Episode 9: Party

35 2 0
                                    

Episode 9: Party

Natzky POV:

Naalimpungatan ako ng marinig kong may tumatawag sa akin. Hindi ko namalayang nahimbing pala ang tulog ko. Ginigising ako ni Alex.

“Hey Natzky! OVER na pagkaantukin mo. Para kang MT.”

“Anong MT??!”

Tanong ko habang nag-iinat pa. Inaantok pa ako. Puyat na lang ako lagi. Tsk tsk tsk… Hindi na ito maganda sa kalusugan ko. :((

“Basta MT ka! >.>

“Ah ganun? Ganun talaga???”

Tiningnan ko sya na parang naghahamon (- -_). Papilit talaga to. Ayaw ko mag-isip kaya nagtatanong na lang ako.

“Opo Ms. M.T.” ^_______^

“Ooookaaaay…” ^___________^

Mas malapad ngiti ko, akala nya wah. Bumaba na sya ng kotse. Tinitingnan ko lang sya. Nakita kong may kinausap sya sa phone tapos ibinaba din agad.

Nainip na ata sa akin at hinanap ako. Hindi naman ako bumaba eh.... Lumingon sya sa kotse tapat ng inuupuan ko kanina. Hahahaha…

Nagtataka na sya kung nasaan ako. Sinilip pa nya yung mga gilid ng kotse. Hindi nya alam nakapagtago na ako sa likod ng upuan ko habang busy sya sa phone. Bwahahahah.... Sumasakit na bangs ko kakapigil ng tawa.... Hahahahahahaha......

Kaso bigla syang nawala… Hala! Nainis na ata… Hindi ko sya makita… Sinilip-silip ko pa sya...

“Sinong sinisilip mo???”

Nafroze ako sa gulat ng bigla syang magsalita. Nakita na pala nya ako… Paktay… ×___×

“Wala natutulog ako.” >_> palusot 101

“Natutulog? Pero nakadilat? Pauso lang teh???!!!”

Ngingisi-ngisi pa sya. Halata sa mukha nya na hindi ko sya maloloko. Plan B na ako. Galit-galitan mode.

“HINDI!!! Pumasok ka na dun!!!”

“Anyare??? Hindi ako nainform. Galit agad?? Problema mo??? Hindi mo ba nainom yung gamot mo??? O hindi pa husto tulog mo???”

Hindi ko sya sinagot. Tahimik lang ako nakatingin sa kanya habang sya malalim ang iniisip.

Alex POV:

Problema nya??? Wala akong maisip na ginawa ko para magtopak itong babaitang ito. Bipolar talaga sya.

Hmmmmm... Hindi kaya alam na nya kung kaninong party ito??? Kaya sya galit kasi dinala ko sya dito??? Hindi yan Alex! Tiwala lang!

“Hey, Tara na dun sa loob.”

Quiet mode pa din sya. Anebeyen??? Pinilit kong mag-isip…Hmmmmm???

AAAAAAHHHHAAAAAA!!!!

Alam ko na, kahit kaylan talaga isip bata talaga sya.

“Tara na… Bumaba ka na... Sasabihin ko na ibig sabihin nung M.T.”

Tapos ngitian ko sya ng ganito.. ~_______~

Nagbago bigla ang facial expression nya. Sabi na nga ba at yun ang ipinag-iinarte nya.

Kaso ayaw pa rin nyang bumaba ng kotse at ayaw pa din akong kausapin. Panigurado may binabalak ito.

Lumayo ako ng konti bago magsalita. Mahirap na may pagkaviolente din kaya yan. I have to depend myself….hehehehe…evil grin ^---^

Finding Destiny [Slow update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon