Beginning

1.1K 29 18
                                    

Saoirse is pronounced as ser-sha.

Beginning

 "Araw nanaman ng mga taong walang kalaplapan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Araw nanaman ng mga taong walang kalaplapan." Bulong ni Indira habang nakaupo kami sa bleachers ng covered court.

Pinapanood namin ang iba naming ka-batch na magdikit ng mga pusong papel sa stage para sa nalalapit na Valentine's day.

"Tigil-tigilan mo nga kami sa mga masasagwa mong terms Indira." Ani Kelsey habang naggugupit ng puso na gawa sa art paper. Tumawa ako at hindi nagsalita.

Binalingan ako ni Indira bago pinagtaasan ng kilay. "Tawa-tawa ka diyan Saoirse, porke't may kalaplapan ka?" Aniya.

Uminit ang aking pisngi at mabilis na kinunot ang aking noo. "Will you shut up? Kita mong may mga tao sa paligid!" Sita ko habang sinusulyapan ang iba naming ka-batchmates na tumutulong gumupit ng red foils. Mukha namang walang nakapansin dahil tuloy-tuloy pa rin sila sa kani-kanilang ginagawa.

"Wushu! Hiya pa..." tumigil ito at tinaas baba ang kilay. "Masarap ba?"

Nanlaki ang aking mata bago marahas na tinakpan ang kanyang bibig. "Manahimik ka nga!" Kunwari'y irita kong saad.

Tinanggal niya ang aking kamay sa kanyang bibig bago ngumiwi. "Shit ka, galing tayo ng CR tapos ididikit mo sa bibig ko 'yung kamay mo?!"

Inirapan ko siya at bumaling na lamang sa karton kung saan inilalagay ang mga kakailanganin para mamaya.

"Aldryne looks nice, mukhang hindi siya iyong tipong wild manghalik." Ani Kelsey bago ako tinignan. Nalaglag ang aking panga bago siya hinampas.

"Pati ba naman ikaw?" Kinagat niya ang kanyang labi bago humalakhak.

"Hoy bruha! Don't judge a book by it's cover! Mukhang mabait, pero malay ba natin kung may tinatagong wildness?" Bumaling ito sa akin. "Nakarating na ba kayo sa second base?"

Hindi ko sila pinansin kahit na pakiramdam ko'y sasabog na ang aking pisngi sa init. Aldryne's my suitor. Mabait naman siya— basketball player. Cool kid, gwapo; crush na crush ko. Hindi ko nga alam kung bakit isang araw bigla niya na lang akong pinadalhan ng love letter at sinabing may gusto siya sa akin.

Hindi ko naman dino-down ang ganda ko. Simple lang, may hanggang dibdib na haba ng buhok, may kaputian at matangkad. May hinaharap at may pang-upo. Pwede na kumbaga.

Noong una'y hindi ako naniniwala. Akala ko kasi'y gawa-gawa lang nila Kelsey para paasahin ako pero isang araw bigla na lang siyang nag-abang sa labas ng classroom namin para imbitahan akong mag-lunch! Akala ko nga'y panaginip lang! Tapos iyon, niligawan niya na ako. Bakit naman ako tatanggi? Crush ko nga e!

Barely BreathingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon