She could smell the sweet scent of roses so close to her nose. Makailang beses siyang huminga ng malalim para mapuno ng bango niyon ang kanyang dibdib.
She loved the smell of roses, it relaxes her. Roses were her mother's most favorite flower and they have hundreds of them in their garden.
The sweet scent of roses immortalizes her mother. Roses bring back beautiful memories of her childhood before Rafael. Memories of her loving mother...
Napakunot-noo siya.
Why does the room smells like this?
Iminulat niya ang kanyang mga mata upang masorpresa lamang sa napakaraming basket ng mga rosas na may iba't-ibang kulay na halos pumuno sa buong silid.
The closest basket to her has a note in it.
Inabot niya ang note na iyon at binasa.
If you think these roses are beautiful wait until you get up and face the mirror... then you will see that the word beautiful is made only for the description of the girl in the mirror.
Ibinalik niya ang note sa basket at tumayo na.
Hindi niya maintindihan ang ginagawa ni Rafael. Pero wala siyang balak na abalahin ang kanyang sarili para isipin pa ang dahilan ng mga kalokohan nito.
Isa lang ang kanyang paniniwalaan, na ginagawa ito ngayon ni Rafael para masaktan siyang muli. At para narin makuha nito sa kanya si Angelo.
But why would he want them to get married?
So maybe he was really sorry now and he want to make things right. But still... it's already too late; all that she ever wanted right now is a life with Angelo alone. At iyon ang kanyang ipaglalaban at dapat na pagtuunan ng pansin.
Hindi ba't isa naman sa mga plano niya pagdating dito ay ang pagbayarin si Rafael sa ginawa nito sa kanya?
Hindi pwedeng habang buhay nalang siyang magpa-api dito. Baka nilalansi lamang siya ni Rafael at gumagawa na ito ng paraan ngayon sa likuran niya para makuha si Angelo.
She wanna get away from him and the pain that he brings her. Marrying him is like enrolling herself to a lifetime in the underworld.
Matapos niyang maligo ay lumabas siya para hanapin si Angelo. Kagabi ay hindi nya ito nakatabi sa pagtulog dahil gusto nitong kay Rafael tumabi.
"Maam Charlize, hinihintay na po kayo nina Sir Rafael sa terrace nandun na po ang breakfast ninyo." Pagpapaalam sa kanya ng kasambahay.
"S-sige..." she smiled at her.
Marahan ang kanyang mga hakbang, unsure if she wanted to have breakfast with Rafael.
Nang marating ang pool terrasee ay naabutan niya ang mag-ama na nakapuwesto na at waring siya nalang ang hinihintay.
Rafael smiled sweetly at her.
"Good morning!" tumayo ito at hahalik sana sa kanyang pisngi nang iiwas niya ang mukha niya.
Mabilis niyang nilapitan si Angelo at hinalikan.
"Good morning baby!"
"Good morning Mommy!" ganti din nito at inabot ang toasted bread. "Daddy I want peanut butter here."
"Mommy can do that baby..." presenta niya at kukunin sana sa kamay ni Angelo ang toasted bread pero inilayo nito iyon sa kanya at ngumuso.
"I want Daddy!"
Napatayo siya ng tuwid sa inasal ng anak.
"I'll do it... maupo ka na Charlize." Sabi ni Rafael at ito na nga ang naglagay ng peanut butter sa toasted bread ni Angelo.
BINABASA MO ANG
Happily Never After (COMPLETE)
RomansShe fell inlove at 10, for years she had waited for the moment that her prince would come back for her. But when he did, it was only to prove to her that fairytales are for the ignorant. She had loved and lost at 18 when her prince ran away from her...