Chapter 38

3K 60 0
                                    

So ayon mayghash tagal kong di nakapag UD HAHAHAHAHH so ayon support my story guys and take note paki support nadin story ni Lanzcxs worth it talaga syang basahin thank youuuu! I love you all



MIA POV

" Biee. saan mo gusto mag lunch?" tanong ni Kurt
"Kahit saan na lang" tamad kong sagot
"Ah sige tara" sabi nya at hinila na ako

Sa totoo lang wala akong gana lumabas ng university sya lang tong namilit ayoko din namang manghinayang sya kaya pumayag na lang ako.Pumasok kami sa Mcdonalds sya na daw ang bahalang umorder kaya tumango na lang ako.

Tahimik lang kami kumakain.Sinusulyapan ko sya pero di nya napapansin yon.

"Mia" pag tawag nya para lumingon ako sa kanya
"Is there something wrong?" tanong nya
"Wala naman why?" sabi ko at umiling
"Hindi ka ba masaya na nakauwi na ako?" dagdag pa nya
Hinawakan ko kamay nya.
"Im happy sobra okay so wag ka na magisip ng kung ano ano" sabi ko para kumalma at ngumiti sya

Kinuwento nya din na napaka hirap daw pala mag manage ng kompanya na mamanahin nya.Pati secretary nya ay masungit kaya walang nagkakagusto don.

"Tara may bibilhin ako" sabi nya at tumayo na kami

Tahimik lang ako habang nakatingin sa mga naglalakad ngayon.

Pumasok kami sa Bench naghahanap sya ng perfume.

Bumitaw ako sa pagkakahawak nya at naglibot libot doon.Habang naglilibot ako may nahagilap ang mata ko sa dalawang tao.Tiningnan ko yung likod ng lalaki kamuka kasi ni Xy.Nagtatawanan sila ng babaeng kasama nya habang magkahawak sila.Nung humarap sya sa babae hindi nga ako nagkamali si Xyvier nga.Parang nawalan na ako ng gana talaga dito bumalik na ulit ako kay Kurt.

"Oh biee you okay?" tanong nya
"Im fine" sabi ko at pinipilit ngumiti
Hinawakan nya noo at leeg ko.
"Jeez Mia anong okay ka eh nilalagnat ka na pala oh!" sabi nya at nataranta.

Mabilis na nagbayad sya sa cashier.

"Hindi ka manlang nagsasabi!" inis na sabi nya

Wala akong imik.

"Woah bro.Nandito kadin pala" sabi ni Xy
"Sorry bro nagmamadali ako masama pakiramdam ni biiee kaya sa ibang araw na lang" sabi nya
"Ah ganon ba sige ingat kayo" sabi nya
Nakayuko lang ako nanghihina na talaga ako.

Kahit nanghihina ako lumingon ako kila Xyvier nakita ko sila ng kasama nya na nagtatawanan padin.

Pag gising ko nasa kwarto na ako.Lumingon ako sa gilid ko nakatulog pala si Kurt.Kinalabit ko sya gamit ang daliri ko kahit hirap akong makagalaw.Bigla naman syang nagising.

"Gising ka na.Buti naman" sabi nya at niyakap ako
"N-nau-uhaw a-ako" utal kong sabi
Agad naman syang kumuha ng isang basong tubig at ininom ko yon.

"Kamusta pakiramdam mo? may masakit pa ba sayo?" tanong nya

Umiling lang ako sa totoo lang hirap akong magsalita ngayon.

"Sigurado ka?" tanong nya

Tumango ako.

"Natakot ako nawalan ka ng malay agad sa kotse ang taas ng lagnat mo hindi mo manlang kasi sinabi kaya matamlay ka nilalagnat ka na pala" sabi nya na may halong pag-aalala

Yumuko na lang ako.

Hinalikan nya noo ko.

"Pero panatag na ako dahil ayos na pakiramdam mo" sabi nya at ginantihan ako ng malaking ngiti

In-excuse na ako ni Kurt sa prof ko kaya pwede akong hindi pumasok para makapag pahinga.
Nilutuan ako ni Kurt ng sopas para may laman ang tyan ko.
Tahimik lang ako kumakain habang nakatutok sya sa laptop.

Pagkatapos kong kumain tiningnan ko sya seryoso sa ginagawa nya.Hindi parin nagbabago muka nya kahit nagkakanda puyat na sya.Medyo lumaki ang braso nya pero mas umaapaw parin ang kagwapuhan nya.Ilang bwan ko din syang hindi nakasama.

Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Oh bakit?" tanong nya
kaya napahinto sya sa ginagawa nya

Tinanggal ko yung salamin nya at nilapag sa tabi ng laptop.Inayos ko buhok nya at hinalikan sya.Hinalikan naman nya ako pabalik.Naramdaman kong hinawakan nya bewang ko at inilapit sa kanya.Mas lumalim ang halik naming dalawa,binuhat nya ako nilapag sa kama.

"Bieee you should rest okay" sabi nya at hinalikan noo ko

Kinuha nya pinagkainan ko at bumaba.Humiga ako kinuha ang librong nakalagay sa gilid ko.Binuklat ko iyon pero nabobored parin ako.

"Arghhh! Ang boooring" pagmamaktol ko kaya biglang nanakit lalamunan ko

Kumatok si Kurt.

"Biee you okay?" tanong nya

Tumango ako.

"May bisita ka" sabi nya at binuksan ng malwak ang pinto at iniluwa sakin si Casey.

Tumakbo sya papunta sa akin at niyakap.

"Namiss kita beshy!" sabi nya at kunwaring naiiyak pa
"Ayos ka lang ba? Kamusta pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Sabihin mo" sunod sunod nyang tanong
Napangiti na lang ako.
"M-masakit l-lam-munan ko" sabi ko may halong pagkautal
"Ay ganon ba sige wag ka muna magsalita" sabi nya
"Oo nga pala kamusta ka na?" tanong nya para pandilatan sya ng mata
"Ay oo nga masakit lalamunan mo sorry hehe" sabi nya

Dalawang oras na syang nandito nasa baba lang si Kurt.Umalis naman agad si Casey dahil may aasikasuhin pa daw.Maya maya lang ay umakyat na si Kurt may dalang basang panyo at may tray na pagkain at tubig.

"Kumain ka na para makapasok ka bukas" sabi nya at inilapag ang tray sa harap ko
"Salamat" sabi ko

Kinuha ko ang tray at kumain ng tahimik.

"Kamusta pakiramdam mo? masakit pa ba lalamunan mo?" tanong niya
"Medyo pero o-okay na" sagot ko

Pinunasan nya muka ko hanggang leeg.Kinuha na nya yung tray at bumaba.

Humiga ako at tumagilid.Naramdaman kong may yumakap sa likuran ko.

"Biee ayos ka na ba talaga?" tanong nya
"Ayos na ako makakapasok na ako bukas" sabi ko
"Buti naman" sabi nya

Tahimik na kaming dalawa 8 pm na.Mabilis na nakatulog si Kurt dahil sa pagod buong magdamag nya akong inalagaan.Kinumutan ko sya at pinagmasdan.

Narinig kong nagvibrate phone ko sa table at kinuha iyon.Nagtext pala si Xy.

From:Xyvier

Hey Mia you okay? Kamusta na pakiramdam mo? May lagnat ka daw kaya hindi ka nakapasok? Namiss kita agad :(

Drama ng lalaking to haha.

To:Xyvier

Hey sorry kung absent ako oo nilagnat ako pero ayos na pakiramdam ko ngayon salamat sa concern :)

Nakaramdam na ako ng pagkaantok at unti unting sumara ang mata ko.






The Nerd Revenge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon