Chapter 1.13;

37 1 0
                                    

Kanina pa ako doorbell nang doorbell sa unit ni Luke.Pero wala pa ring nagbubukas ng pinto.  

''Luke Austin Carreon,c'mon! Open the door!'' bulong ko habang walang tigil sa pag-do-doorbell.  

Pinihit ko yung seradura.Geez! Hindi naman pala naka-lock!  

Nilibot ko na yung Sala and kitchen pero wala doon si Luke.Agad akong pumunta sa kwarto niya at nandoon nga siya nakasalampak sa sahig at nag-iinom mag-isa.Marami nang nakakalat na bote sa sahig.Pero hayun siya at wala pa ring tigil sa pag-inom habang yakap-yakap yung malaking stuffed toy na regalo ko sa kanya 2 yrs. Ago.  

Basang-basa siya ng pawis kahit malakas ang buga ng aircon.Umiiyak rin siya? Why...?  

Nilapitan ko siya at inagaw ang bote sa kanya.  

Parang ngayon niya lang ako nakita. ''Hey! Meyn! Give it back to me!!''  

''Lasing ka na,Luke! Tama na!''  

''Laseng? H-hindi ako Laseng,Meyn! Baka ikaw!'' pinilit niyang agawin sa'kin yung bote ng alak.  

''Luke,Stop it!'' suway ko.  

''Kilala mo ba ako! H-hinde!!! Ako lang naman si Mister Torpe!'' tumawa siya na parang baliw. ''Di bah,kuyuti-kyutih'' tanong ni Luke sa stuffed toy sabay yakap ng mahigpit.Maya-maya umiiyak na naman siya.  

Awang-awa ako sa nakikita ko.Pero pinigil kong mapaiyak. ''Lucas...'' tawag ko sa kanya.  

''Dont you dare call me L-lucas! Si Shammy ko lang ang may karapatan!''  

Niyakap ko siya.Ako 'toh Luke.Nandito na ako sa tabi mo...  

''alam mo ba? Mahal na mahal ko 'yon! Kasi Bespren kami! Ganto kami ohh!'' pinagdikit pa ni Luke yung dalawang hintuturo.Napatawa ako kahit umiiyak.  

''Pero si-sinaktan Ko lang sya!!!'' pumiyok siya,tapos umiyak na naman. ''Nakita ko sya umiyak sya Harap ko!!! Ang bobo ko kase!''  

Pinakinggan ko lang yung mga sinasabi niya,habang napapaluha.  

'''Nagpadala kase ko sa selos sa kanila ni Dylan.Nung bertdey ni Shammy ko,I-su-surprise ko sana sya sa skul.Pero di sya pumasok,yun pala! Yun pala,Kasama nya lang si D-ylan''  

Nagulat ako,kaya ba wala siya nung araw ng birthday ko dahil nauna na siya sa school para lang i-surprise ako...? Tapos ni hindi man lang ako pumunta?! Muling nangilid yung luha sa mga mata ko.  

''T-apos nakita ko silang magkayakap sa skul...'' umiyak na naman siya.  

''H-hinde din sya pumunta sa bertdey ko! ang ganda-ganda ng plano namin ni Missy.Tinulunghan ako,nun! I-su-surprise Ko kasi uli si Shammy ko.'' tumatawang pagmamalaki niya.  

Tapos bigla na namang umiyak si Luke ''Kaso! Di sya uli pumunta! Siguro...siguro nakipagdeyt sya kay Dylan. Paano nya malalaman na sya yung babaeng matagal ko nang gusto...H-hindi tuloy ako nakapagtapat! Ang sakit-sakit!''  

-----BAKITBESTFRIENDKOPA?!!-----  

Bakit Bestfriend Ko Pa??!!!(Short Story-Complete:)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon