Episode 1: Reminisce
Natzky POV:
25 years...25 years na pala but I'm still alone... "Alone" in a sense of I've never been in a relationship. Yeah right! I'm certified NBSB for the last 25 years of my entire boring life... By the way I'm Nathalie Bermudez. Natzky for short.
Ewan ko kung bakit nga ba ganun? Wala naman akong galit sa mundo. Wala lang ako sa mood for a relationship. Wala naman kasi akong tiwala sa sarili ko. Hindi ko alam kung kaya ko o kung totoo talaga ang "Happily Ever After". It's not that I don't believe in Fairy Tales or Disney. Ironically speaking I really enjoy watching those kinds of movies and reading their stories but still at the end of the day I go back to reality. I realize the fantasies are over, that it's time to go back on my own world. Nakakatawa lang isipin na hindi ko kayang ipagkatiwala sa iba ang ikakasaya ko, ang puso ko. Hindi ko kayang maniwala na may isang tao na kayang tanggapin ang pagkatao ko ng buong-buo at natatakot akong masaktan. Isang takot na hindi ko kayang ma-overcome. Ayokong masaktan kasi hindi ko alam kung kaya kong malagpasan ang sakit na yon. Hindi ko alam kung kaya kong i-accept ang lahat ng yon kasi alam kong kung gaano kasakit mawalan. Mawalan ng kahit ano, tiwala sa sarili, sa ibang tao, mahal sa buhay at minamahal. Yeah mawalan, nawala ang isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko na hanggang ngayon masakit pa din sakin. Masakit dahil naiwan ako at wala akong magawa para bumalik pa siya.
"Ate! Ate!" bulyaw ng kapatid ko... Makasigaw wagas...
"Bakit ba?" dapat galit din, ako ang ate eh...saka may iniisip ako tapos istorbo sya.
"Kanina ka pa tinatawag ni Tatay tapos tulala ka dyan!" singhal na naman niya. Problema ba nitong kapatid ko... Hindi ko nadinig e... Nakaheadset kaya ako...
"Sorry naman...nakaheadset ako e."
"ano po yon Tay?" tanong ko sa ama ko...
"iiwan ka na daw ba naming dyan kay Nanay? Ang lalim kasi ng iniisip mo...hahaha" sabat nung bunsong kapatid ko... Aba't pinagtawanan pa ako... Ako? Iiwan? Sa sementeryo? Yeah nasa sementeryo po kami... Patay na po ang Nanay ko almost two years ago... Pero bago ako magdrama sasagutin ko na muna sila... Baka iwan talaga ako eh.
"Tatay ka na ba ngayon at ikaw ang sumasagot! Saka anong iiwan!!???..sapakin ko kaya ikaw!"
"Aalis na tayo kaya tumayo ka na dyan..wag na kayo magtalo pa." sabi ni Tatay.
Okay...sabi ko nga...-_-
"Nay alis na po kami... Kamusta nyo na lang po kami kila Inang at Lolo dyan." Sabay na sabi naming magkakapatid.
Pauwi na kami at sumakay ng jeep papuntang SM...syempre kakain muna kami sa labas dahil Family Day ngayon...kaya lang may asungot na nakita ako pagsakay din namin ng jeep...Napakasamang biro naman nito....Haizt!!!! >. <
"Hi Natzky! Kamusta?"
BINABASA MO ANG
Finding Destiny [Slow update]
Short StoryFate, Destiny, Chance o Tadhana....Pano kung isang araw marealize mo napaglalaruan ka na pala nito? Na yung taong hindi mo ineexpect ang Destiny mo? Matutuwa ka kaya o matatakot sa Chance na ibinigay sayo? O hahayaan mong si Fate ang gumawa ng paraa...