the start

10 1 0
                                    

"Asan ka? Pumunta ka na dito bilis!" pabulong na utos ni Donna pag ka sagot na pag ka sagot ni Paulo ng cellphone nya. Kagigising lang nya noon kaya naman wala pa sya sa sarili.

"Bakit? Anong meron?"

"Problema!! Andito na mommy mo! Hinahanap ka kaya kung ako sayo bilisan mo kung ayaw mong mabuking umpisa pa lang."

Napatayo naman agad si Paulo sa pag kakahiga at nagdali daling kinuha ang susi ng sasakyan nya.

"Mag dala ka ng pandesal at sabi ko bumili ka ng tinapay kaya wala ka dito"

"Oo sige"  agad naman binaba ni Paulo ang cellphone..

Umayos ng tayo si Donna tsaka humarap sa Mommy ni Paulo na nasa Sala.
2 araw pa lang nakakalipas ng pumayag sya sa kasunduan nila at hindi ineexpect na andito na agad ang pinag hahandaan nilang pag pagpapanggap.

"Pabalik na daw po sya. Pasensya na po hindi man lang kami naka pag handa." Magalang na magalang si Donna sa matanda. Natatandaan pa nya dati na hindi ito ngumingiti o tinitignan ng Mother in law nya not unless anjan at kasama nila ang magulang nya o kaya ay iirapan say pag naiinis ito sakanya.

Pero ngayon, ibang iba sakanya ang matandang babae. Bakas sa muka nya ang liwalas at saya ng muka habang nakatingin sakanya.

"Okay lang iha. Talagang gusto ko kayong surpresahin.  Kumusta ka na? Hali ka at maupo ka sa tabi ko." Utos nito habang sinesenyasan sya na maupo sa tabi nya.
Kahit naiilang ay lumapit nalang si Donna.

"Ang ganda ganda mo pa rin, walang pag babago. Marami akong dalang pasalubong para sayo."

"Salamat po. Okay naman po ako. Kayo po?"

"Naku anak, bukod sa tumatanda na eh nanghihina pa . Nabalitaan mo ba na inatake ako sa puso last year"

"Opo , nasabi po sakin ni Paulo, mabuti po ay okay na kayo." Hindi nya alam kung pano pipigilan ang pag iyak. Unang beses nyang marinig na tawagin syang anak ng Mother in Law nya.

Tahimika silang dalawa na nag papakiramdaman, nahihiya talaga si Donna sa in law nya.

"Alam mo iha, ikaw ang una kong naalala ng magising ako sa ospital, naisip ko nun na kaya siguro ako nabuhay pa para naman maka bawi sayo sa hindi magandang pakikisama ko sayo. Kahit ngayon nahihiya ako sayo pati sa parents mo. Hindi ko man lang sila napakisamahan ng maayos. Pasensya na iha." Hinimas nito ang buhok ni Donna, habang si Donna naman ay hindi na napigilan ang maiyak sa narinig.
Hindi kaila kay Mrs. Reyes ang pagiging iyakin ni Donna, maraming beses na napapaiyak nya to noon sa mga masasakit na nasasabi nya.

"Salamat po Mommy. "  Yumuko nalang si Donna sa Sobrang pag iyak, kaya agad naman syang niyakap ng matanda. Hindi nya alam gaano sila katagal sa ganoong pwesto madaming realization pa ang kinukuwento at pag hingi yan ng sorry kay donna ng bigla biglang pumasok si Paulo.

"Mommy!!" Hingal na hingal na sigaw nito.

Parehong napatingin si Mrs. Reyes at si Donna kahit si Manang Naneth na naka silip mula sa kusina ay nagulat sa pag sigaw ni Paulo.

"Naku naman kang bata ka! Aatakihin ako sayo eh!" Sigaw nito sa pag ka bigla.

Agad naman lumapit si Paulo sa dalawa at napansing nag papahid ng Luha si Donna.

Niyakap nyang mabuti si Mrs.reyes pero hindi nya maalis ang tingin kay donna.

"masasakal na kong bata ka! Umayos ka na." Saway nito sa anak.

"Namiss lang kita mommy. Asan si Jules?" Ang bunson gkapatid nila na nag babantay sa mommy nya.

"Dumiretso sa Condo. At gusto munang mag pahinga dahil may I memeet na barkada mamayang gabi."

Back To You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon