na ako't lahat dama ko pa rin ang pagpaso ng temperatura sa balat ko.

Binuga ko sa ilong ang hithit ng sigarilyo. Pinagkrus ko ang aking hita at pumahalumbaba akong umupo sa gilid.

Tatagal ng 20 mins kung sakaling umikot pa ako sa back gate. Edi tapos na ang Taxation namin. Hahabol na nga lang ng ilang minuto para sa attendance, ligwak pa. Lintek 'yan. Sobrang exaggerated ng kung sinumang V.I.P. na 'yan. Kung makaasta kala mo ginto ang tae.

Tatlong taon na akong kolehiyala. Bahagyang pumalya lang ng isang sem kaya kahit na bakasyon ay pumapasok pa rin ako. Summer classes kumbaga kaysa naman irregular student ako. Kuntento na ako sa blocmates ko 'no.

Pinag-iinitan ata kasi ako ni Mrs. Sarmiento, professor ko sa isang major subject. Binigyan pa naman ako ng tumatagingting na kwatro. Hindi pa nahiyang ituloy na sa cinco, ano? Pinaglilihian ata ako n'on, eh. Baka makahawig ko pa tuloy ang iluluway niya sa kanyang kipipay.

Nawala ako sa pagmumuni nang matanawan ang tatlong magagarang magkasunod na kotse. Sumandal ako sa pader at sinundan 'yon ng tingin. Tama nga, patungo iyon sa main gate.

Binuga ko ang usok sa bibig at sinubukang palobohin 'yon.

Tangina, feeling vaper, hindi naman afford kaya pa-yosi yosi nalang.

Sukbit ang bag sa kabilang balikat, nakapaloob na roon ang bottled water na binili ko ay napagpasyahan ko nang tumayo.

Siguro naman 'pag nakaraan na ang VIP na 'yan ay papapasukin na siya. My pointy finger tapped the cigar to remove the ashes off the stick.

Nang magsimula na akong maglakad patungo sa gate ay halos tumirik ang kilay ko nang bumagal bigla ang pangatlo sa huli na kotse.

"Woy, tangina, ba't umaatras!" maging ako ay napahinto sa paglalakad para silayan ang galaw nito.

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang kamay na nakahawak ng stick ng yosi, panangga sa sikat ng araw.

Nagtaka ako lalo nang huminto ang kotse sa harapan ko. Pumalatak ako at nagsimulang humakbang. Talo ang mahaba kong biyas sa makina. Aba, eh, halos tumakbo na ako pinapantayan pa rin ako!

Sa inis ko ay gigil kong inapakan ang yosi at huminto. Nanliliit ang mata kong lumapit sa kotse. Itim, makintab at tinted kaya't hindi ko maaninag kung sino ang nasa loob.

Pormal akong kumatok at sinubukang dumungaw sa bintana, ngunit wa epek. Siguro mukha akong tangang sumisilip mula sa labas pero kiber ko.

Lumingon ako sa dalawang nasa harapan na ng gate na mukhang hinihintay ang narito ngayong kotse na nakahinto. Tignan mo nga naman, open sesame na! 'Kala mo dalagingding, buka agad ng hita!

"Baka gusto niyo hong kausapin ako?" malakas na sabi ko sapat na siguro para marining nung nasa loob.

Halos malukot ang mukha ko nang walang tugon. I rolled my eyes and huffed in annoyance. "Balakajan!"

Muli ay naglakad na ako. Nakatutok ang paningin ko sa gate na malawak nakabukas. Sa oras na maabala si kuya guard, kakaripas ako ng takbo papasok. Sa laki naman siguro ng campus kahit magtagu-taguan kami, hindi ako mahahagilap.

"Did you know smoking is bad for your health?"

"Ay pukeng ina mo ka!"

Nanlalaki ang mata kong napalingon sa pinanggalingan ng boses na 'yon. Malalim at malamig amg boses. Medyo nakakasindak.

"Trivia po ba 'yan?"

Pinatong niya ang siko sa hamba ng car window na bukas habang ang isang kamay ay nakadantay sa manibela. Pormal ang pagkakaayos ng buhok, matangos ang ilong, moreno at malalim ang mga mata.

"No, it's a fact."

"It is so unethical to see a student from this prestigious university, smoking... and dressed like that."

Bumaba ang tingin ko sa katawan, hinanapan ng unethical ang sarili. Smoking is normal. Karamihan ng istudyante, lalo na sa college of law, IT, medicine, engineering, and business.

Anong unethical ang tinutukoy niya?

Mukha ba akong marungis?

"Naka-uniform po ako, hello? Anong mali sa suot ko?"

Mabigat na bumuntong hininga ito at umiling. "Come inside, we'll talk."

"Hala, kuya, 'wag po!" gulilat at halos eksaherada kong sabi. Nandilim ang mata niya at kunot noong pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"You're not my type, young one. Just get in."

Naughty StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon