night out

7 0 0
                                    

Hapon na ng magising si Mrs. Reyes at halos katatapos lang din ni Paulo mag ligpit ng gamit nya sa kwarto nila Donna. Fina familiarize nya ang sarili, matagal na din ng huling natulog sya doon.

Pag labas nya ng kwarto ay mag kausap ang mommy nya at si Donna habang si Cara naman ay nilalaro ang pasalubong sakanya ng lola nya.

"Asan si manang?" Tanong nya habang palapit sa kanila.

"SURPRISEEEEE!!!!" Sigaw ni Jules na kakapasok lang na pinto kasama si Manang naneth.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Paulo.

"Kumusta jules." Lumapit agad si Donna sa binata. Sumunod naman si Cara sa mama nya.

Yumakap si Donna sa binata. Close ang dalawa bago pa sila mag migrate. Kaya naman masaya to ng makita ang binata.

"Ate kumusta. Gumaganda ka ata lalo?"
Bola nito kay Donna tumingin sya kay Paulo tska umiling.

"Anong meron ka at ang swerte mo sa napangasawa mo? Hayst kung naging mas matanda lang sana ako. Edi sana ako ang nanligaw sayo ate."

"Ikaw talaga bolero ka pa din." Mamumula si Donna habang mag kausap ang binata.

"Pansinin mo naman si Cara, hindi yung nag papa cute ka sa asawa ko"

"Asawa ko?" Hindi napigilang ulitin ni Donna sa isip nya.

"Madalas naman talaga nyang sabihin yun kapag nambobola si Jules, out of jelousy nya sa binata dahil na papablush nito si Donna.

"Wow.. ang ganda naman ng baby namin na yan" sabay karga kay Cara.

"Akala ko ba may lakad ka ngayon?"tanong ng Mrs. Reyes sa bunso.

"Akala ko din mommy. Pero bukas pa daw pala." Naiinis nyang sinabi, tsaka umupo sa sala.

Dinalhan sya ng Juice ni Manang Naneth tsaka umupo sa tabi ni Donna.

"Salamat manang. Aba! Parang bumabata kayo ah" bola nito.

"Bolero!" Nangingiting sagot ng matanda.

"Lets go out tonight kuya! " aya nito.

"Ano ba kasi nanyari sa lakad mo?"

"Hayst!!! Yun na nga mali ang araw na nasabi ko sakanila. Eh naka program na sa isip ko na lalabas ako ngayon. Kaya pleassseeee!!!" Paki usap nya sa kuya nya.

Walang sumasagot sakanya. Nakikinig lang si Cara habang naka tingin sakanya.

"Ano ka ba namang bata ka! Pati dito puro ka inom."

"Hayaan na naten sya mommy, ganyan talaga pag Broken hearted. " sagot ni Paulo.

"So ano na? Kahit sa Comedy bar lang. Sagot ko naman eh!"

"Susuportahan kita jan jules." Sagot ni Donna.

"Talaga ate???"

"Sino mag babantay kay Cara?" Tanong ni paulo.

"Ikaw" sabay na sagot ng dalawa.

Natawa naman ang dalawang matanda.

"Sige na. Kami ng bahala kay Cara mamayang gabi."

"Pwede naman tayo lahat ah. " sagot ni Jules.

"Pwede rin dun na tayo mag dinner mommy."

"Okay sige."

Nag agree ang lahat sa plano ni Jules.

Around 7pm ng umalis sila sa bahay at mag ka quarter to 8 na ng dumating sila sa Comedy bar.

Back To You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon