"Papasok ka ba mamaya?"
Sinangga ni Austin ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko.
Pabalik na kami ngayon sa loob ng campus para doon naman maghanap. Baka naman nabitiwan ko habang nagmamadali ako kanina pumasok. Hindi na napansin sa sobrang taranta.
"Oo," sagot ko. Lumilingon pa sa simentadong daan, nagbabaka sakaling makita roon ang wallet ko.
"I'll wait for you."
Umangat ang kilay ko at patagilid na lumingon sa kanya. Alam naman niyang tuwing gabi end ng shift ko sa work. Mag-aaksaya lang ang lalaking 'to ng oras sa paghintay sa akin.
"Ano ka ba, huwag na. May gig kayo mamaya sa Zapro 'di ba? Susunod nalang ako."
Pumalatak siya at binatukan ako, "Tanga. Mamamasahe ka pa. Wala ka ngang wallet. Anong ipangbabayad mo? Halos isang oras din ang byahe papunta r'on."
"Magpapa-cute nalang ako sa driver." kibit balikat kong biro sa kanya.
"Bugok ka ba?" he asked incredulously.
"Bakit?"
"Hindi ka naman isa sa mga batang hamog sa jeep, ano? Mag-abot ka na rin kaya ng pulang sobre."
Kuntodo maka-tirik ang kilay ko at gigil na kinurot siya sa braso.
Wala akong makurot, puro muscles!
"Sa tingin mo pasasakayin ka ng libre? Tayog ng pangarap mo, ha. Ganda ka?" buska niya pa. He laughed as soon as he saw me made face. Austin suddenly wrapped his forearms around my neck, headlocking me again.
Siniko ko siya at pumiksi, sinusubukang kumawala sa kanya pero matibay. Pumakawala ako ng malutong na mura. Inabot ko ang buhok niya at iyon ang pinagkadiskitahan, "Porke't pogi kang damuho ka, ha?"
Dinungaw niya ang mukha ko. Pinaloob niya sa kanyang palad ang pisngi ko at mariing kinurot.
"Just let me wait for you, okay?" may riin niyang wika.
Saglit akong napahinto sa paglalakad kaya maging siya ay natigilan. His actions entails mischief but his eyes keep contradicting every ounce of his wickedness. Since high school up until now, he's always like this.
"Ikaw bahala. Mainip ka sa kakahintay." pabalang kong sabi bago iningudngod ang kamay ko sa kanya para ilayo ang mukha niya sa akin.
He groaned before pulling me infront of him. Halos dumantay ang likod ko sa dibdib niya nang mapalapit na kami sa gate. Saglitan pa kaming nagtalo ng pisikalan bago ako sumuko. Sa tuwing kasama ko talaga ang bugok na 'to, walang pagkakataon na hindi kami nagbabalyahan. Sadista kasi, syempre ako, hindi nagpapatalo.
Pag sinaktan ka, saktan mo rin!
Lang'ya, ginagamit ba naman akong panangga para hindi makita ng guard na wala siyang suot na I.D.!
"Aus, sinasabi ko sa'yo, kapag pinag-stop over tayo ng guard-"
"Psst! Kayong dalawa!" mariin akong napapikit, mas binilisan pa ang lakad. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko sayo, eh," inis kong bulong sa katabi ko.
Austin suddenly stopped on his tracks. At dahil nakapulupot ang braso niya sa akin, maging ako ay napahinto. Nanlalaki ang mata kong bumaling sa kanya. Nakikiusap ang mata ko, halos nagmumukhang constipated na nga ako sa kakasubok na magpa-cute. Sinubukan kong humakbang pero hinila niya lang akong muli.
"Austin..."
Maagas na ngumisi siya sa akin at kinindatan ako bago bumaling sa guard, "Yes, kuya?"
Putangina.
Nananadya talaga, eh!
"Tara rito!" hindi na ako kumibo pa nang madala rin ako sa tapat ng guard house nang naglakad ang gagong kaibigan ko, akay akay ako. Lumabas ang guard at pinanliitan kami ng mata, "Maghiwalay nga kayong magsyota! Ang init init nagyayakapan kayo! PDA!"
"Hala, hinayupak ka talaga, Austin!"
Marahas akong suminghap. Nandidiring tinapunan ko ng tingin si Austin na bumuhaglit ng tawa. Nanlalamig ako sa sinabi ni kuya guard. Magsyota raw kami, amputa! Hindi ko papatulan ang tropa ko 'no! Parang incest kaya 'yon!
"Ganda ka?" asar na nito at pinagdudutdot ang pisngi ko.
I scoffed before composing myself. Nai-stress ako. Imbes na iniintindi ko ang paghahanap sa wallet ko, may panibagong intindihin ako ngayon. Para akong nagb-babysit ng bubwit.
Maingay na ipinatong ni kuya guard ang dalawang papel at ballpen sa counter. Napatingin ako sa loob kung nasaan siya, hayahay buhay rin ng guard na 'to, 'de aircon pa. Sa College of Tourism, Law and Medicine lang may aircon, even to those foreign and exchange students... tapos yung sa iba, wala na. Alam na alam kung sino ang favorite.
Ang sarap magwelga, sa totoo lang.
"Ito, slip. Gumawa kayo ng letter. Dalhin niyo kay Ma'am Daciuag sa guidance, adviser at sa Dean."
"Akin na ID niyo," dagdag pa niya.
Napakamot sa batok ang katabi ko, "Wala akong ID kuya, eh..."
"Para-paraan ka para makalusot, ano?" sita sa kanya.
Umingos ako at inirapan si Austin. Naiirita ako sa mukha niya. Tirik na tirik araw, nakikisabay pa siya sa init ng panahon. Isang malaking peste. Ang sarap tirisin minsan. Kung hindi ko lang talaga kapatid turing ko sa kanya, binayagan ko na 'to.
"Isulat niyo pangalan, year and section saka date sa violation book."
Nagbuntong hininga ako. Wala man lang konsiderasyon. Bakasyon naman na, 'kala mo naman nilabag namin ng bongga ang rules and regulations ng university!
Parang 'yung lalaki lang kanina. Napakaarte. Nakaamoy lang ng yosi, halos ipainom na sakin yung pabango. Samantalang siya naman ang nagpapasok sakin sa kotse.
Iba hilatsa utak ng mga tao ngayon, pansin ko lang. Natutuyo na siguro. Nakikisabay sa init ng panahon. Beat the summer heat.
Martin, Diana Ivy BSA 3-D 06/22
Nicholas, Austin BSA 3-D 06/22Dumukwang si Austin sa likod ko at inagaw ang ballpen na hawak ko nang matapos kong isulat ang pangalan namin para pumirma.
I bit my lower lip.
"Kuya..."
"Oh? Ano na naman?" naiinip na tanong nito.
"May nakita kayong wallet na blue? Nawawala kasi-"
"Ah, sa'yo ba 'yon? Oo, nakita ko."
Lumaki ang ngiti ko. Dito ko lang pala nabitiwan. Buti nalang! Kaso, tanga rin yung guard, hindi man lang chineck 'yung laman ng wallet. May government IDs, at 1x1 pictures ako r'on.
"Talaga? Saan? Akin na!" kulang nalang isulot ko ang ulo ko sa guard house.
"Eh, nakita ko lang."
"H-Huh?!" gulantang kong hiyaw.
"May pumulot kanina, hindi ko matandaan kung sino."
Pumalatak ako at napatampal sa noo. Hinayaan niyang may kumuha sa wallet?! Paano kung nakuha na laman n'on! "Kuya, hindi ko alam kung guard ka o bouncer. Paalala lang ha, hindi ka display d'yan."
"Hanapin mo nalang. Nasa campus lang 'yon."
"Babae o lalaki?"
"Lalaki."
"Anong itsura?"
"Naka-salamin," isinarado niya ang log book at akmang isasarado na ang pinto nang sinipa ko 'yon para pigilin siya. "Ano pa?"
"Yun lang naalala ko, eh."
"Ang daming nakasalamin sa campus! Ang itsura ng lace niya?"
"Wala siyang suot na ID."
Nawalan na ako ng pasensya, agad nang napatid ang pagtitimpi ko nang sabihin niya 'yon. Malakas akong napamura at gigil na napahampas sa counter, "Tapos hindi mo sinita?!"