Episode 3: Me Against Them

62 2 0
                                    

Episode 3: Me Against Them

                Buti na lang nanahimik sya kanina, pero bakit parang ang lungkot nya? Bakit ba kasi napaka-expressive ng mata nya? Saka bakit ko pa ba pinapansin pa yun? =(

                “Ate bakit mo naman inaway yung kaklase mo?” tanong ni Janine yung bunso namin.

                “Oo nga Ate, muka naming mabait yung tao” sabat ni Nel yung sumunod sakin.

                “Pikon ka naman talaga wah.” Ngisi ni Giro habang kumakain.

                “Ano ito pinagtutulungan nyo ba ko? Kumakampi kayo dun? Sira kaya yun, wala ng alam gawin kung hindi asarin ako!” asar na sagot ko. Pasensya pero mainitin ang ulo ko lalo na sa mga bagay na ganun. Kapatid nila ko tapos kinakampihan nila yun.

                “Oh tigilan nyo yan, kumain na kayo baka gabihin pa tayo.” sita sa amin ni Tatay.

                “Opo.” Sagot naming apat at kumain na kami. Pagkatapos ay naglibot na at namili. Hindi kami mayaman, sakto lang. Nagtatrabaho na naman yung mga kapatid ko kaya ok na kami. Saka minsanan lang naman ito, samantalahin lang. Sa wakas nakauwi na din at nakakapagod din mamili. Puro lakad kaya at tingin lang wala kasi ko pambili. T_T Masaya naman.

Finding Destiny [Slow update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon