Chapter 6, Lunch
"Grabe naman to si ate! Hindi ito Luneta bes! Bilisan mo namang maglakad!" Angal ni Indira mula sa harapan pagkatapos kong makabawi ng pagkakaupo.
Napalingon ako sa harapan at namataan ang babaeng naka-dilaw na top na mabagal kumilos.
Bumaling sa akin si Indira at malakas na tumawa. "Ano nangyari sa'yo, 'sha?" Tanong niya pa.
Mas lalong nag-init ang ulo ko! Putragis 'to! Pinahiya ako!
Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili at muling tinignan ang rear view mirror.
Ngising ngisi pa rin ang gago! Ubusan kita ng buhok e! Sarap niyang tirisin!
Namataan ko itong pigil na pigil ang tawa! Halos sunggaban ko siya ng kalmot sa pagka-bwisit!
"Sorry..." Aniya. Halos umusok ang ilong ko! Napaka-peke!
Buong biyahe'y pilit na pilit ang aking ngisi! Tuwing nakikita ko ang pagmumukha ni Uriel ay nanggagalaiti ako sa galit!
Ilang sandali pa'y tumigil kami sa isang eleganteng kulay itim at gintong arko. May isang magarbong fountan na may pitong anghel na nakatayo. Kulay puti ito at may umaagos na tubig mula sa tuktok.
Del Mañez hotel.
Wow! Laglag ang aking panga noong mamataan iyon! "Tagal ko ng hindi nakakabalik dito!" Dinig kong saad nung nasa likod.
Ako naman ay talagang ngayon lang makakapasok! Isang 5 star hotel ito! Sikat na sikat— at siya?! Sila ang may-ari?!
Pinarke niya ang sasakyan at binungad kami ng babaeng naka-pencil skirt at isang pormal na kulay puting blouse.
Sa kanyang tabi ay isang napakagwapong lalaking naka-formal suit. Maputi ito at maayos ang gupit sa buhok. Malaki ang ngiti nito sa amin bago tuluyang binalingan si Uriel.
Ngumisi ito sa kanya at mabilis na nakipag-bro fist.
"Kuya Sealtiel!" Bati ng iba. Uminit ang aking pisngi ng mamataan kung gaano sila magkamukha ni Uriel. Parang pinagbiak na bunga.
Hindi ko alam pero natatawa ako.
Ang pagkakaiba lamang ay mukhang malambing si kuya Sealtiel samantalang itong Uriel na 'to'y mukhang parating may balak na hindi maganda.
Hinagod niya kami ng tingin at tumigil siya kay Indira. "You're the girl from the other day right?" Tanong niya.
What?! Dito? Ito iyong hotel na sinasabi ni Indira? Nauna na siyang nakarating?
Kuminang ang mga mata ng aking kaibigan at sunod-sunod na tumango. "Girlfriend ka ng kapatid ko?"
Naglipana ang asar sa kanila. Naramdaman ko ang bahagyang pagkibot ng aking kilay habang iniisip na ang bilis naman.
"Lakas talaga o!" Kantyaw ng mga lalaki. Ngumisi si Uriel at umiling.
"Hindi ba?" Tumawa si kuya Sealtiel. Muli niya kaming tinignan. Ilang sandali pa'y sa akin naman tumigil ang kanyang mga mata.
Ngumiti siya sa akin. Umangat ang gilid ng labi ko at doon ko lang napansing naka straight face pala ako pagkatapos noon.
"Girlfriend mo Aldryne?" Baling naman niya sa amin. Doon uminit ang aking pisngi noong kami naman ang inasar.
"Nililigawan." Sagot niya. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi na tila ba'y paraan iyon para maitago ang awkwardness.
BINABASA MO ANG
Barely Breathing
Teen FictionKapag nahulog ka sa patibong ng pang-aakit mahirap nang makawala. Kapag tumalon ka sa ere ng walang kasiguraduhang direksyon, maaari kang masira. Walang magliligtas. Lahat ng bagay ay sasalubungin tayo ng paghihirap. Lahat ng bagay ay may kapalit na...