CHAPTER 2 TAKING THE RISK

24 0 0
                                    

CHAPTER 2

TAKING THE RISK

 

-

(YNA)

 

“Iris! Hindi ka pa ba tapos diyan?!” Dinig kong sigaw ni Jorj sa kabilang kwarto at dinig ko din yung pagkatok niya sa pintuan ni Iris.

Lumabas na ako ng kwarto ko at isinukbit yung backpack ko sa likod ko at nakitang nandun nga si Jorj sa labas ng kwart ni Iris.

“Oh bakit? Aga-aga, high blood ka.” Sabi ko kay Jorj.

“Si Iris kasi, eh. Kinuha yung pouch bag ko ng mga pulbo. Nagpapaganda para kay Lexer.”

Natawa naman ako dun at kinatok din si Iris sa kwarto niya. “Iris! Nandito na si Lexer—“

Hindi ko pa man tapos yung sinasabi ko ay bumukas agad yung pintuan at hawak ni Iris yung pouch na sinasabi ni Jorj at hinablot ito. “Nandyan na sila?!” Excited na tanong nito.

Sabay kaming napatingin ni Jorj sa suot ni Iris. Mula ulo mukha paa—este hanggang paa.

“Nag-dress ka talaga? Meg-eenroll lang?” Tanong ko.

Ngumiti naman siya ng malawak sabay tango. Yung ngiting nawawala yung mata? Ganun.

“Psh. Whatever. Bumaba ka na in five minutes.” Sabi naman ni Jorj at nauna na siyang bumaba.

Sinundan namin siya ng tingin ni Iris hanggang mawala siya sa paningin namin.

“Yna.” Napalingon naman ako kay Iris. “Pangit ba yung suot ko?”

Pfft—baliw ba siya? Hindi naman sa pangit. Pero sino ba namang magsusuot ng dress na mukhang pam-prom sa araw ng enrollment?

Hinawakan ko siya sa balikat. “Hindi yan pangit, Iris. Sadyang OA lang.” Realtalk. Kesa namang sabihin kong maganda tapos siya yung mapahiya, diba? No way.

“Kung ako sa’yo, magsh’short na lang ako, pants tapos t-shirt.” Sabi ko sa kanya. Yun kasi suot ko eh. Pero ako nakashorts, tshirt, topsider tsaka backpack.

Ngumiti naman si Iris, pero weak smile lang at tumango. “Sige, magpapalit na ako. Mabilis lang ‘to.”

-

“Oh? Akala ko ba nakadress ka ngayon?” Bungad ni Madeline nang makita niyang bumaba na si Iris.

Naka-sleeveless top si Iris tsaka pants at topsider din pati shoulder bag.

“Eh. Ayoko. OA daw kasi sabi ni Yna.” Sabi naman ni Iris sabay upo din kasama namin.

“Pfft—buti naman Yna nirealtalk mo.” Sabi ni Jorj sabay tingin kay Iris. “Pero seriously? Mas okay kapag ganyan. Simple. Walang arte.” Sabay balik sa pagtetext niya.

DESTINY'S GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon