Epilogue

4.2K 62 4
                                    

Bago ang lahat ay nais ko lang magpasalamat sainyo sa pagsuport ng aking storya.Paki support natin si Lanzcxs magaganda ang storya nila at paki follow narin.Maraming salamat sainyo mahal ko kayo mga Bibi's ko <3

MIA POV

"Mia anak gising na" rinig kong sabi ni mama sa akin

"Mom 5 minutes pa" sabi ko at nagtalukbong ng unan

"Mia gising na huy" wika naman ni Kurt

Alam ko mga boses nila.

"Princess wake up" sambit naman ni kuya

"Ayoko!" sabi ko

"Beshy huy gising na!" sabi naman ni Casey

"Anak please gising na" sabi naman ni dad

Nakakapag taka ba't nandito sila sa kwarto ko.

Sa inis ko bumangon ako

"Ano ba-" napahinto ako sa nakita ko

"Surprise!" sabay nilang sabi

Speechless ako at gulat na gulat.

"Happy Birthday Mia!" bati nila

napatakip ako ng bibig at hindi ko mapagilang mapaluha.

Merong itim at puting lobo na nakasabit sa kwarto ko.Sa itaas ng head board sa kama ko ay may nakasabit na 18th birthday.May mga petals ng white rose sa kama ko at sa sahig.

"Grabe naman hindi ako nainform na may pasabog kayo" sabi ko

"Hay nako yang si Kurt ang may pakana lahat ng to" sabi ni Casey

Napatingin ako kay Kurt na nakamot sa batok nya.

"Thank you" pasalamat ko sa kanya at niyakap ako.

"Wala iyon basta sayo ikaw pa" sabi nito at kumindat

Ibinigay nila ang mga regalo nila sa akin.May mga roses na marami at love letters pati narin chocolates at marami pa.Grabe ang effort nila talaga lalo na si Kurt.

"Anak mag handa ka narin para mamaya sa event ha" sabi ni dad

Oo nga pala mamaya na pala ang event para sa debut ko.

Nasa garden na ako nang makita kong busy na ang iba para debut ko mamayang gabi.Maganda ang theme neto puti at gray ang tela.May mga sunflower sa bawat table.May stage din para sa Mc mamayang gabi.

Lumapit ako roon.Pagkalapit ko ay agad nila akong binati.Nakakatuwa ang babait nilang lahat.Nagpasalamat ako sa puri nila at bumalik na sa loob.Umupo ako sa sala at pinagmamasdan ang lahat.

"Hindi ka ba nangangawit?" tanong ni Kurt na nasa harapan ko na pala

"Huh?" takang tanong ko

"Kanina ka pa kasi nakangiti eh" sabi nito at umupo sa tabi ko

Umiling ako.

"Masaya lang ako na ayos na ang lahat"

"Hindi pa lahat" sabi nya at ngumiti

Alam ko ang pinapahiwatig nya.Si Xyvier hindi parin nagpapakita hanggang ngayon.

"Wag ka malungkot birthday mo tas ganyan ang muka mo naka busangot" sabi nya

"Kita mo to ngumuso pa" sabi nito at pinisil ilong ko

"Aray ilong ko yon eh!" reklamo ko

"Aba sinisigawan mo na ako ah" sabi nya at kiniliti ang tagirilan ko

The Nerd Revenge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon