I pave my way towards the shed connected adjacent the guard house. It's only 4 o'clock in the afternoon, the sun was blazing against my skin.
Tustado na ako, punyeta.
Iritadong sumandal ako sa bakal na poste at pinaypayan ang sarili gamit ang palad. Hinawi ko ang buhok ko sa balikat para madaanan ng hangin ang batok ko. I bend over to tie up my hip length hair into a messy bun.
"Tuwad pa."
"Babaan mo pa yuko..." pang-uudyok pa niya.
I just rolled my eyes and forced myself not to spout a retort back to him.
Gago talaga, eh.
Ngumiwi ako at mahinang napamura nang hindi ko magawang itali ang buhok ko. My hair has been always so silky since I was a child. Umaabot talaga sa puntong kahit uri ng pagtali ang gaw'in ko, lumalandas lang ito pakawala.
Naalala ko pa n'ung JS prom noong high school. I tried to curl my hair for a change. Syempre wala akong kwarta pambayad sa hair and make up artist na jokla, 'no. Kaya saglit lang itong kumulot hanggang sa nawala na naman. Kaya hindi ko na sinubukan pang lagyan ng arte ang buhok ko.
The struggles of having a virgin hair."Hudas barabas nga naman, oo, para akong sinisilaban ng buhay!"
I loosen the tie around my neck and unbutton my uniform blouse. Dalawang butones lang naman para makahinga ako ng maayos.
Hindi ko na talaga kinakaya ang init. Iba na ang hilatsa ng mukha ko habang nakatanaw sa gunggong kong kaibigan na nakadukdok habang sinulat ang letter sa isang bakantang table.
Kumpara sa akin, imbes na mangitim ang balat niya sa tindi ng init, mas namumusyaw pa ang kanya.
I swept my eyes on his face. His unkempt raven hair looked ravishing. Namumula ang tainga pababa sa leeg niya dulot ng init ng panahon. May tumulo pang pawis sa kanyang noo.
"Ano ulit pangalan ni dean?"
Bumaba ang tingin ko sa labi niya.
Austin slowly licked his lips, and I kissed mine, pursing it. Bigla akong nahiya. Walang wala ang kulay ng lipstick ko sa natural na kulay ng labi niya. His lips were pinkish, there's no dark tint around the skin of his mouth. Malayong malayo sa akin na natatakpan lang ng lip cosmetics.
Tang'na, yosi pa, Diana.
Kumurap ako nang lumingon siya sa akin, hinihintay ang sagot ko.
"Ng CBA?"
"Tanga tangahan lang, Diana? Alangan namang sa COE."
Inambahan ko lang siya ng suntok, "Gago. Ang tagal mo nang nag-aaral dito, hindi mo pa rin alam pangalan ni dean."
"Just tell me his name. Daming kuda."
"Albert Froilan A. Mondres."
Muli ay napatitig ako sa kanya habang abala siya sa pagsulat.
The air that surrounds him is empowering.
Tangina, blooming. Parang araw-araw, maya't maya bagong shower.
Ang unfair!
Samantalang ako, haggard kung haggard ang itsura. Papasok palang mukhang pauwi na.
"Matagal pa ba 'yan?" inip na tanong ko. Tumanghod ako at ipinatong ang siko sa desk kung saan siya nagsusulat.
"Oo, isusulat ko pa kasi 'yung sayo boss. Nahiya naman ako, 'di ba?" he looked at me sideways and shook his head.
Nagkibit balikat lang ako at pasakdol na pinunasan ang pawis niya, "Ikaw na d'yan, ta's papirmahan mo na 'yung iyo. Abot mo nalang 'yung akin mamaya. Ako na bahala r'on. Hahanapin ko lang 'yung lintek na kumuha ng wallet ko."