CHAPTER 13 CRAZY MADELINE

10 0 0
                                    

CHAPTER 13

CRAZY MADELINE

 

-

(MADELINE)

 

Vacant ang next class naming lahat dahil may hinahanda ang mga prof para sa unang major activity ng Westnight University.

Nandito kami sa cafeteria para kumain kasi hindi kami nakakain lahat dahil sa nangyaring “surprise” arrival ni Xypher kanina.

“Ano bang next activity? Fest na ba?” Na-excite ako sa tanong ni Iris.

Kapag school fest kasi, panigurado, sasayaw na naman kami. And I swear to all nature, I miss dancing with these guys.

“Oo. Mag-J’July na diba? Oo, fest na.” Relax na sabi ni Yna.

Busy kami sa pag-uusap-usap about sa mga bagong kantang pwedeng pansayaw na napakinggan namin nang biglang may lumapit saming prof.

“Good morning, prof.” Bati namin.

“Good morning.” Bati nito at may nilapag na dalawang pirasong papel sa table namin. “Kasali kayo sa program for the school festival next month. Agad ko na itong sinabi sa inyo pra makapagprepare na kay. Nandyan na din yung contests na meron sa fest, just in case you want to join any.” Sabay walk out.

“Thank you, prof!” Sigaw ni Xypher. Hay nako talaga.

Tiningnan namin yung dalawang copies na binigay samin.

“Uyy!! May Dance Revolution 3.0!” Sabay pa kaming napasigaw ni Jorj kaya natawa kami at nag-apir.

“Alin yan? Yung may iba’t-ibang divisions?” Tanong naman ni Lexer.

“Yup.” Sagot naman ni Blade. “Ayan yung may by pair, individual tsaka group.”

“Anong theme?” Tanong ni Yna.

Kapag may dance revo kasi, may theme ‘yan. Nung first year kami, ‘story’ yung theme. Yung may story sa kanta at pagsayaw mo. Diyan namin sinalang sina Iris at Lexer sa by pair at kami naman sa group. Hindi kami nagi’individual. Nung second year, ‘futuristic’ yung theme. Hindi kami nagsali sa by pair and individual. Sa broup kaming walo sumali. Nawala yung dance revo nung junior kami kaya nakakadown.

At ngayong bumalik na, PARTEH PEOPLE!!

“Freedom.” Sagot ni Kiel na hawak-hawak yung listahan at tiningnan kami. “Freedom yung theme.”

“So ibig sabihin, kahit ano, pwedeng sayawin?” Pagkaklaro ko.

“Malamang. Freedom nga, eh.” Okay. Barado na ako ni Yna. -_-

Nagbrainstorm na agad kami ng mga kantang magandang sayawin. Pero may bigla akong naisip.

DESTINY'S GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon