Chapter 34

3.2K 67 0
                                    

MIA POV

Sana maulit pa ang gabing iyon.Ang sarap sa pakiramdam.Naglibot muna kami ni Xyvier.

Nakita namin yung matanda na maraming dalahin kaya tinulungan namin.Hanggang sa makarating kami sa loob.

"Maraming Salamat sainyo apo" sabi ni Lola
"wala po yun lola." sabi ko
"Oo nga po lola maliit na bagay lang po" sabi ni Xy
"Halika kayo magkape muna kayo" aya ni lola

Pumasok kami at umupo sa sala.

"Oh eto na kape nyo" abot ni lola
"Salamat po" sabing naming sabi
"Ah lola kayo lang po ba magisa dito?" tanong ko
"Oo eh yung mga anak at mga apo ko may mga pamilya na" sabi ni lola

Nakakalungkot isipin na wala manlang nag-aalaga kay lola.

"Ang sarap ng kape nyo lola" puri ni Xy
"Salamat apo"
"Oh ang nobya mo ba hindi nasarapan?" Dagdag ni lola
Halos masamid ako sa tanong nya.
"Lola hindi po kaibigan lang po" sabi ko
"Nako iha wag ka na mahiya bagay kayo" puri ni lola at ngumiti ng malapad
"Lola hindi po kaibigan lang po talaga" sabi ko
"Opo lola kai-bigan po" sabi ni Xy
Siniko ko sya.
"Ay este kaibigan po hehe" dagdag nya
"Hay nako mga batang to" tanging sabi ni lola at umiling na natatawa.
"Lola mauna na po kami at hinihintay na kami eh" sabi ni Xy
"Oh sya sige salamat ulit at tinulungan nyo ako ha" pagpapasalamat ni lola at inihatid kami sa labas
"Lola pede po bang bumisita ulit dito?" Tanong ko
"Oo naman apo kahit kelan mo gusto welcome kayo dito" sabi nya
"Salamat po" sabi ko at umalis na kami

Nakita namin sila Casey,James,Troy.

"Saan kayo nanggaling?" Tanong ni Casey
"Ah tinulungan lang namin yung matanda kanina tapos pinagkape pa kami" paliwanag ko
"Bakit ang tagal nyo?" Tanong ni James
"Nagkwentuhan pa kasi" singit ni Xy
"Tara na baka maunahan pa tayo sa upuan" sabi ni Troy

Pumasok na kami sa bus at ganoon parin ang posisyon kung saan ang pwesto namin.

Natulog muna ako.

"Mia"

Sino ba yun nakakainis naman natutulog ako eh.

"Huy Mia gising"

"Ano ba istorbo ka ah!" sigaw ko
"Sorry naman nandito na kasi tayo" sabi ni Xy
"Hala parang kanina lang bago ako matulog paalis pa lang tayo ah" natatakang sabi ko
"Tulog mantika ka kasi hahahaha"asar pa nya
"Ewan ko sayo" sabay irap
"Tara na nga" aya nya at hinila ako

Oo nga ako na nga lang nagiisa.Hindi manlang ako ginising ni Casey hayst ang babaeng yon talaga minsan iniiwan ako.

Bumaba na kami sa bus.Hindi ko nga pala dala kotse ko.

"Tara lakad na lang tayo" aya ko

"Oh sige"

"Gusto mo punta tayong park Mia?" tanong nya

Tumango na lang ako.

Naka akbay sakin si Xy.Tumingin sya sakin.

"Oh bakit ang haba ng nguso mo?" tanong nya

Hindi ko sya sinagot nagpatuloy lang sa paglalakad.Pinitik nya ulo ko.

"Ah aray ah!" angal ko
"Ano ba kasi yang iniisip mo?" tanong nya
"Wala namimiss ko lang kasi si Kurt ang tagal nya eh" sabi ko nang naka nguso
"Bata haha halika na ayun yung park oh" sabi nya at hinila na ako.

Huminto kami at hinabol ang hininga ko.Nakakapagod ang bilis nyang tumakbo.

"Oh upo ka dyan" sabi nya at pinaupo ako
"Ang bilis mo tumakbo" sabi ko habang hinahabol parin ang hininga
"Hindi ah" pagtanggi nya

Nagkwentuhan lang kami sa park.Hindi na namin namalayan na gabi na.

"Halika na uwi na tayo gabi na oh" aya ni Xy at inalalayan akong makatayo.

Naglakad lang kami papunta sa bahay.Malapit lang naman ang bahay kaya hindi kami mahihirapan.

"Salamat sa paghatid" sabi ko
"Wala yon atlis ligtas kang nakauwi" sabi nya
"Pano ka pag-uwi mo" tanong ko
"Bakit? Concern ka sakin ano? Ayieeeee" sabi nya at nanukso pa
"Haa? Hindi ano.Kapal mo" sabi ko at tinalikuran sya
"Okay lang ako pag-uwi ko basta isang ngiti mo lang bago ako umuwi" sabi nya

Napahinto ako sa sinabi nya.Humarap sa kanya at ngumiti ng malapad.Hindi pilit totoong ngiti.

"Ayun oh! mas maganda ka kapag lagi kang nakangiti" sabi nya
"Oo na umuwi ka na gabi na oh baka mapano ka pa" sabi ko
"Ayieee concern talaga sya sakin haha" sabi nya at tumawa ng malakas
"Sira uwi na" sabi ko
"Opo boss" sabi nya at sumaludo pa

Napailing na lang ako sa kanya.Kumaway sya bago umalis.

Pumasok na ako sa bahay.Nakita ko si kuya sa lamesa nagkakape.Lumapit ako at umupo sa tabi nya.

"Hi kuya kamusta?" Sabi ko at ngumiti ng malapad
Hininto nya ginagawa nya sa laptop at tumingin sakin.
"Nakauwi ka na pala.Okay naman ako" sabi nya at ngumiti
"Oh bakit ganyan muka mo?" Dagdag nya
"Kasi kuya si Kurt ang tagal nyang umuwi" sabi ko
"Uuwi din yon ano ka ba" sabi nya at hinawi buhok ko
"Sya nga pala may Ice cream dyan paborito mo yun nasa ref" dagdag nya

Ako naman dali daling tumakbo papunta sa ref at binuksan.Halos magningning ang mga mata ko sa Ice cream na paborito kong flavor na CookiesnCream.Kinuha ko iyon at bumalik kay kuya.Niyakap ko sya.

"Thank you kuya!" Sabi ko at niyakap ko sya sa likod.
"Welcome princess" sabi ni kuya
"Oh sige na marami pang gagawin kuya mo eh" sabi nya at umalis na ako sa pagkakayakap ko.

Ngumiti ako kay kuya at iniwan na sya.Humiga ako at kumain ng Ice cream na bigay ni kuya.Swerte ko talaga sa kuya ko.

Sorry for slow updates.Keep supporting.Thank You!I love you all! <3

The Nerd Revenge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon