Kung siguro noon pa nito siya inayang magpakasal ay buong puso at walang pag-aalinlangan siyang papayag. Noon pa sanang ang nalalaman at pinaniniwalaan lamang nyang tanging paraan ay ang kasal. Subalit ipinagdamot nito iyon sa kanya at hinayaan pa nitong mag-hirap siya at masaktan ng husto.
Ngayon ay hinding-hindi siya papayag na muli pa nitong sirain ang kanyang buhay na matagal nyang pinagsikapang buuin muli.
Anuman ang totoong motibo nito sa pag-aalok nito sa kanya ngayon ng kasal ay hinding-hindi nya ito papatulan.
Akala nya kasi noon ay hindi nya kaya ang mawala ito sa kanya at wala na siyang pag-asa pa, pero minaliit nya lang pala ang kanyang sarili.
Binawi nya ang kaninang tigagal na ekspresyon at wari ay kinikiliting nagpakawala ng isang mahinang tawa.
“Oh boohoo! Enough of this dillydallies, Mr. Salcedo. Please be serious for once in your life, you are consuming my valuable time.” She brusquely told him in his face.
Napaka-seryoso ng mukha ni Rafael sa pagkakatitig nito sa kanya. Mukhang hindi man lang ito naapektohan sa ipinapakita at pagpaparamdam nyang hindi nya ito sineseryoso.
“I’m serious, Charlize… now more than ever. Marry me and let’s give our child a complete family.”
Gusto nyang tuktukin ang walang-hiya dahil walang kakurap-kurap ito ngayong nakatitig sa kanyang mga mata. Ang lakas-lakas ng loob nito na para bang wala itong malaking kasalanan sa kanya.
“No that’s ridiculous!” matigas nyang sambit at muli ay napahagalpak ng tawa. “What the hell? Let’s? Our?... That’s it! You need medical attention!”
Tumango-tango ito.
“Well then, you’ll have to face me and my good lawyer in court. Be ready with your good lawyer too, because I’m telling you this fight won’t last long and I’ll have my son in the end for sure.” Siguradong-siguradong sabi ni Rafael.
Naramdaman nya ang panginginig ng kanyang kalamnan, muling nabuhay ang galit na kinikimkim nya dito. Gusto na nya itong pagsasampalin, pagsusuntukin at kung anu-ano pa, gustong-gusto nya itong gantihan ngayon at gumagawa na naman ito ng paraan para mapasakitan syang muli.
Hindi na nya pinangarap pa dati na magkita silang muli dahil iniiwasan nyang masyadong magkimkim ng galit dahil masakit iyon sa puso. All she ever wanted was to completely forget about him, and everything that he ever caused her so she will be at peace.
Vengeance was never one of the selections; it was all about moving on and to live only for Angelo.
But here he is, dragging her into misery and wretchedness once again. He wanted to take away her only happiness.
Hindi isang biro ang pagbabanta nito sa kanya, mula sa isang makapangyarihang angkan si Rafael. At kayang-kaya nitong patotohanan ang lahat ng mga sinasabi nito kaya nga dahil narin sa suhestiyon ng kanyang ama na kailangan nyang bumalik para harapin ito at ayusin ang kanilang problema upang hindi na sila umabot pa sa korte, ay kanya itong sinunod.
Bwiset!
Nagbabadya na naman kasing tumulo ang kanyang mga luha. Pero nangako na sya sa sariling hindi na muling iiyak pa para sa walang kuwentang lalaking ito, at ngayon ay nais na namang tumulo ng mga walang pakialam nyang mga luha.
No! Not Angelo…
Mabilis nyang hinawakan ang kanyang cup at isinaboy iyon sa dibdib ni Rafael. At dahil sa mainit pa iyon ay napahiyaw ito’t tumayo saka pinagpag ang kapeng mainit sa damit.
BINABASA MO ANG
Happily Never After (COMPLETE)
RomanceShe fell inlove at 10, for years she had waited for the moment that her prince would come back for her. But when he did, it was only to prove to her that fairytales are for the ignorant. She had loved and lost at 18 when her prince ran away from her...