Episode 2: Pretend

70 2 0
                                    

Episode 2: Pretend

Natzky POV:

“Hi Natzky! Kamusta? Long-time no see.” bati ni Ave (Abi)… Classmate ko sya nung high school…

“Hi!” tipid na sagot ko.. “Tay si Ave po classmate ko po nung high school… Mga kapatid ko” pagpapakilala sa kanila…

“Hello po! San po punta nyo?” tanong nya… kala mo close kami…

                “Sa SM kami pupunta… Kakain muna kami dun bago mamili itong mga bata” sagot naman ni Tatay sa kanya… Ayaw ko sya kausapin… Hindi ko lang feel… Bakit ba kasi nakasabay naming ito eh?... Hmmp!!!

                “Wow sosyal!” Hehehe… Tawa nila… Oo sila lang… “Dun din po ang punta ko kasi may kaylangan po akong bilin” sunod na sinabi nya… Pagminamalas ka nga naman..

                Well I introduce him. Yes it’s him. Lalaki po sya. His real name is Averay Azendra. Classmate ko siya mula Sophomore years ko hanggang Senior years of being high school student. May pagkamayabang sya, medyo bully, Moreno at saka talented din. Matalino sya pero tamad. Sapat na sa kanya ang makapasa. Gwapo ba sya? Hmm??? Ok sabi ko nga idedescribe ko sya eh. Matangkad sya, mga 5’ 11”. Moreno, matangos ang ilong at may malaking mata...hahaha… Biro lang, maganda ang mata nya. Pag tiningnan mo madami kang mababasang kalokohan sa kanya pero minsan malulungkot ang mata nya. Hindi ko na alam kung ano ang dahilan kahit ako nahihiwagaan.

Ave POV:

                “Traffic na naman? Bungkal na naman ang kalsada. Ano ba yan?” pagrereklamo ni Natzky.

                Ayaw nya man lang ako tingnan. Ano bang problema nitong babaeng ito sa akin? Kahit dati pa nung kaklase ko sya hindi na nya ko kinakausap. May nagawa ba ako dito? Wala naman ha. Mukang tanga na ko kasi kinakausap ko ang sarili ko. Maasar na nga lang sya.

                “Wag ka nang mainip, malapit na naman. Nakikita ko na oh, gusto mo lakarin mo na” pang-aasar ko sa kanya. Ganyan lang naman sya nagrereact eh, pagkinukunsume.

                “Mauna ka!” sagot nya sabay talikod… tapos sumagot yung kapatid nyang lalake.

                “Tara na lakarin na natin, hahaha”… “Ayan samahan mo si Ave. Magsama kayong dalawa” inis na sagot nya.

                “Napakapikon mo… =D” at nginitian ko sya ng pagkatamis-tamis na sinagot naman niya ng pag-irap at sabay sabing “Pakealam mo!”

                On that note she never turn back to look at me. Lagi naman syang ganyan, hindi pa ko masanay. Bahala nga sya. Bakit ba kasi natutuwa ako ng husto dito sa babaeng ito pag nakikita ko? Pakiramdam ko lagi na gusto ko ding napapansin nya ko. Hay Ave, gwapo ka naman bakit ka nagmumukang tanga sa babae na yan. Baka na-challenge lang ako sa kanya kasi sya lang ang gumagawa ng ganun sakin. Tama papabayaan ko na sya.

Finding Destiny [Slow update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon