Halos magkandahaba ang nguso ko nang umikot sa kabila para sumakay sa kotse niya. Eh, ano naman kung hindi niya ako type? Hindi ko rin naman siya tipo 'no! Ayoko kaya sa mga gurang na.
Ito ata 'yung tinutukoy ni kuya guard na feeling may ginintuang tae, pa-VIP much.
Maingay na suminga ito pagkapasok ko. Puno ng kaseryosohang tinodo niya ang AC sa loob ng magarang kotse niya.
"You smell bad."
"Hindi ka pa nakakaamoy ng yosi, sir?" sarkastikong sabat ko at isinandal ang likod sa upuan. Nagzoom in agad ang mata ko sa mukha niya nang lumingon ako. Lintek, liit ng pores, daig pa ako.
Bingo na sa akin 'to mamaya. Bogus lang ata 'to para maka-pick up ng studyante.
"Do you have a perfume or something?"
Nagtatakang umiling ako, "Iyon lang po ba pag-uusapan natin? Kasi bababa na ako. Hahabol pa ako sa attendance." akmang hahawakan ko na ang door handle nang dumukwang siya sa banda ko at binuksan ang compartment.
"I don't care about your preferences, sir, ha, pero grabe ka naman kung makaimbak ng pabango. Takot na takot bumaho?" nagbibirong sabi ko nang bumungad sa akin ang mga branded perfume sa loob. Mabilis na humugot siya ng isa r'on at itinapat sa akin.
"P-Pwe! Ano ba 'yan! Pati bibig ko ini-spray'an mo!" reklamo ko at pinagtatampal ang bibig ko. Napangiwi ako pa ako sa lasa. Halos isungalngal na sa akin 'yung isang bote ng pabango!
Tila pasan ang mundong bumuntong hininga siya. Hindi naman maipagkakaila, mabango nga pati ang hininga niya. "You smell really bad."
"Eh, ano bang pakialam mo, sir?" pabalang na tanong ko. Ang weirdo, bigla bigla nalang akong pinapasok para pabanguhan, ano trip niya sa buhay?
"I don't," mabagal niyang sagot at ibinalik na ang pabango sa compartment. "I just don't like students tainting the university."
"Ah, talaga?"
"Yes."
Pinagmasdan ko ang mukha niya. Walang pagbabago. He still looked stoic. Mukhang seryoso nga siya. Ayaw niya lang mabahiran ang unibersidad ng mga pariwarang studyante.
"Button your polo shirt," utos niya. Muli ay binaba ko ang tingin sa katawan. "And fix your tie."
Namumuti muti ang mata ko sa kakairap habang binubutones ang damit ko. Hindi nga ako nababatas sa loob, napuna naman ako sa labas. Mas malala, outsider pa ata ang lalaki na 'to.
"Okay na po ba?"
His eyes scanned my body and gave me a stiff nod, "Yes, you may go now."
"Hindi mo aalamin ang pangalan ko?" pahabol ko pang tanong.
"Why would I?"
"Baka isumbong mo ako sa guard, mapapapunta na naman ako sa guidance 'no. Nakakapagod kayang hagilapin si Dean lalo na 'yung counsellor para lang magpapirma ng slip."
"Then don't violate the rules."
"Okay!"
Pagtapos n'on ay tuluyan na akong lumabas. Walang pasabing pinasibad naman nito agad ang sasakyan patungo sa gate. Naroon pa rin ang dalawang kotse, naghihintay sa kanya.
Malalaking hakbang ang ginawa ko hanggang sa mapatakbo na nang makita ko na naman may balak isara ni kuya guard ang gate. Bastusan talaga, oh!
"Teka lang, teka lang!" hiyaw ko.
Minsan talaga maisusumpa mo nalang 'yung guard sa inis. Feeling San Pedro!
Iningusan ko ito nang ginitgit ko ang sarili para tuluyan makapasok. "Pagbibigyan kita ngayon, pero sa susunod kukumpiskahin ko na 'yang I.D. mo. Napakapasaway," tinirikan ko lang siyang mata bago nagtatakbong nagtungo sa building namin.
"Wow, good morning. Buti naisipan mo pang pumasok? Tinaon mo pa talagang free cut," bungad na bati sa akin ni Austin.
"Tangina, hindi nga?!"
"Oo, absent si Mrs. Sarmiento."
"Bakit daw?"
"Jontis, girl, alangan naman ipriority ka pa, 'di ba?" sabat ni E-say habang nakatutok sa phone.
"Nagpa-attendance naman?"
"Oo."
"Akin na," sabi niya at inilahad ang palad. "Hoy, akin na 'yung papel, pipirma ako."
"Gaga, naipasa na."
Maingay na nagmura siya at ibinagsak ang sarili paupo sa tabi ni Au. "Pumasok pa ako, ano? Sayang pamasahe ko," giit ko.
"Ayan, pa-late ka pa. Summer class na nga lang, nagpapabaya ka pa."
"Inutusan pa ako ng pinsan ko na gumawa ng plates niya, eh, sayang din bayad 'no. Paubos na allowance ko. Hindi pa ako nakakatanggap ng sweldo sa S.A."
"Kung 'di papalarin maging CPA, agawin mo credits ng bruhildang pinsan mo para engineer ka nalang." iiling iling na sinamaan ko ng tingin si E-say. Tangina, baka magdilang demonyo siya! Desperada akong kumatok sa kahoy na upuan nang hindi magkatotoo. Aba, mahirap na 'no!
"Saka, check your card, baka pumasok na."
Binato sa akin ni Austin ang tig-pisong tsitsirya. "May pasok ka ba mamaya?" tanong nito sabay kagat para buksan ang plastik."Oo, hanggang alas siete."
"Samahan nalang kita mamaya sa bayan para i-check balance ng account mo, tutal may dadaanan din ako r'on."
"Sige," bumaling ako kay E-say na abala sa pakikipag-chat sa boyfriend niya. "Hoy ikaw, Elaui, sama ka?"
"Hindi, magkikita kami ni Jon."
Tumango nalang ako at hindi na siya kinibo pa. Pag pa naman nakipag telebabad sa phone niya, mahirap kausapin. Kaya mas matinong kausapin si Austin kahit puro kagaguhan lang ang pinagsasabi.
"Gusto mo, mag-apply rin ako sa S.A.?" biglang tanong nito nang manahimik kami.
Bumaling ako sa kanya, "Bakit naman?"
"Para may kasabay ka mag-work."
"Ogag, h'wag na." tanggi ko at humalakhak sabay tapon ng pinagbalatan ng tsitsirya sa kanya. "May gig at practice kayo ng banda tuwing gabi, 'di ba? Kaya h'wag mo na akong intindihin pa."
Nanatili ang tingin niya sa akin bago tumango, "Sige, ikaw bahala."
"Free cut, eh, kung ngayon na tayo magpunta sa bayan?" alok ko at umayos ng upo. Muli ay bumaling ako kay Elaui na abala pa rin habang ngingiti ngiti.
"Tara," nag-uunat na tumayo si Austin sa harap ko. Sumilip pa ang panloob niyang itim na shirt nang umangat ang polo niya.
"Teka," saglit na kinuha ko ang bag na nakapatong sa tabi ko at binuklat para hanapin ang wallter ko. Tatantsahin ko pa kung magkakasya pa ang pamasahe ko papunta at pabalik sa bayan. 120 pesos din 'yon, sobrang mahal.
"Hala, tangina!"
"Bakit?"
Tarantang hinalughog ko ang loob ng bag ko nang hindi ko mahagilap 'yon. Halos ibaligtad ko na ang laman sa desk, pero wala.
Naiiyak na bumaling ako sa kanilang dalawa. "Nawawala 'yung wallet ko!"
