''Ikaw,bakit ka ba ganyan sa kanya?!'' inis kong tanong kay Luke.Pagkapasok namin sa room namin
''Coz i don't like him,Cham! Layuan mo siya!'' nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses ni Luke.
''Ahh...i mean...Basta! Mag-ingat ka kasi baka masaktan ka,okay?'' mahinahon ng sabi niya.
Parang dismayado ako sa sagot niya.At ano namang inaasahan mo,Chanel?! Sasabihin niyang,nagseselos siya! Kaya pinapalayo ka niya kay Dylan?!
''Kaya kong sarili ko!'' tinarayan ko siya.
''Hey,sorry kung nasigawan kita,Chanel...'' niyakap niya ako at 'yung plano kong pagtatampo kuno? Ayun,nilipad na ng aircon ng room :3 ''Hindi ko sinasadya...''
''Oo na po... Apology accepted!'' ngumiti na ako sa kanya.
''Sa sunday ha...? Yung birthday ko,wag mo kalimutan pati gift ko.'' sabi niya sabay kindat.
''Unli ka noh...ulit-ulit? Pupunta nga ako.Tsaka sa Sunday pa 'yon? Bakit over naman 'yang excitement sa katawan mo...?''
''Kasi po,magtatapat na ako sa babaeng tinutukoy ko sa'yo...'' kumikislap pa yung mga mata niya habang sinasabi 'yon. ''Kaya...Gusto ko,naroroon ka.Dahil,bukod sa Pamilya ko,ikaw ang isa pang mahalaga sa buhay ko.''
Tumalikod ako,feeling ko kasi,tutulo na yung luha ko,anytime... ''Aw...na-touch naman ako...''
''Yeah,you should be...'' medyo mahinang sabi niya.
Hinarap ko siya ''Sus! Lumaki naman agad ulo mo!'' biro ko sa kanya.
Pero seryoso pa rin yung hitsura niya ''Chanel...pwedeng favor?''
''Huh? Ano? Chocolate? Strawberry?'' biro ko.Pero ni hindi man lang siya ngumiti.
''Layuan mo na si Dylan.Please.''
''Bakit naman...? Nice naman si Dylan,eh.Friendly rin siya...''
''Nandito naman ako,ah!'' parang batang sagot niya ''Gusto ko ako lang! Chanel,please...Kung hindi rin lang naman importante,wag ka ng lumapit sa kanya.Kahit yun na lang yung regalo mo sa akin.''
''O-okay!'' sagot ko na lang.
Ngumiti na siya. ''Thanks,Chammy!''
-----BAKITBESTFRIENDKOPA?!!-----
