Saturday,
''Chanel kanina ka pa,binabalik-balikan ni,Luke,ahh! Bakit hindi mo man lang nilalabas...?'' tanong ni mommy habang kinakatok ako sa kwarto.
''Mommy,masama po pakiramdam ko! Sabihin niyo yun sa kanya!''
''Chanel,wag kang ganyan! Kung may tampuhan kayo,pag-usapan niyo! Hindi yung nag-iiwasan kayo!'' sita ni mommy.
Tinakpan ko ng mga unan yung tenga ko.
Mag-uusap? Para ano? Sasabihin niyang hindi niya sinasadya?! Wag na lang uyy! Awang-awa na ako sa sarili ko! May pride rin naman ako noh! Tutal,pride niya rin naman ang iniintindi niya.Eh di 'yun na rin yung gagawin ko.
Nag-ring yung phone ko,tumatawag si Luke.Ni-reject ko na lang yung call niya.Hindi pa ako ready na kausapin siya eh.
Biglang nag-vibrate yung phone ko.Nagtext si Luke.
In all capital letters,
''I'M SO SORRY,CHANEL...PLEASE,PUMUNTA KA PA RIN SA BIRTHDAY KO,CHAMMY''
I sighed heavily.Bahala na.
-----BAKITBESTFRIENDKOPA?!!-----