CHAPTER 19 CARRYING HIS NAME

9 0 0
                                    

CHAPTER 19

CARRYING HIS NAME

 

-

(JORJ)

 

Hindi kami sinundo ng boys ngayon kasi hindi naman talaga kami nagpasundo. Sinabi namin sa kanilang maaga kami papasok kasi aayusin na namin yung para sa painting namin ngayong araw.

“Jorj, tulungan na kita.” Sabi nung isa kong kagroup. Kung hindi ako nagkakamali, Sandra yung pangalan nito. Classmate din siya nina Iris sa isang subject.

“Ay sige, salamat.”

Lima pa lang kami dito sa grupo namin at may kanya-kanya kaming ginagawa. Kami ni Sandra, naghahalo ng pintura, yung dalawa, nililinis yung pader na pipinturahan namin at yung isa naman, nililinis na yung mga brush na gagamitin namin.

“J-jorj.” Tawag sakin ni Sandra habang naghahalo kami ng paint.

“Mmm?”

“Uhm, wala pa ba si Blade?”

Napatingin naman ako bigla sa kanya habang naghahalo din siya. Hindi siya nakatingin sakin kaya hindi niya napansing tumingin ako.

“A-ah, wala pa. Hindi na kasi kami n-nagpasundo sa kanila kanina.” Sabi ko at bumalik na lang sa ginagawa ko.

“Ahh. Ganun ba? Akala ko kasi sabay kayo, eh. Hehe.”

“Bakit mo p-pala natanong?”

This time, alam kong nakatingin na iya sakin habang naka-cross arms at nakatingin sa malayo. “Wala naman. Bihira ko kasi siyang makausap sa room so hindi ko siya masyadong kilala. You know? We’re classmates naman eh. So we should be close right?”

Medyo napanganga ako sa sinabi niya then mukha siyang nataranta dahil sa naging reaksyon ko.

“I-I mean d-diba—i-ikaw. Medyo nakakaclose na kita, nakakausap. S-sila. So yun. Dapat kasi, l-lahat.”

-

10 minutes na yung nakalipas simula nung usapan naming yun at magsisimula na kami any minute from now.

“Jorj.”

Agad akong lumingon ng marinig kong may tumawag sakin nang hindi nags’sink in kung sino yun at nakita ko si Blade sa harap ko.

“Hi, Blade!” Bati sa kanya ni Sandra.

“Hi.” Tipid niyang nginitian si Sandra sabay tingin ulit sakin.

“Bakit?” Tanong ko.

Walang pasubaling inabot niya sakin ang isang bote ng mineral water na nakabalot sa white towel. “Para kung sakaling mapagod ka, oh. Alam ko kasing nasa room yung gamit mo, eh. Kaya binilhan kita.”

DESTINY'S GAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon