Iniwan niya ang kanyang ama at ang bagong babae sa buhay nito sa sala. Patakbo niyang tinungo ang silid habang lumuluha.
Hindi niya talaga matanggap ang mga nangyayari.
Tanging ang pag-ibig na lamang ng kanyang mga magulang ang natitirang kanyang pinaniniwalaan sa mundo. Iyon na lamang ang natitirang kanyang pinanghahawakan na nagpapatunay na totoo ang pag-ibig at mayroong nagmamahalan itong pinagbibigkis na kahit ang kamatayan ng isa ay hindi nagawang mawala ang pagmamahalan nila.
Pero ngayon ay nawala na yata ang pag-ibig ng kanyang ama sa kanyang kawawang ina.
Nasasaktan siya ng sobra para sa kanyang ina at alam nyang siguradong nasasaktan din ang kanyang Mommy ngayon dahil papalitan na ito ng kanyang Daddy. Hindi niya maintindihan ang ama, kay dali lang para dito ang magdesisyon ng ganun!
Kung buhay lang ang kanyang ina ay hindi siguro ito mangyayari.
Hindi! Posible din itong mangyari… ang mambabae ang kanyang ama dahil hindi naman pala totoo ang pagmamahal nito sa kanyang ina.
Mabuti na lamang at wala na ang kanyang ina saka ito ginawa ng kanyang ama. Pero hindi ibig sabihin na ipinagpapasalamat pa niya iyon.
Mom I’m so sorry about Daddy…. Galit ako sa kanya dahil nagawa niya sa iyo ito.
Nahihirapan na naman siyang huminga sa tindi ng kanyang emosyon, Masikip na masikip ang kanyang dibdib.
Pare-pareho lang ang mga lintik na mga lalakeng iyan! Walang ibang ginawa kundi ang pasakitan lamang silang mga babae. Silang mga umibig naman ng totoo sa kanila.
Paiibigin at papangakuang mamahalin, ang iba ay sinasabing kukunin pa ang mga bituin at ang buwan sa kalangitan para lang patunayan kuno ang huwad nilang pagmamahal.
She screamed to release the negative air inside her chest that makes it hard for her to breathe.
Narinig niya ang paulit-ulit na mga katok sa pintong ini-lock niya at ang boses ni Rafael na tinatawag ang kanyang pangalan.
“Leave me alone!” bulyaw niya sa nakapinid na pinto.
Her throat ached after she screamed, but it made her heart feel good kaya di bale nang magasgas ang kanyang lalamunan at paulit-ulit niyang isinigaw ang kanyang kinikimkim na sama ng loob at sakit.
0-0
Humupa na ang kanyang sobrang galit at napagod na siya sa kakaiyak at sigaw. Basang-basa na ang unan na siyang sumipsip ng lahat ng kanyang mga luha.
Nakatulala siya sa madilim na bahagi ng silid na hindi inabot ng liwanag ng buwan mula sa nakabukas na bintana ng silid. Hindi narin niya nagawa pang i-switch ang ilaw dahil pakiramdam niya ay hindi na niya kayang tumayo at wala na nga siyang lakas na gumalaw pa.
She felt numb all over.
Narinig niyang bumukas ang pinto at ang mga papalapit na yabag.
Alam niyang si Rafael lang naman iyon at wala talaga siya sa mood na magsalita o igalaw man lang ang kanyang mga mata.
Narinig din niyang may kung anong ibinaba si Rafael sa bedside table sa kanyang likuran.
Naramdaman niya ang pagsalo nito sa kanya sa kama at ang paghila nito sa kanya palapit dito. Inayos nito ang kanyang ulo para ipa-unan sa braso nito.
Iniyakap nito ang isa nitong kamay sa kanyang tiyan.
“You knew…” malamig niyang sabi rito.
Hindi ito sumagot.
Hinarap niya ito at kahit na madilim ay naaaninag parin naman niya mula sa liwanag ng buwan ang mukha nito. Matiim din itong nakatitig sa kanya.
BINABASA MO ANG
Happily Never After (COMPLETE)
RomanceShe fell inlove at 10, for years she had waited for the moment that her prince would come back for her. But when he did, it was only to prove to her that fairytales are for the ignorant. She had loved and lost at 18 when her prince ran away from her...