Chapter 3

9.5K 244 3
                                    

CASEY POV

"Tara Mia sa cafeteria tayo nagugutom ako" aya ko sa kanya

"Kain na naman?" sabi nito at dumukdok ulit sa kanyang table. Niyugyog ko sya "Sige na please?" sabi ko

"Ang takaw mo naman" sabi nito saka tumayo at inayos ang kanya suot "Tara na"

Agad akong kumapit sa braso nya at sabay kaming pumunta ng cafeteria. Humanap na si Mia nang mauupuan at ako naman ang nag order nang makakain naming dalawa.

"Huwag ka ngang dumukdok dyan kakain na tayo" sabi ko at inilapag ang tray na naglalaman nang kakainin namin

"Eh sa inaantok pa ako" sabi nito. Napailing na lang ako

Umupo na ako at kumain sya naman ay tahimik lang din kumakain. Muka ngang inaantok pa sya halata ang eyebags nya nangingitim na.

Matapos namin kumain ay bumalik na kami sa klase namin. Habang naglalakad kami sa hallway ang iba ay masama ang tingin kay Mia hindi ko malaman kung bakit parang inosente sila. Parang ngayon lang ata naka kita nang isang nerd, I mean yeah she's nerd but there's nothing wrong with that.

Nasa classroom na kami sakto pagka upo namin ay agad na dumating ang prof. "Okay class we have some surprise quiz get a partner now" sabi nito at saka nag sulat sa board.

Agad na tumingin ako kay Mia at nag taas nang kilay senyales na kaming dalawa ang magka partner at tumango naman ito. Naglabas ako ng isang papel at nilagay ko ang pangalan naming dalawa. Saka namin sinagutan ang mga naka sulat sa board.

"Pass the paper now" sabi nito at pinasa na namin ang amin


Ilang saglit lang ay nacheck na ng prof namin ang mga papel. Tumayo ito hawak ang mga papel "The rest of you have 8 and 9 scores" he paused "Then Mia and Casey hace the perfect score" sabi nya at agad na pumalakpak. Ang iba at nagbubulungan at masama ang tingin. Tapos narin ang klase namin at agad na umuwi ako sa bahay sa ibinagsak ang katawan sa kama.

The Nerd Revenge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon