"Tanga! Kumalma ka nga. Kailan mo ba huling ginamit?" sita ni E-say.
Hindi naman nahinto ang pagkalkal ko ng gamit sa bag. Natataranta na nga ako't lahat, kalmado pa rin ang dalawa. Nakatanaw lang sa akin, 'ni hindi man lang sumubok na tulungan ako. Putangina, paano ako kakalma sa sitwasyong 'to? Nawawala ang wallet ko!
Mawala na ang lahat sa'kin, 'wag lang 'yon!
Hindi naman ako 'sing yaman ni Elaui, at scholar kagaya ni Austin. Ang sweldo ko sa pagiging student assistant at kakarampot na allowance na binibigay sa'kin ng papa ko lang ang tanging maaasahan ko. Nakakahiya namang humirit pa kay papa, eh, isang kahid, isang tuka rin siya. May bagong pamilya na kaya hindi ako priority. Alangan namang tumanghod pa ako sa kanya. Hindi man lang nga nag-abalang kumustahin ako. Basta maibigay lang ang sustento, sibat na agad.
Kung sa tita ko naman, baka palayasin na ako n'on sa kakapalan ng mukha ko. Nakikisuno na nga lang ako sa kanila, maghihingi pa ako ng pera? Huwag nalang, aba.
Summer class, bagsak ako sa isang subject ngayong sem. Hindi pwedeng hindi ko mairaos 'yon. Ayokong mag-irreg 'no.
Mariin kong kinagat ang labi at inis na napakamot sa batok. Sa pagkakaalala ko, huling gamit ko n'on ay noon bumili ako ng tubig at yosi r'on sa tindahan sa may labas.
"Kanina lang, pero naalala ko hawak ko 'yon, eh." sambit ko, "Saglit lang, tatakbuhin ko sa may tindahan."
"Teka lang," rinig kong tawag sa akin ni Austin pero tumalikod na ako at kumaripas ng takbo.
"Hoy, Diana! Hoy!"
Lumingon ako pero hindi tumigil, naabutan ko siyang may sukbit na dalawang bag sa magkabilang balikat habang patakbong nakasunod sa akin.
"Bakit ba?"
"Main gate?"
"Oo," sagot ko at tuluyang huminto para hintayin siya.
"Mahuli may tae sa pwet!" Inis na hinawi ko ang buhok na tumatabing sa mukha ko. Sinundan ng mata ko si Austin na ngayong todo harurot sa pagtakbo.
Natatawa akong humiyaw ng mura sa kanya. Inayos ko muna ang uniform ko. Umikot na kasi ang neck tie sa likod ko bago tumakbong muli. Aba, hindi ako magpapakabog sa katarantaduhan niya.
"Ano ka, monggi? Aussie?" pambabara ko nang maabutan ko siya.
Humalakhak siya at tinulak ako sa gilid nang maunahan ko siya. Nanggigigil kong hinampas siya sa braso bilang ganti.
"Aray! Kinulang lang sa buwan. Harsh mo naman sa'kin." daing niya at hinawi ako.
"Sayang inire ng Tita Cor sa'yo!"
"Aba't namumuro ka na!" pabirong sinakal niya ang leeg ko sa braso niya at ginulo ang buhok ko. Maasim ang mukha ko nang makaabot kaming dalawa sa gate. Hingal na pumiksi ako para makawala kay Austin ngunit umakbay lang siya sa akin. Siya na mismo ang nag-ayos ng ginulo niyang buhok ko.
"Hindi ka bibitaw?" umamba akong sisikuhin siya. He ruffled my hair again before pulling me closer to his body.
"Wala akong dalang I.D., sige ka, ikaw rin mahihirapan sa paghanap kay Dean." pananakot niya sa akin.
"Eh, paano ka nakapasok?"
"I drove, hindi naman na chineck nung guard. Basta may sticker, pasok na."
I can't help but to roll my eyes. Mga pribilehiyo nga naman! "Alam mo, ikaw, hinayupak ka. Ang yaman yaman, kali-kaliwa scholarship na meron ka!"
Unfair ni life!
"Well..." nagkibit balikat siya at ngumisi, "Sorry ka nalang. Hindi nado-donate ang katalinuhan, eh. Kung pwede nga lang, sayong sayo na akin."
"Gusto mo 'yon?" panunuya niya at dinugtungan ng nalalalokong tawa.
"Asa ka pa!"
When we finally passed through the gates without getting noticed by the guard, his arms around my neck loosened. Hinayaan ko nalang siyang nakaakbay sa akin habang patungo ng tindahan. Natatakpan ng anino niya ang mukha ko, eh. Panangga init din.
I stood 5'5, while he's 5 inches taller than me. Nakatingalang tinanaw ko siya. His side profile was almost too perfect for me. His aristocratic features made him attractive to most females and some gays.
Tila nakakasugat na panga, matangos na ilong, at mapungay na mga mata.
All thanks to his parent's genes.
Matalino, gwapo, mayaman at gago.
At, hindi pero.
It was also one of his traits that made him stood out even more. Gago, eh, bad boy kuno. So, ladies tend to flock over those kind of guys like Austin. They wanted some chase. At malamang, hindi nawawala 'yong mga babaeng nangangarap na tumino at mapaamo ang isang gago.
Sumilip ako sa rehas at nakitang nanunuod ng TV 'yung tindera, "Ate, may nakita kayong wallet na asul dito?"
"Tangina mo, tigilan mo nga." Tinapik ko ang kamay ni Austin nang ipinasok niya ang kamay sa loob at may balak dumukot ng candy sa lalagyanan.
Walanghiya talaga ang lalaking 'to.
Baka akalain nangnanakaw siya!
Tumayo ang tindera at lumapit, inaaninaw ako. "Oh, ikaw pala. Wala, eh."
"Ah, gan'on? Sure ka, ate?" paninigurado ko. Tumango lang siya at mariing tumanggi bago bumaling sa katabi ko, "Ikaw, pogi? Bibili ka ba?" Austin shakes his head. Seryosong lumingon siya sa akin.
"Sigurado ka talaga? Dito ko huling ginamit 'yon, ate. May iba bang bumili dito pagkaalis ko?"
"Wala pa naman. Baka sa ibang lugar mo nawaglit, ineng."
Sumingit ang kaba sa dibdib ko.
"Paano na 'yan?" nag-aalalang tanong ko. Patalikod na sumandal siya at nakayukong tanaw ang kanyang leather shoes.
"Pahiramin muna kita." he suggested, "Balik mo nalang sakin 'pag nahanap mo na."
Pumalatak ako at mariing umiling. "Hindi pwede! Kailangan kong makita ang wallet ko. Hindi ko pwedeng mawala 'yon."
He fished his phone out of his pocket. Pumakawala siya ng buntong hininga. "If you lost it inside the campus, mahihirapan kang mahanap 'yon. I'll just post it. Mas better siguro kung lumapit tayo sa admin or sa office nila Gov para ma-announce nila."
Nanlulumong tumango ako at umupo sa gilid.
"Bili mo nga akong yosi. Pantanggal stress lang," utos ko kay Austin.
Patagilid na sinulyapan niya ako at malakas na pinitik sa noo.
"Yosi o wallet?"
Hindi ako nakakibo.
Hinila niya ako sa buhok para iangat. Kahit kailan wala talagang ingat 'to sa babae. Kung makasabunot, wagas. Kung makabalya, todo bigay.
Tinaliman ko siya ng tingin at tumingkayad para gantihan siya. Dinakot niya ang mukha ko, sa laki ng palad niya sa sakop lahat kaya nang hatakin niya ako ay napasunod ako sa kanya.
"Hindi ba pwedeng yosi with wallet?" I said in a muffled voice.
Pumalatak siya at inakbayan ako para mas mapalapit sa kanya, "Gunggong ka talaga, tara na nga."
