Boyfriend girlfriend

15 1 0
                                    

2005

"Alam mo hindi mo naman kailangan ihatid ako everyday. Kaya ko naman sarili ko." ilang ulit na rin sinasabi ni Donna to kay paulo pero persistent talaga ang binata na ihatid ito. Kahit ilang ulit na din syang napagalitan ng magulang nya sa pag uwe ng late pero masaya naman sya tuwing nahahatid nya ang dalaga lalo pat pag nakakausap nya ang magulang ni Donna.

"alam mo fulfilment sakin na mahatid at alam na ligtas ang mahal ko." nahihiya pero nangingiti sa kilig si Paulo. Kahit si Dona ay hindi mapigilan ang mamula at mahiya sa boldness ng binata.

"alam mo hindi ko alam kung binobola mo lang ako. " sagot ni Donna

Humarang si Paulo sa harapan ni Donna dahilan ng pag hinto ng dalaga.

"sa loob ng isa. Dalawa. Tatlo hindi ko na mabilang na bwan.. Tingin mo binobola lang kita?" tanong ni Paulo

Nahiya bigla si Donna sa binata. Hindi naman nya akalaing seseryosohin ng binata ang sinabi nito. Alam naman nyang gusto at seryoso si paulo sakanya. Hindi sya ang unang nanligaw kay Donna. Pero sya lang ang nag tagal ng ganun katagal sa panliligaw.

Isang kanto nalang sila sa loob ng subdivision ng bahay nila.

"uyyy, tingin mo ba hindi ako seryoso kaya hindi mo pa ako sinasagot? Seryoso ako sayo promise!" tinaas pa ni paulo ang kanang kamay nya.

Hindi na alam ni donna ang gagawin. Kaya lang naman nya hindi sinasagot ang binata ay dahil hindi pa ito nag tatanong.

Nang makita ni paulo na hindi pa din umiimik ang dalaaga ay kinuha nya ang kamay nito at itinapat sa puso nya.

"basahin mo" utos nya sa dalaga

"ha? Pano ko babasahin?" nag tatakang tanong nya habang nankatingin sa kamay nya na hawak ni paulo na nakatapat sa puso nya.

"ayan! D-o-n-n-a " kada tibok ng puso nya ay binibigkas ni paulo ang spelling ng pangalan ni donna.

"sobra sobra kaya yung bilis ng pintig!" pangongorek nya.

"eh kasi donna, donna, donna, donna, yan pa ulit ulit." paliwanag nya.

Inalis ni donna ang kamay nya at nag lakad ng mabilis.

"ikaw talaga! Puro bola" naiiang at nahihiya nyang sigaw.

"Hindi ako nambobola! Ano pa ba kailangan kong gawin?" habol nya.

Umiling si Donna at tuloy pa din sa pag lalakad.

"ayaw mo ba sakin? Sabihin mo naman?"

"bakit pag ayaw ko sayo? Titigil ka na ba?" curious na tanong nya

"Hindi! Gusto ko lang malaman para malaman ko anong pwede ko pang gawin." mabilis nyang sagot habang hinahabol ang pag lalakad nya.

Umiling ulit si Donna .

"anong ibig sabihin nyan?" hindi nila napansin na halos limang hakbang nalang sila sa pinto ng bahay nila Donna.

"wala ka namang kailangan gawin!" sagot nito.

"eh ano?" humarang na sya sa pinto bago pa man makapasok si Donna.

"kailangan mo lang mag tanong?" nahihiya nyang sinabi.

Hindi mapigilan ni Paulo ang mapangiti.

Sandali pa syang tumitig sa sa dalaga.

"Can you be my Girlfriend?" tanong nya habang hinuhuli ang mata ng dalaga na naka yuko.

Tumango si Donna.
Hindi na mapigilan ni paulo ang tuwa pero gusto nyang marinig ang sagot.
Kaya naman hinawakan nya ang muka ng dalaga para mag ka titigan sila.

"Can you be my girlfriend?"

"yes!." nahihiyang sagot nya.

Hindi napigilan ni Paulo ang mapatalon habang nakataas ang kamay. Naka tatlong talon ata muna ito bago napasigaw.

"yeessss!!! Wooohhh!!!" hanggang sa di nya na napigilan ang pag hiyaw.

Nanlaki naman ang mata ni Donna sa reaction ng binata lalo na ng bumukas ang pinto at makita ang papa nya.

"ano ba yang ingay na yan! Nag aaway ba kau?" tanong ni Mr. Gilbert .

Umayos agad si paulo ng tayo.
"hindi naman po." naka ngisi nyang sagot.

"eh bat ang ingay nyo???"

"sinagot na po kasi ako ni Donna pa! " sabay yakap ni paulo sa papa ni Donna.

Hindi alam ni donna ang gagawin. Kahit na alam nyang gusto ng magulang nya si paulo ay nagulat sya sa sobrang emosyon na pinakita nito.

"Rosalinda!!!! " sigaw na tawag ng papa ni Donna sa Mama nya.

Nagulat silang parehas at parang binuhusan ng malamig na tubig si Paulo at narealized ang naging reaction nya

"Rosalindaaaa!!!" malakas na sigaw nito . Kabado ang dalawa dahil pakiramdam nila ay galit si Mr. gilbert.

"Ano ba yun?" nag mamadaling takbo ng mama ni Donna. Kasunod nya ay ang ate ni Donna.

Siniko ni Donna si Gilbert sa sobrang kaba. Masyado kasing nag padala sa emosyon ang binata.

"Ano ba yun? Anong meron?" tanong ni Rosalinda.

"etong anak mo! Sinagot na si Paulo!" pasigaw na sinabi ni Mr. Gilbert.

"anooooo????" napatingin sya sa dalawa.

"Ma sorry---" bago pa matuloy ni Donna ang sasabihin ay nag paliwanag na si paulo

"Titta, tito sorry wag nyo po sanang pagalitan si Donna. Ako naman po talaga ang nangulit sa kanya kaya siguro sinagot nya ako ngayon. Pero hindi ko po ipapabawi sakanya yun. Wala ng bawian. Wag po kayong mag alala. Hindi ko po pababayaan at lolokohin ang anak nyo. Malinis po ang intensyon ko sakanya! Kahit po puntahan nyo pa po ako sa bahay"

Nag ka tinginan ang mag asawa tsaka tumingin kay mhean.

"okay mali na ko. Siguraduhin mo lang na seryoso ka sa kapatid ko kung hindi"

Sabay tumawa ang mama at papa ni Donna. Tsaka hinablot at inakbayan ni Mr Gilbert si paulo. Parang isang kawayan si Paulo sa sobrang laki ni Mr. Gilbert . Bago kasi dumating ang dalawa ay nag uusap ang mag asawa na gusto talaga nila si paulo. Pero ayaw ni Mhean sakanya. Sabi nya muka daw itong manloloko .Hindi nya masabi sa magulang ang totoong dahilan.

"Mahal, mag handa ka ng masarap para sa unico ijo ko."

Hindi maipinta ang saya nIlang dalawa ng marinig ang sinabi ng ama. Alam nilang pareho n Gusto talaga ni Mr & Mrs. Gilbert si Paulo. At masaya sila ng malamang sinagot na sa wakas ni Donna ang binata. Habang si Mhean naman ay inis pa din dahil naunahan n Sya ni Donna mag ka boyfriend. Pero masaya rin sya para sa dalawa.

Back To You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon