cold midnight

20 0 0
                                    


Araw ng mga puso. February 14, 2018. Dalawang klase ng puso. Pusong nagmamahalan at pusong nasasaktan. Ikaw? Saan ka ba nabibilang?

Araw na puno ng saya, galak at maaari ding pighati. Pagkatapos ng isang nakakapagod na maghapon sa trabaho, napili kong magliwaliw. Alas singko ng hapon, nagpasya akong magpunta sa mall. Napaka-traffic papunta dito. Sari-saring mga tao ang makikita mo. May mga babaeng may hawak na bulaklak, tsokolate, stuff toys at magagarang boquet talaga. Siguro mayayaman ang mga boyfriend nila o kaya naman nagkataong may-ari ng isang flower shop. Nakakatawang isipin at panuorin yung mga babaeng kinikilig na halos abot langit na ang ngiti. At syempre hindi din maiiwasan na makakita ka ng mga lalaking bigo sa pagtatapat ng kanilang damdamin. Nalulungkot ako para sa kanila pero kailangan nilang tanggapin na hindi sila para sa isat-isa. Parang kami. Hindi kami para sa isa't-isa.

Heto naman ako, nakaupo sa isang bilog na lamesa, humihigop ng malamig na kape, sa ilalim ng kabilugan ng buwan, kasama ang mga taong ni minsan ay di ko pa nakikita. Nagsusulat ako ng mga katha, nagbabaka-sakaling marami akong makukuha at maisusulat sa ganitong pagkakataon. Minsan na akong umibig, mali pala, tatlong beses na akong umibig at sa lahat ng ito, nabigo akong makita ang taong makakasama ko hanggang sa dulo. Walang forever.Malas yata ako sa ganitong bagay. Hanggang sa may isang lalaki na lumapit sa akin. Eto na ata ang forever ko, pero mukhang hindi pala.

"Uhm, excuse me. Do you mind if I share a seat with you? Puno na kasi sa loob, pati dito sa labas, may kasama ka ba?" tanong niya

"Naah. I don't mind at all and im all alone. The chair is vacant. Have a seat." Sagot ko. Lakas ko maka-english kala mo naman napaka-sosyal kong tao. Lakas din kasi nito maka-english e.

Medyo may kaliitan ang lalaking ito. Siguro mas matangkad lang siya sa akin ng 3 inches. Kayumanggi, balingkinitan, medyo mahaba ang kanyang buhok, natatakpan ng bangs niya ang isa niyang mata. Brown eyes. There's always something special with those kind of eyes. Long fingers, mahahaba ang galamay nito, toned muscles at pouty and sexy lips. Attractive ang lalaking ito, hindi ganoon kagwapo pero malakas ang karisma. Mainit na kape sa gabing malamig. Sa itsura niya, dapat mayroon siyang girlfriend pero sa tingin ko, wala yata.

He almost caught me staring at him, buti na lang dala ko ang laptop ko at saka nagkunwaring nagtatype ng mga sinulat na storya. Goodness! He's staring at me.

"Why are you all alone in the middle of the night, typing with your laptop, drinking cold coffee here at valentines day?" sabi niya. Siguro nabo-bored na ang taong ito.

"Well, I don't have special someone to date this valentines day, and I'm seeking for inspiration to start a story." Sagot ko. Saktong-sakto ang timing niya dahil wala na pa din akong nakikitang inspirasyon. Pede namang siya na lang.

"Oh, I see. But why Valentines day?" tanong niya habang humihigop ng kape. His eyes never left mine.

"Its all about love. The theme of my book to publish is something about love." Sabi ko na sabay halumbaba ko at saka kunyaring tumingin sa laptop ko para makaiwas ako sa mata niya.

Di ko napansin kung kalian pa siya nag simulang maglabas ng sketchpad at lapis. Magaganda ang mga guhit niya, tamang-tama para sa aklat ko.

"Im Jef by the way, an Architect." Sabay abot ng kamay niya para sa handshake.

"O hi Jef. Chloe, Accountant by profession. Nice to meet you" Ngumiti ako at nakipag-handshake ako. Malambot na kamay kahit na puno ng kalyo. "How about you? What are you doing out here at valentines day?" ako naman ang nagtanong.

"Wala naman. Nagpapahangin. Chillin'. I don't have anyone to date to. Isa pa, ive got tons of project. Kaya nag-aalis ako ng kaunting stress." Sagot niya habang gumuguhit sa kanyang sketchpad.

Cold/Hot CoffeesWhere stories live. Discover now