Hate. love. hate

15 1 1
                                    


"Hello paulo asan ka?" Tanong ni Donna pag ka sagot ng Ng phone ni Paulo.

"Ah, wait lang ah...." si theresa ang sumagot.
" Babyy! Tumatawag si Donna."  Sigaw ni Theresa, ramdam ni Donna na sinasadya iyon ng babae.

Agad namang napa takbo si Paulo galing Cr, kakaligo lang nya noon.

"Hello Donna?" Nag mamadali nyang sinabi pero walang sumasagot sa kabilang linya, ng tignan nya ang phone nya ay call ended na.

Napatingin sya kay Theresa, naka smile innocently ang dalaga.
Nag tataka sya kung bakit sinagot nya ang call na yun, hindi naman nangingialam ang dalaga  ng cellphone nya before.

Sinbukang tawagan ni Paulo si Donna uli pero hindi ito sumasagot, naka 10 missed calls na ata sya dito.  Kaya nag alala sya. Lunch time hindi nya sinabayan si Theresa kumaen, nag drive sya agad papunta kela theresa,.

To his surprise nag hahanda ang lahat andun ang mommy nya pati jules kasama sila ate mhean, paalis na ang mga to.

"Oh andito ka na pala ijo." Bati ng mommy nya.

Umirap lang sakanya si Mhean habang tumakbo palapit sakanya si Cara.

"San kayo pupunta?" Tanong nya.

Sarcatic na natawa si  Mhean.

"Nakalimutan mo? Death anniversary ngayon nila mama at papa. " pag papaalala nya.

"Ha? Ahh oo nga pala."

"Ano ka ba naman ijo, pano mo nakalimutan ang Death anniversary ng In laws mo?"

"Tsk ambilis mo naman makalimot pau."  Umiling si mhean bago pumasok sa Van nila,

"Mommy, tara na po" aya ni Donna sa Mother in law nya.

Kitang kita ang lungkot sa mata ni Donna, iniisip ni Paulo ay siguro dahil sa death anniversary iyon ng  deared parents nya.

"Hindi ka ba talaga sasama?" Pukaw ni ng mommy nya sakanya.

"Ha? Ah sasama." Mabilis nyang sagot.

"Donna, dito ka na sumakay" aya nya sa asawa

Umiling sya at pinilit ngumiti,

"Hindi na. Dito nalang ako."


°°°°°°

Tahimik si Donna habang nasa byahe.

3 lang sila sa van na yun c mhean at ang asawa nito.

"Donna, --"

"Ate , wag ngayon please."

Napa irap si Mhean, tinapik nman sya sa legs ng asawa nya para senyasan na hayaan muna ang kapatid.

Nang makarating sa Cementery ay may tent na naka handa at lamesa sa gilid ng grave ng magulang nila.

Nag sindi muna sila ng Kandila at nilagay ang Flowers bago sila kumaen.

Tahimik lang ang lahat. Kahit si Jules ay hindi maka pag umpisa ng topic dahil ramdam nya ang tensyon ng mga oras na yun. Alam nilang hindi okay ang dalawa.
Ang sinabi lang kasi ni Donna ay maagang umalis si Paulo para sa work. Baka nakalimutan. Paliwanag nya, pero alam ni Jules at Mrs. Reyes na masama ang loob ni donna  sa pag una ni Paulo sa Work kaysa samahan sila ngayon.

Lumapit si Mrs. Reyes kay Donna  na naka upo at nag bubunot ng maliliit ng grass sa libingan ng magulang.

"Ija anak, kung gusto mong umiyak wag mong pigilan. Alam ko matagal akong nag matigas sayo, kaya hayaan mong I comfort kita ngayon." Naiiyak na sinabi ng byanan.ramdam nito ang lungkot ni Donna.

Ilang sandali lang ay hindi na napigilan ni Donna ang pag hikbi.

"Ang dame ko pong gustong sabihin sakanila. Andame ko pong. Andameng bagay na alam ko sila lang ang makaka intindi, alam ko sila .. sila lang ang makikinig.. pero. pero kahit anong gawin ko mommy, wala.. wala .. wala na."

Agad naman syang niyakap ng byanan habang umiiyak.

Si mhean naman ay tahimik na umiiyak at kino comfort ng asawa.
Si jules ay pinipilit I focus ang sarili sa pakikipag laro kay Cara, habang si Manang naneth ay umiiyak habang inaayos ang pag kaen.

"Gusto ko makita nila ang apo nila kasi yun yung matagal na nilang tinatanong samin,kahit alam ko nag tatampo sila na nauna pa ang baby sa kasal alam ko masaya sila para samin."hirap na hirap si Donna pero hindi nya mapigilan mag kwento. Lahat gusto nyang sabihin, siguro dahil may isang ina na makikinig sakanya ngayon.

"Pangarap ko ikasal at mag lakad sa aisle, pero kasama sa pangarap na yun na may katabi ako sa.pag lalakad, may mag hahatid sa harap ng altar,  yung may mag papagalit sakin kapag kumaen ako ng chocolates habang buntis, mag kukuwento kung pano kahirap manganak at gano ka fulfilling pag katapos. Mama papa bakit nyo naman po kami iniwan agad. Bakit??"

"Kung andito po sana kayo ngayon, may.makikinig at mag papayo sana sakin ngayon. Sana hindi ako miserable ngayon ma, pa.."

Apat na taon na ang nakalipas, but for Donna, parang kahapon lang. On the way na ang magulang nya sa condo nila ni Paulo that time para I celebrate ang birthday nya at ibalita ang pag papakasal nila ni Paulo nang ma daganan ng track ang kotse nila.

That was the worst day of her life, kamuntikan na syang malaglagan sa sobrang lungkot at stress nya.

And everytime she will look at Cara she blamed her self na kaya baka late bloomer ang anak nya ay dahil sa pag ka stress nya.habang pinag bubuntis nya to. And everytime mag aaway sila ni Paulo pakiramdam nya gustong sabihin at isisi sakanya  ng asawa nya iyon, pero hindi.nito magawa.

Binulungan ni Mrs. Reyes si Donna. Onti onti namang tumahan sa pag iyak si Donna.

Naka knuckled hands si Paulo, naiinis sya sa sarili, wala man lang syang magawa para kay Donna.

Bigla namang tumunog ang Phone nya. Napatingin sya sa screen at nakita ang name ni Theresa.

"Work? Baka ma promote ka na nyan" inis na patutsyada ni mhean.

Pilit na ngumiti si Paulo tsaka sinagot ang tawag.

"Please Cancel my meeting today. I cant go back right now. " sabay baba sa telepono. Hindi nya na binigyan ng chance mag salita si Theresa kaya naman tumawag ulit ang dalaga sakanya.

Agad nyang sinilent ang Phone nya. At lumapit sa asawa. Nag give way naman si Mrs. Reyes pero hindi sya pinapansin ni Donna.

"I am sorry,"  mahina nyang bulong sa asawa.

"For what?" Matiim nya tanong

"For what happened today."

"Today? What about last year? The year you let my daughter meet your mistress on my parents death anniversary and my birthday?"  Tumingin si Donna kay Paulo. They managed to talk na sila lang ang makakarinig.

Noon lang narealized ni Paulo ang mga sakit na pinaramdam nya kay Donna. Last year he even cry to her begging her na hiwalayan sya. Napaka inconsiderate, insensitive at  worthless nya that time.
  wala syang  masagot kay Donna.

"I'm sorry if I hurt you so much."

"Naalala mo ba  yung time na nilibing sila. That day, you made a promised. Anong ginagawa mo ngayon?"

Hindi na nakapag salita si Paulo. Tumayo agad si Donna para mag asikaso.

Buong hapon na yun nakatingin lang si Paulo kay Donna.

Paminsan minsan hawak nya ang anak or kausap si Jules pero mas madalas na nakatulala sya.

Bago umuwi ay humarap sya sa magulang ni Donna.

"Ma, pa, sorry. Alam ko galit kayo sakin ngayon. Sorry po. Wala akong alam na pwedeng sabihin kondi sorry. Sorry kasi wala akong magawa sa sitwasyon namin nagyon. Sorry okay na ako ng ganto. Sorry kasi baka hanggang ganto nalang po talaga. Im sorry"

Back To You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon