Chapter 3

7.7K 192 6
                                    

Lakad-takbo ang kanyang ginawa para marating ang parking lot. Excited na syang makita si Rafael. Kahit na halos araw-araw silang nagkikita mula nang naging sila na officially ay hindi parin nya mapigilan ang sariling maramdaman ang ganitong klase ng excitement.

Nang marating nya ang parking area ay hinanap agad ng kanyang paningin si Rafael at ang kotse nito, subalit hindi nya ito makita. Siguro ay paparating palang ito kaya naisip nyang maupo muna sa isang island sa tabi ng guardhouse. Hindi mapakali ang kanyang mga mata na nakaabang sa mga dumarating at dumaraang mga sasakyan.

Dahan-dahan nang dumilim at pinapapak narin sya ng mga lamok. Panay na ang tapik nya sa kanyang braso at paa. Pero maayos naman ang kanilang usapan ni Rafael na nangako pang darating talaga.

Monthsary kasi nila ngayon at meron pa naman syang regalo sana dito. She was so looking forward to this day kaya naghanda talaga sya ng husto. Nagpalit sya ng damit kanina sa CR para hindi sya naka-uniporme sa kanilang date ni Rafael.

Maya't-maya ang kanyang pag-check sa cellphone para tingnan kung nagtext ito. Kanina pa nya ito sinusubukang tawagan pero ring lang ng ring at walang sumasagot.

Bumuntong-hininga sya at nag-dial ulit.

"Gabi na, hindi ka pa ba uuwi? Hindi na siguro darating ang sundo mo, ngayon ka lang ginabi dito ah. Baka nag-aalala na ang papa mo, gusto mo bang tawagan na kita ng taxi?" tanong ng gwardya.

Tiningala nya ito, "Fifteen minutes pa po, Kuya."

Pero matapos ang lampas labing-limang minuto ay hindi parin ito dumating. Wala ring tawag o text man lang na nagsasabi ng dahilan kung bakit hindi ito makakarating.

0-0

"I'm so sorry Princess," lambing ni Rafael sa kanya nang dalawin sya nito kinabukasan sa kanilang bahay. Nakayakap ito sa kanyang likod at hinahalik-halikan ang kanyang pisngi. "Masyado kasing maraming pinapagawa si Daddy, it ate my mind and consumed my time kaya nawala sa isip ko. But I didn't totally forgot, when I finally got away with work masyado nang gabi."

Busangot ang mukhang kumawala sya sa yakap nito at umupo sa sofa at nagkunwaring galit talaga dito kahit pa sa loob-loob nya ay natutukso na syang patawarin na ito sa ginawa nitong pang-iindyan sa kanya kagabi sa kanilang first monthsary.

Ang totoo ay gusto lang nyang maramdaman ang paglalambing nito at marinig ang mga masasarap na salitang babanggitin nito para lang mapatawad nya.

Tumabi ito sa kanya at muli ay kinulong sya sa mga bisig nito.

"I'm sorry, sorry, sorry, sorry, sorry..." paulit-ulit nitong sinasabi ang salitang 'sorry'. "Hindi ako titigil hanggang hindi mo ako pinapatawad, sorry, sorry, sorry..."

Natatawang nilingon nya ito.

"Sige nga, let's see how far you'll go." anya at pinagmasdan ito habang hindi parin tumitigil.

Hanggang sa namula na ang mukha at tenga nito ay hindi parin tumitigil.

"Sige na tama na... pinapatawad na kita, namumula ka na."

Huminga ng malalim si Rafael na napahawak sa dibdib.

"Hay salamat, sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis eh." mabilis na hinalikan sya nito sa mga labi.

Marahan nya itong itinulak nang gumapang na sa kanyang leeg ang mga labi nito. She liked it so much but she knew that they should not go beyond petting and necking.

She may be innocent with all those acts beyond what she and Rafael had already made, but she knew about sex and its implications. Innocence is not always associated with ignorance, and besides meron silang isang kapitbahay na kaibigan din nya ang nabuntis at 15, and she witnessed how her life changed.

Happily Never After (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon