Chapter 22

7K 118 4
                                    


MIA POV

Nakabihis ako ng white dress
dahil sa dinner ng parents ni Kurt.Hindi ako nag make up gusto ko pormal lang yun din ang gusto ni Kurt.

Naalala ko nung huli kong makasama parents ni Kurt nung nag  Graduate kami nung highschool.Inimbitahan nila kami at na mag dinner sa labas so lahat kami magkakasama.

Tinitingnan ko sarili ko sa salamin.Maayos at pormal lugay lang ang buhok ko.Narinig ko beep ng kotse sa labas sya nayun.Kinuha ko shoulder bag ko at lumabas na.

Sinalubong ako ni Kurt at nakangiti.

"Wow you look Beautiful Biee" puri nya
"Thank You" pagsalamat ko

Pinagbuksan nya ako ng pinto at sumunod din sya,pinaharurot na nya ang kotse.

Nakarating na kami sa bahay nya.Pagbaba namin ay agad kaming pumasok sa loob.

Matagal narin simula nung makatapak ako sa bahay nato.

"Oh welcome iha" pag bati sakin ng parents ni Kurt
"Hello po" pagbati ko rin
"Matagal narin simula nung makausap ka namin iha" sabi ni tito
"You look gorgeous iha have a  seat" wika ni tita

Pinanghila ako ng upuan ni Kurt.Sumunod naman na umupo sya.

Masarap naman mga pagkain ang nakahain.Habang kumakain ay nagkukwentuhan kami sa mga ginagawa namin sa school.

"Kamusta naman parents mo iha?" Tanong ni tito
"Okay naman po sila busy mo sa work talaga" sagot ko naman
"So iha kamusta naman maging boyfriend etong anak ko" tanong ni tita

Nasamid pa si Kurt.

"Okay naman po maalalahanin,sweet,joker lahat po nasa kanya" ngiti kong sabi
"Ay naku iha makulit kaya iyan" sabi ni tita

Tumawa na lang ako.

Natapos ang dinner at nagpaalam kami na maglibot libot sa terrace nila.

"Pasensya ka na madaldal talaga sila" paumanhin nya
"Okay lang nakakatuwa nga eh" sagot ko
"Buti naman" tipid nyang sagot

Naglalakad lakad ako sa gilid ng swimming pool naisipan kong ilublob ang paa ko.Gumaya din si Kurt sakin at tumabi sakin.
Magkahawak lang kami ng kamay habang nakalublob ang paa namin sa malamig na tubig sa swimming pool at pinapanuod ang bilog na buwan.

Napansin kong nakatitig lang sya sakin.Lumingon ako

"Bakit?" tanong ko
"Ang ganda mo" puri nya
"Kanina ka pa puri ng puri" sabi ko
"Eh ang ganda mo" sagot nya
"Ang korny mo hahaha" tawa ko
"Ah korny pala ha" sabi nya

Kiniliti nya ako sa tagiliran.
Tumayo ako at tumatakbo hinahabol naman nya ako.

"Uy joke lang hahaha" sabi ko habang tumatakbo

Hinahabol parin nya ako.

"Halika dito" sabi nya

Hanggang sa nahuli nya ako.
Nagkatitigan kaming dalawa nagslow ang paligid.Hininga lang namin ang aking naririnig.

"I love you" sabi nya
"I love you too" sagot ko

Hinalikan nya ang aking noo.
Kasabay ng malamig na hangin.

Napagisipan ko naring umuwi.

Nasa tapat na kami ng bahay ko.
Bumaba nako at sumunod sya.
Humarap ako sa kanya.

"Thank you pala sa dinner nag-enjoy ako" sabi ko
"Wala yun your speacial Biee" wika nya
"Goodnight I love you" sabi ko at niyakap sya

Kumalas na ako sa yakap hinintay ko syang makaalis.Pumasok na ako sa bahay.

"Aaaaaah!" sigaw ko
"Omg! jusko mayghad kinikilig ako ung moment namin kanina sheet omayggad hahahaha ayoko na" sunud sunod kong sabi habang tumatalon

Humiga ako sa kama.

Napangiti ako at niyakap ang unan ko.



Keep supporting my story I love you all Bibi's Mwaaaps!❤

The Nerd Revenge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon