Episode 4: Coincidence
Natzky POV:
Papunta ko sa bahay ng kaibigan ko at habang nasa byahe ako, natutulog as usual, habit ko na yun eh. May napansin akong tumabi sakin pero hindi ko pinansin kasi nga inaantok ako at natanaw ko naman sa bintana na malayo pa ko sa pupuntahan ko.
“Miss san po kayo?” tawag nung conductor. Nagising tuloy ako…hehehehe
“Hilig kasi matulog.” Sabat ng katabi ko. Hindi ko sya makita sa suot nyang shades at cap. Nasa bus tapos ganun ang porma nya. Adik ba sya? Hinayaan ko na sya at baka mapaaway pa ko kahit pamilyar sakin ang boses nya.
“Paligui po manong” sagot ko sa conductor. Saka ko inabot yung ticket na binigay nya. Tinanong din yung katabi ko kaso hindi ko na nadinig kasi busy ako sa pagtetext kay Francis. Baka kasi mainip sya, ubusan ako ng handa. Hahahaha…
“Himala’t hindi ka nagsungit. Saka marunong ka pala ngumiti.” Sabi nung katabi na masyadong piling close. Daming alam eh. Malapit na nya ko mainis pero ayoko sayangin ang lakas ko kaya nagheadset na lang ako at nilakasan ko yung music ng mp3 ko.
“Miss bayad mo daw?” Sabay kalabit sakin ng katabi ko kaya nagising ako. Nakatulog pala ako hindi ko alam.
“Eto po. Pasensya na po.” Sabi ko habang kagat ko yung lower lip ko para maawa sakin yung conductor. Tapos yong katabi ko natatawa, bwisit talaga tong mokong na to… Isa pa may kalalagyan ka. Bwahahahaha…
“Ang bait mo pala sa bus. Sana sa bus na lang kita lagi nakakasabay.” Sabi nya habang nakangisi. Aba at gusto pa nya ko lagi nakakasabay. Stalker ba ito? Nilagay ko na lang ulit yung headset ko.
Katabi POV:
“Ang bait mo pala sa bus. Sana sa bus na lang kita lagi nakakasabay.” Sabi ko sa kanya kaso dedma ulit. Nagheadset na sya. Siguro hindi nya nadinig yung lugar na pupuntahan ko kasi hindi naman nya ko tiningnan kanina nung sinagot ko yung conductor. O kaya pretend na lang sya na wala sya nadinig kasi natakot sakin. Teka natakot? Ako? Sa gwapo kong to matatakot sya? O_O
Sabagay sino nga bang matino ang nakashades pa at cap e nasa loob sya ng bus. Ayoko kasi makilala nya ko at nagtagumpay naman ako na hindi nya ko makilala. Ayon nadedma nga lang ako. Hindi sya namamansin ng stranger. Tama naman yun kasi delikado.
Kanina ko pa sya pinanonood matulog at ang cute nya talaga. Singkit at ang puti nya. Mukha syang doll kasi makinis sya. Astig lang kung kumilos, kala mo lalaki. Pero sya ang isa sa mga mababait na naging kaklase ko. Hindi man nya ko kinakausap nakikita ko kapag nag-aalala sya para iba. Singkit man yan expressive ang mata nyan. Hay kinakausap ko na naman ang sarili ko.
“Kakatulog mo mamaya sasakit batok mo. Ayusin mo pagsandal mo.” Utos ko sa kanya kaso tulog na naman kaya hindi ako nadinig. Aayusin ko sana sya kaso nung hawakan ko na sya bigla syang dumilat, yung tipong parang gulat na gulat sya. Tapos tumingin sya sakin natatakot at napansin kong nanginginig yung kamay nya.
“Bakit po?” tanong nya habang pilit inaayos ang sarili. Halatang kinabahan sya.
“Mauuntog ka na kasi.” Pagdadahilan ko para takpan ang takot na naramdaman ko nung nakita ko ang reaksyon nya.
“Pasensya na po. Salamat po.” Sunod-sunod na sabi nya. Saka tumingin sa bintana at nag-ayos. Malapit na siguro sya kaya napatingin din ako kasi parehas lang kami ng pupuntahan. Akalain mo nga naman, what a coincidence? Pero bakit kaya ganun ang reaksyon nya kanina. Nakapagtataka talaga. Ano kaya ang dahilan?
A/N:
Pinalitan ko po ung title request kasi nya....my dear ayan na po...hehehe...salamat sa nagbabasa...
BINABASA MO ANG
Finding Destiny [Slow update]
Short StoryFate, Destiny, Chance o Tadhana....Pano kung isang araw marealize mo napaglalaruan ka na pala nito? Na yung taong hindi mo ineexpect ang Destiny mo? Matutuwa ka kaya o matatakot sa Chance na ibinigay sayo? O hahayaan mong si Fate ang gumawa ng paraa...