Chapter 1

640 17 16
                                    

Chapter 1, Sikreto

"Binch he's so hot! Oh my gosh!" Niyugyog ni Indira ang aking balikat habang pinapakita ang picture nung Aurelius na topless sa profile picture niya.

Kitang kita ko ang mga burol sa kanyang tiyan. Muling namilipit ang aking sikmura sanhi para mapasapo ako roon.

Napangiwi ako at mabilis na inalis ang kanyang kamay sa aking balikat. Kinwento ko kasi sa kanya ang nangyari kahapon. Nabanggit ko ang mga pangalang naalala ko. Nasama ko iyong Uriel na iyon— kilala niya rin naman daw pero ngayon niya lang naisipang i-stalkin.

I actually know him pero hindi ko alam ang name niya. Naaalala ko lang sa mukha kapag nagkakasalubong kami sa hallway. Gaya ko'y grade 11 din ang isang iyon.

"Goodness, look at this! Isa pa!" Pinakita niya naman ngayon ang group picture nilang magkakaibigan kung saan nakangisi siya.

"Shit, dilaan mo ako Uriel." Kinikilig niyang saad sanhi para mapairap ako. Sinulyapan ko si Kelsey na tahimik na nakiki-usyoso.

"Baka may girlfriend na iyan." Biglang singit niya. Hindi ko sila pinansin at sumimsim na lamang ng blue lemonade.

"Pakealam ko? 'Di naman masamang lumandi kung may girlfriend na! Buti kung may asawa't anak na hindi ba?!" Ngumisi-ngisi si Indira pero kalaunan ay biglang natulala. "Paano kaya performance niya sa kama?"

Natawa si Kelsey ngunit hindi na rin sumabat pa. Lunch at kakatapos lang namin kumain. Mamaya konti'y maghahanda na kami para sa mga designs para sa Valentine's day. Ang gusto ko nga'y mamaya pa ako umuwi dahil mauuyam lang ako kay kuya Lazaro na panay ang aya sa aking maglaro ng video games.

Nag-scroll pa ng pics ang kaibigan ko habang panay ang pakita sa amin. "Shit, ilakad mo nga ako rito Saoirse!" Baling niyang muli sa akin.

Humarap ako sa kanya at mabilis na inilingan. "Hindi kami close." Ngumuso ito at pinagsalikop ang mga daliri para ipakitang nagmamakaawa siya.

"Please?" Umiling akong muli. No way! Ayaw ko! Nakakahiya, buti kung close kami!

"You're so killjoy naman girl." Arte nito bago muling bumaling sa kanyang cellphone. Hindi na lang ako nag-react.

"Bahala na, I'll get him!" Aniya. "By hook or by crook!"

Nang tumunog ang bell ay agad kaming nagtayuan. Tapos na ang lunch! Kailangan na naming pumunta sa covered court! Humikab ako bago dinampot ang wallet na nakapatong sa lamesa.

I'm so tired! Buti na lamang ay gawaan na lang ng props ngayon!

Umakyat kami ng ikatlong palapag para kunin ang mga gamit namin. Sakto namang noong pagtungtong ng aking paa sa lupa ng third floor ay nakarinig ako nang malalakas na tawanan.

Nang mahagilap ko ng tingin kung saan iyon nagmula'y namataan ko na ang kumpol na grupo nila Aldryne na nag-aasaran. Napangiti ako.

"Goodness, look at him— ang gwapo!" Bulong ni Indira kay Kelsey pero hindi ko na siya masyadong pinansin.

Sinalubong ako ni Aldryne at marahan akong hinalikan sa pisngi. "Good afternoon, Saoirse!" Aniya.

Naghiyawan ang iba niyang kaibigan dahil sa nasaksihan.

Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang mga kaibigan at namataan ang titig noong Uriel. Kinakausap siya ng kanyang katabi pero hindi niya ito nilingon. Hindi ko na lang siya inisip at bumaling kay Aldryne. Ngumuso ako para magpigil ng kilig.

Barely BreathingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon